CHAPTER 1: FAMILY MONDRAGON: The Endangered Species

11 0 0
                                    


" Maria Cassandra, aba eh, tanghali na! Bumangon ka na dyan, nagsabog na ang Diyos ng grasya. . Pa'no ka makakasalo  ya'n kung   hanggang ngayon nasa kama pa rin. Dyaskeng bata ka,oo,  kung bakit kasi daming pwedeng maging trabaho mo, maging writer pa ang napili mo. Sa halip na maghanap ng mapapangasawa at bumuo ng pamilya ang inaaatupag mo  nagkukulong ka dyan sa lungga at mga kung sino-sino mga singkit yang pinapantasyahan mo." tawag ni Aling Marsha kay Casey .

Kahit ayaw pa bumagon ni Casey sa higaan ay kailangan. Tiyak kasi na hindi titigilan ng kanyang ina ang kakatalak at kakakatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Araw kasi ng Linggo, pag ganitong araw sama-sama silang nagsisimba buong pamilya tulad ng nakagawian na nila kahit nabubuhay pa ang kanilang ama.

Ang kanyang ama ay namatay sa sakit na lung cancer dahil sa hilig din nito na manigarilyo. Nang mga panahon na iyon nasa 1st year high school na siya at ang nakababata niyang kapatid na si Maxi ay nasa grade four naman.
Dahil sa maagang pagkabalo, ang kanyang ina ang tumaguyod sa kanilang magkapatid. At dahil rin mahirap ang buhay sa probinsya ng Cebu, umalis at nagtungo sila ng Maynila upang dun magtrabaho ang kanilang ina at doon na rin nila pinagptuloy ang pag-aaral. Ang lahat na ari-arian, bahay at lupa ay ibenta ang mga ilang gamit nila ay binenta at pinamigay na lang sa malalapit na kamag-anak sa probinsya.

Sa kabutihan palad naman natanggap ang kanilang ina bilang production manager sa isang garment factory.  Nang mga panahaon mahina at tuluyan nang magsara ang naturang factory, nakakuha ang kanyang ina ng seperation pay na kulang sa sampung taon niyang paninilbihan sa kompanya. Bagamat di naman kalakihan ay sapat naman upang magsimula ng isang negosyo.

Kumuha na isang maliit na pwesto ng gulayan sa isang palengke malapit sa kanilang tinutuluyang bahay. At mula doon sa maliit na kita ng kanyang ina sa pagtitinda ay binuhay at pinag-aral sila ng kanyang ina.

Nakapagtapos siya ng mass communication, dahil passion niya ang pagsusulat kahit noong bata pa siya ay naging mainstay writer siya ngayon ng isang sikat na publishing company dito sa bansa. Ang pagiging writer ang pinili niyang profession dahil bukod sa nag-eenjoy siya sa kanyang ginagawa ay hawak pa niya ang sariling oras dahil sa bahay lang siya nagtratrabaho. Pumupunta lang siya mismo ng kanilang opisina kapag tapos na siya sa kanyang nobela at isa-submit na lang niya ang kanyang manuscript sa kanyang editor for approval o kaya kapag kukuhanin na niya ang tseke na ibabayad sa kanya . At ang kanyang kapatid ay isang professor ngayon kung saan sila nagtapos ng kolehiyo bilang mga iskolar ng bayan sa University of the Philippines.

Dahil mabilis ang panahon at sa awa ng maykapal, ang dating guluyan noon ay isang maliit na grocery store na ngayon sa bayan ng Santa Monica sa Tondo na pinamamahalaan ng kanyang ina bilang pampalipas oras. Kung tutuusin kahit di na ito magtrabaho ay kanya naman nilang dalawang magkapatid na buhayin at suportahan ito, ngunit mapilit ito at hindi sanay sa walang ginagawa kaya hinayaan na nilang magkapatid sa kanyang kagustuhan total may mga helper naman ito na kinuha.

Kahit puyat dahil may tinatapos siyang nobela na kailangan na niyang i-submit sa kanyang editor, bumangon na siya na papungas-pungas. Kinapa-kapa ang salamin sa mata sa isang maliit na lamesita na katabi ng kanyang kama. Ang paglabo ng kanyang mata ay sanhi ng hilig niya sa pagbabasa at pagsusulat na namana nga daw niya sa kanyang ama.

Nang maisuot na niya ang salamin agad na siyang tumayo at pumunta sa likod ng pintuan ng kanyang kwarto para gawin ang kanyang nakasanayan morning ritual..

" Hi! yobo, kahit kailan ang cute ang cute mo pa rin. Ang chinito mong mga mata, at mga makalaglag panty mong mga ngiti. Hay! kailan kaya kita mame-meet? Haaay! sabay bugtong hininga. Kulang pa kasi ang savings ko para makapunta ng South Korea. Kaya ito ako ngayon magtitiyaga munang titigan ang gwapo mong mukha at halikan ang iyong mga labi ng ganito..

HULING BIYAHEWhere stories live. Discover now