Story #4: The Tithe / Ang Ikapo

5.2K 14 2
                                    

This is another short tale I heard in a homily

Scroll down to the bottom for the Tagalog version.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

THE TITHE

John was talking to a priest.

John: Father, can you pray for me or can you help me pray for me to get a job. Once I do get a job, I will donate ten percent of my salary to the church.

Priest: Sure John, come here and let us pray together.

A few months later, John returned to the church and seems so happy.

John: Father, I got a job! I am getting a thousand dollar salary a month. I already got my first paycheck so as a promise; here is the hundred dollars that I will be donating to the church.

Priest: Thank you John. I am so happy for you. Come with me and let us pray to thank the Lord.

John did not fail each month to donate ten percent of his salary to the church. After a year, he returned with good news!

John: Father, I was promoted last month! I am now a supervisor and my salary was raised and now getting twelve hundred dollars a month! So here is the hundred and twenty dollars for the church.

Priest: Thank you John and congratulations! Come with me and let us pray to thank the Lord.

John still did not fail each month to donate ten percent of his salary to the church. However, a couple of months later, John returned to the church looking sad.

Priest: You seem depressed John. Is there anything I can help you with?

John: I was promoted again Father. I am now a manager.

Priest: Isn't that great news? Why is it that you look depressed? Shouldn't you be happy?

John: My salary is now two thousand dollars a month. I was just thinking that two hundred dollars a month is too big amount to donate.

Priest: I see. Come with me and let us pray to the Lord to have your salary return back to a thousand dollars a month.

(Note: Never count and never regret anything that you give to the Lord, the Lord never counted and regretted the blessings he has given you)

***

ANG IKAPO ('di ko sure kung tama spelling pero ito yung term na gamit ng pari)

Si Juan kausap ang pari...

Juan: Father, maaari ninyo po ba akong ipagdasal para makakuha na po ako ng trabaho. Kapag nakakuha po ako ng trabaho, ibibigay ko po ang sampung porsiyento ng aking sahod sa simbahan.

Pari: Sige Juan, halika at tayo ay magdasal sa Panginoong Diyos.

Ilang buwan ang nakalipas, si Juan ay bumalik sa simbahan at tila masaya.

Juan: Father, may trabaho na po ko! Kumikita po ako ng sampung libong piso kada buwan. Nakuha ko na po ang aking unang sahod kaya gaya po ng aking ipinangako, ito po ang isang libong piso na ibibigay ko para sa simbahan.

Pari: Salamat Juan. Masaya ako para sa iyo. Halika at tayo ay magdasal upang magpasalamat sa Panginoong Diyos.

Walang palya sa pagbibigay si Juan ng kanyang ikapo sa simbahan. Makalipas ang isang taon, bumalik siya sa simbahan at may hatid na magandang balita!

Juan: Father, tumaas po ang aking ranggo, napromote po ako noong nakaraang buwan. Isa na po akong supervisor at ang sahod ko po ay tinaasan na. Ako po ngayon ay sumasahod na ng dalawampung libong piso kada buwan! Kaya ito po ang dalawang libo para sa simbahan.

Pari: Salamat Juan at binabati kita. Halika at tayo ay magdasal upang magpasalamat sa Panginoong Diyos.

Wala pa ring palya sa pagbibigay si Juan ng kanyang ikapo sa simbahan. Ngunit, makalipas ang ilang buwan, bumalik sa simbahan si John na malungkot.

Pari: Mukhang malungkot ka Juan. May maitutulong ba ako sa iyo?

Juan: Napromote po ako Father. Manager na po ako.

Pari: O, hindi ba't magandang balita iyon? E bakit mukha ka pa ding malungkot. Hindi ba dapat ay masaya ka?

Juan: Ang sahod ko na po ngayon ay limampung libong piso kada buwan. Naisip ko lang po na napakalaki po yatang halaga ng limang libong piso para ibigay sa simbahan.

Pari: Ganun ba? Kung gayon ay halika, tayo ay magdasal sa Panginoong Diyos na ibalik ang suweldo mo sa sampung libong piso kada buwan.

(Note: Huwag mong bilangin at panghinayangan ang anumang binigay mo sa Panginoon, ang Panginoon kailanman ay hindi nagbilang at nanghinayang sa mga biyayang binigay niya sa iyo.)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Story TellingWhere stories live. Discover now