"Kahit naman sabihin mo pa din ngayon, hindi na mababago na mas pinili mo ang iba kesa sa pinsan ko. Hindi mababago na nasaktan mo siya."

"Sinaktan ko siya kasi 'yun ang dapat."

"Sinaktan mo kasi ginusto mo."

"Paniwalaan mo ang gusto mo. Basta alam ko, at ng barkada ang totoo." Sabi ni Blake at naglakad pabalik sa club.

Narinig kong tumikhim sila Jai. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 1am na.

"You all know about this?" Tanong ni Kean.

Tumango kami. Nakita ko ang pagiba ng mood ni Kean. Mas lalong dumilim.

"Damn it! Bakit hindi niyo sinabi kay Kylie?!"

Walang nagsalita samin. Kami nila John ay nakatingin lang kay Kean. Ang mga babae naman ay halatang kinakabahan na. Hinila ko si Jai at niyakap ko siya.

"Shh, don't cry." Pagalo ko.

"Bakit hindi niyo sin---"

"KASI ALAM NAMIN ANG ISASAGOT NI KYLIE!" Pagputol ni Doms sakaniya kaya napatingin kami kay Doms kahit kelan talaga. Ang tapang. "Alam namin na mas pipiliin niya pa ang mamatay! Inintindi namin si Blake kahit alam naming masasaktan ng todo si Kylie. Nilihim namin dahil naaawa kaming lahat sakanilang dalawa lalo na kay Blake! Malakas ang loob mong gumanyan Kuya Kean dahil hindi mo nakita! You didn't witnessed how depressed Blake was. You didn't saw how he cried. How he begged just for your cousin! Wala ni isang nakakita sainyo na pamilya ni Kylie kundi kaming mga barkada niya lang! Kaya inintindi namin siya. Kahit nakokonsensya kami dahil naglihim kami kay Kylie tiniis namin dahil kailangan eh! Kailangan na kailangan!" Sigaw ni Doms.

Natahimik si Kean at Kaitleen. Pero bakit parang wala lang kay Vanessa ang lahat ng narinig niya?

"I knew it." Ngayon, nalipat naman ang tingin naming lahat kay Vanessa. "I saw you all entering to the abandoned room. Magkasama kami ni Rachelle nun. And I heard Blake talking to five guys sa likod ng EU. Hindi na ko nagulat sa mga narinig ko."

"Pero bakit nilihim mo?" Tanong ni Kaitleen.

"Ate, I don't know the whole story. Ang alam ko lang naman ay naiipit si Blake. I don't know the reason. Sila lang ang nakakaalam. Kaya sino ako para ibuka ang bibig ko kung hindi ko naman alam ang lahat? They are the one who should explain to Kylie. Not me."

"Shit." Mura ni Kean at tinalikuran kami. "Uuwi na tayo. Ihahatid ka na namin Vanessa." Tumango lang si Vanessa. Si Kaitleen naman ay nagpaalam samin pero si Kean dere-deretso ang lakad patungo sa sasakyan niya.

"Lupet ng sitwasyon ni Blake. Hindi ko na matumbasan." Sabi ni Ethan.

"Okay lang ba sainyo kung si Ethan na lang ang maghahatid sainyo? Gustuhin man namin na ihatid kayo kaso si Blake eh, baka may mangyaring masama dun."

Tumango naman sila Ara, "Ayos lang. Kailangan naman talaga kayo ni Blake eh. Halatang hirap na hirap 'yun. Naiintindihan namin."

"Sama na ko. Hindi kayo kasya sa isang sasakyan lang." Sabi ni Jhersel.

Nagpaalam na kami at hinalikan ko naman si Jai sa noo.

"Text me when you're home already." Sabi ko at ngumiti sakaniya.

"I will. Ingat kayo ha? Kayo na bahala diyan kay Blake. Umiwas kayo sa away." Sabi niya kaya tumango naman ako.

"Opo boss. Sige na. I love you." Sabi ko at hinalikan siyang muli sa noo.

"I love you too, Yu." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi at tinalikuran na ako.

Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang dalawang nasa gilid ko. Si John at si Bryan.

Campus QueenWhere stories live. Discover now