Chapter 43 *Dionne's Choice*

Start from the beginning
                                    

“oo nga no?” at biglang natawa narin si Ashley “hahahaha hay naku Dionne. Alam mo naisip ko lang parang madami tayong pagkakatulad. Kahit sa choir lang tayo nagkakasama at kahit na hindi pa tayo nagkaka bonding na maigi, feeling ko magkakasundo tayo sa madaming bagay. Hay! Maganda rin pala na mag over night ka dito”

Nginitian ko si Ashley “kaso okay lang ba  na mag bonding pa tayo nang mas matagal? Feeling ko kasi hindi lang hanggang overnight ang aabutin ko sa bahay niyo eh”

Inakbayan ako ni Ashley “kahit pa abutin ka ng taon okay na okay lang!”

Nagkwentuhan lang kami saglit ni Ashley about sa iba’t ibang bagay. Sa tinagal tagal na nakasama ko siya sa choir, parang ngayon ko lang siya nakikilala ng maigi and I must say, halos madami nga talaga kaming bagay na pagkakapareho ni Ashley.

“eh sino naman yung madalas na naghahatid sayo sa church every may choir practice at mass tayo?” pang iintriga ko kay Ashley.

Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Ashley dahil sa tanong ko “Y-yun ba? S-si Yul yun, best friend ko” sabi niya

I smile.

Sa reaction pa lang niya alam ko ng inlove siya sa taong yun.

Maya-maya lang din, tinawag na kami ng maid nina Ashley na bumaba na at kumain. Pag dating naman namin sa hapag kainan, nakita ko na nadun yung kakambal ni Ashley na si Althea.

“Dionne! Ikaw si Dionne di ba?” salubong nito saakin “balita ko inihatid ka daw dito nung artista na babae? Si Venus Fair? Totoo ba yun?”

“A-ah oo. Bakit?”

Sumimangot si Althea “friends pala kayo nun? Di ko siya feel. Parang ang maldi-maldita niya! Di naman kagandahan”

“Althea! Ano ka ba!” saway ni Ashley sa kakambal niya

“what did I do?!”

“hay naku!” humarap saakin si Ashley “pagpasensyahan mo na yang kakambal ko, ganyan lang talaga yan.”

Nginitian ko lang silang magkapatid. Sobrang opposite talaga ng ugali ni Ashley at ni Althea kahit na kambal sila. Si Ashley mahinhin habang si Althea naman may pagka liberated. Kung si Ashley ang tambayan ay simbahan, si Althea naman ay mga gimikan.

Pero kahit ganyan silang dalawa, parehong magaan ang loob ko sa kanila. Nagumpisa na kami kumain nina Ashley. Nakakatuwa nga na habang kumakain kami, ang dami daming ikinukwento si Althea na nakakaaliw. Sabi ko na eh mukha lang siyang maldita pero mabait talaga siya. Parang nakikita ko kay Althea si Venus. Siguro kung magiging magkaibigan sila, magkakasundo silang dalawa.

After kumain, pumasok na ulit kami ni Ashley doon sa kwarto niya. Nag shower muna kami at pinahiram narin niya ako ng pantulog. After ng ilan pa ulit na kwentuhan, pareho narin kaming inantok at nag decide na matulog na lang.

Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now