Chapter 50: Wounds

431K 7.3K 3.8K
                                    

I would like to dedicate this chapter to admin Claire. She's the newest admin sa page at nakakagulat yung pagiging active niya. Hihi. Nakakatuwa! Keep it up! Love yah! :*

Chapter 50: Wounds

Ethan’s POV

 

Dahan-dahan kong binuhat si Anya. I never thought that Fretzie could do things like this. I’m disappointed. I’m very much aware that Anya is a certified Brat, lahat ng gusto niya gusto niyang makuha. Pero sana pinagpasensyahan na lang niya o kaya di na sana pinatulan.

Laking gulat ko nung bigla kong nabangga si Fretzie, medyo napaatras siya ng onti. God knows hindi ko sinadya yun. Nilingon ko siya sandali, nakayuko lang siya. Ano ba to. Bakit feeling ko siya yung dapat kong icomfort, Eh si Anya tong nasugatan? -___-

Bago pa man ako makapagsorry naramdaman ko na lang na humigpit yung hawak ni Anya sa balikat ko.

Kailangan ko pa nga palang dalhin sa clinic to. Nandiyan naman si Miko para kay Fretzie.

[Clinic]

Kasalukuyang binibigyan ng first aid si Anya nung nurse dito. Buti naman at hindi malalim yung sugat niya paniguradong malaking problema kung malala yung pagkakahiwa kay Anya. Sigurado akong hindi niya titigilan si Fretzie.

Natigilan ako. Si Fretzie nga pala… Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan umabot sa puntong magkasakitan sila. Sa pagkakakilala ko naman sa kanya hindi niya kayang gawin yung mga ginawa niya kay Anya. Pero sino naman ang gagawa nun kung hindi siya?

AH EWAN! Ang gulo! -___-

“E-Ethan…”

Napatingin ako kay Anya. Nakakaawa yung itsura niya. Kung tutuusin hindi din naman dapat ganun yung magiging reaksyon ko kanina kung hindi ko alam kung gaano kaimpluwensya ang pamilya nila Anya. Kapag nakarating to sa Daddy niya paniguradong malaking problema, ang mananagot ay si Fretzie.

“Bakit?” Tanong ko. Casual lang. Kahit papaano kaibigan ko rin naman si Anya kaya ganun na lang din yung concern ko nung makita ko yung sugat. Sige nga, kung ikaw nasa posisyon ko… Makikita mo yung kaibigan mong nakahiga sa sahig tapos may dugo sa braso, hindi ka ba magiging concern?

“N-Natatakot ako…” Sabi niya tapos medyo naiiyak.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon