Imahinasyon ko lang ba o talagang si... "Henrieta."

Ngunit bakit--

Napaigtad ako sa sopa nang makaramdam ng matinding sakit sa tyan. "Urghhh!" Sobrang sakit na parang mapupunit ang laman ko mula sa loob. Napasigaw si Ina ng tulong habang kinokontrol ko ang paghinga. Niyayakap ko na ang sarili sa sakit at halos mamaos na ako sa mga sigaw.

"Anong nangyayari?" boses ni Rebecca, pero di ako sigurado.

"Manganganak na yata siya, tawagin mo ang mga doktor!"

At maya-maya pa, maraming kamay ang bumuhat sa'kin papunta sa kung saan.



──────⊱⁜⊰──────



"-parating na ang Hari-"

"-wala bang maaaring gawin?-"

"-baka hindi niya kayanin-"

Kabi-kabilaan ang naririnig kong ingay. Mga boses ng babae at lalaki. Mga 'beep' sa mga makina na ngayon ko lang nakita. Mga tunog ng gamit na binubuksan at kumakalampag na metal. Bukas-sara ang mga mata ko at marahan akong nagmamasid ng paligid.

Unang luminaw ang mukha ni Rebecca habang pinupunasan niya ang pawis sa aking noo. Pagkatapos-

"Aahhhh!" sigaw ko nang makaramdam ng paggalaw sa aking tyan na para bang may itinutulak palabas. Umarko ang aking likod at bumagsak ako sa lambot ng kama muli.

Narinig ko ang boses ni Adam, sa isang kalmadong boses na ginagabayan ako sa pag-iri. Ngunit masyadong masakit. Masyadong masakit! May hawak akong kamay at magaspang ito tulad kay Ina. Narinig ko rin ang boses niya.

"Sige pa, anak... Konti pa, anak...Kaya mo 'to..."

Gumalaw nanaman ang aking tyan at dumoble ang sakit. May pagtibok sa ulo ko na parang mababaling ugat. Halos bumaon ang mga kuko ko sa kamay ni Ina.

"-hindi pwede. Masyadong maraming dugo-"

"-bibigay ang puso niya-"

Mahinang nag-uusap ang mga doktor sa paanan ko. Sa gilid ko, bumubulong ng dasal si Rebecca na mas lalong nagpakaba sa'kin. Si Lianne. Ang anak ko. Iligtas niyo siya-

"Urrghhh!"

Sa pangatlong ulit magmula paggising ko, parang gusto ko nang mamatay agad. Siguro'y may sugat na si Ina sa kamay sa higpit ng aking hawak.

"AAHHH! P-Parang awa niyo...n-na...."

May kamay na humahaplos sa buhok ko. At narinig ko ang isa pang babaeng doktor na huminga raw ako nang malalim. Ginawa ko. Isa nanamang paggalaw ng tyan. Mababali na ang buto ko sa sakit.

"Nakikita ko na!" boses ni Adam.

"Eyha, anak...Kaunti na lang..." sabi ni Ina.

Paraisla i: PangakoWhere stories live. Discover now