VII: Three Days Ago

Comenzar desde el principio
                                    


"Ugh! Friend ni Church? For sure mukha ring tilapia ang friend niya gaya niya." Reklamo ko pa pero bigla akong siniko ng natatawang si Harper.


"Hey that's not nice. Don't say that." Giit ni Harper kaya lalo akong napangiwi.


"O sige, edi hindi na siya Tilapia. Pero kita mo naman yung galawan at ayos ni Church diba? Parang batang jejemon na sumasali parati sa riot dahil feeling gangster. May pa Mohawk-mohawk pa at peircings sa labi. At manyakis rin ang isang 'yon." Katwiran ko pero lalo lang akong siniko ng natatawang si Harper. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to, lakas makapangaral pero natatawa naman.


"But don't underestimate Churchill, Call-center agents ang parents niya. Mas magaling nga siyang mag-english kesa sakin, Yung tipong aspirated talaga ang pananalita niya at with American accent pa, bibilib ka talaga. Classmate ko yun sa Linguistics eh."


"Aba edi okay, akin na nga yang listahan. Ako na bahala sa drinks, ikaw sa chips." Sabi ko na lamang at inagaw sa kanya ang isa sa dalawang listahan.


Nagtungo ako sa hulihang bahagi ng grocery store kung saan naroroon ang naglalakihang refrigerators nila na naglalaman ng soft drinks at booze. Kainis, for sure andami-daming malalasing mamaya at for sure maraming magpapahatid kay Harper pauwi kasi hindi naman umiinom ang babaeng 'yon eh. Good girl much.


"All alcoholic and dangerous." Mahina kong sambit habang nililibot ang paningin ko ngunit laking gulat ko nang mapansin ko ang isang lalakeng nakatayo hindi kalayuan mula sa akin. Para akong kinilabutan ako nang makita ang mukha niya, not because he looks like a jejemon hybrid, but because he looks like an angel in this hell-like grocery store.


Sa sobrang gwapo niya napatulala ako. Ang sarap-sarap niyang titigan. Jusko Jesus! Tinitingnan ko lang siya, para nang bumukas ang langit at nagkantahan ang mga anghel. His pale skin, dark brown hair and small brown eyes, Oh my God! Ang pogi talaga! Para siyang si Jack ng Titanic! Teenage version ni Leonardo DeCaprio!


Bigla siyang napatingin sa direksyon ko kaya naman pasimple akong ngumiti sabay libot ng paningin ko na para bang may hinahanap ako. Nagpanggap akong kalmado kahit deep inside gustong-gusto ko nang magsisigaw at magwala dahil sa eye-contact naming dalawa.


"May nakita ka bang babaeng parang holdaper? Nakasuot ng jacket at face mask?" I tried to start a conversation at nang lumingon ako sa kanya ay nakakunot lamang ang noo niya na para bang hindi niya ako naiintindihan. Oh shit! Hindi niya nga ako naiintindihan! American Boy to eh!


"Nevermind, just continue what you're doing. Thankies." Sabi ko na lamang sabay ngiti sa kanya ng pagkatamis-tamis dahilan para ngumiti siya pabalik. Jusko Jesus! Para akong matutunaw sa ngiti niya!


Pasimple ko siyang pinagmamasdan. Hindi ko mapigilang magtaka, para siyang may hinahanap na drinks na ewan.


Biglang tumunog ang cellphone ko at nang makita kong tumatawag si Harper ay dali-dali ko itong sinagot.


"Dana asan ka-"

"Harper bilisan mo na, pumunta ka na dito bilis. May pogi sobrang pogi." Kalmado kong sambit kahit pa halos mawasak na ang labi ko kakangiti dahil sa kilig.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora