Paano Pakiligin ang Isang Guy?

38.4K 79 15
                                    

Dedicated to you: @rainbowpromises

Thanks po! :D 

Ito na

-----

Paano nga ba pakiligin ang isang Guy?

Yan din po ang hindi ko alam.XD Masyadong malihim ang mga lalaki. Minsan nga gusto kung isipin kung kinikilig ba talaga sila? Pero siyempre tao din sila! nakikita ko din naman kiligin yung mga pinsan kung boys. At ang OA nila kiligin HAHAHAHA lalo na kapag kasama nila yung super closed nila katulad ko na pinsan nila. Sa akin sila naglalabas ng kilig. Natatawa na lang ako.XD

Paano nga ba PAKILIGIN ANG ISANG LALAKI?

Hindi din naman sila kikiligin kung WALA silang gusto sa yo diba? Kasi dapat MERON. Para madali lang.

 Pero base sa mga pinagtanungan ko

*Kung nasa In A Relationship kayo at gusto mo pakiligin yung boyfriend mo

***Kung gusto mo siyang bigyan ng gift,at wala ka ng maisip pa. Ma's maganda kung sarli mong gawa. Katulad na lang ng mga pictures niyo tapus ilalagay mo sa Scrapbook, o kaya gumawa ka ng card, o kaya naman magrecord ka habang kumakanta ka tapus ilagay mo sa cd at ibigay mo sa kanya!Kung maganda lang yung boses mo ha.XD Kung hindi wag na.Basta kahit ano at ikaw yung gumawa at nagbigay ka ng Effort! Tiyak kikiligin yan noh. 

***Kung naiisip mo na siya na lang parati yung nagpapakilig sayo at gusto mo naman na ikaw naman yung magpakilig eh di magbigay ka ng BANAT! Hahaha Sabihin mo sa kanya laro kayo pagalingan sa banat. Dapat ikaw nakahanda ka na yung tipong kabisado mo na yung sayo haha kasi ang mga lalaki magaling yan sa banat eh :P

Ex.

   Orange ka ba?

.

.

.

SUNKIST naman diyan oh :)

-------

Bakit kailangan pa natin magcelebrate ng Valentine's Day..

.

.

.kung pwede naman akong maging sweet sayo EVERYDAY

Yang mga ganyang banat! Oh diba hahahaha kikiligin yan. 

***Ito pa halimbawa yung boyfriend mo basketball player o basta kahit ano at sports lover siya. At sinabi niya na manuod ka ng laban niya. Kung ayaw niya naman eh basta pumunta ka! Haha gulatin mo at magdala ka ng TARPAULIN yung malaki tapus ang nakalagay.

"GO BABES KAYA MO YAN! " 

HAHAHAHA Sabay sumigaw ka. Mapapalingon yun sayo at asasan mo kamatis na siguro mukha non. Eh di napakilig mo na siya! ayeeei.

***Yung ibang mga lalaki gusto nila ginugulo yung buhok nila. Yung iba ayaw naman. Pero kapag yung taong gusto nila ang gumulo ng buhok nila kinikilig daw sila.

***Gusto din nilang matulog sa lap ng mga babae. Kung tayong mga babae sa shoulder nila. Sila naman sa lap. Ewan siguro comportable sila kapag ganun kasama kasi nila ang taong mahaga sa kanilang buhay. At siguro kinikilig din sila! Aba siyempre naka POINTS ka pare! Haha nakahiga ka sa lap ng taong mahal mo.

Parehas lang naman ang mga lalaki at babae. Kung sa ating mga girls halatang halata na kinikilig yung tipong manghahampas ka na ng katabi mo at gusto mong sabihin na "Waah NAKATABI KO SIYA" Hahaha. Yung mga boys naman hindi ganyan, yung sa kanila kasi tinatago nila. Pero meron din naman na mahahalata mo kasi yung iba "namumula yung tenga".

Yung iba naman na lalaki silang mga magbabarkada lang yung nag uusap. Tungkol sa mga crush nila. Sadyang matago lang sila pero ang number 1 topic nila yan na hindi mawawala ay mga BABAE. Kung hindi babae, Ano pa ba ?

Eh di DOTA! 

Hahaha DOTA O AKO? 

Nalaman ko din yan sa mga pinsan ko na mga Playboy! Ay naku talaga haha mga chicks yung mga pinag uusapan nila. at nag yayabangan sila sa mga crush nila. Tapus kapag hindi pa kuntento isesearch nila sa facebook sabay ipapakita sa katropa nila. HAHAHA Kasi kasama nila ako noon.

Yung iba naman hindi matanggal sa kanilang mga labi yung ngiti buong isang araw. Pero it depends din karamihan kasi tagong tago talaga eh. Mahirap malaman kung napakilig mo ba sila o hindi.

Isipin mo na lang na napapakilig mo din sila! Ano ka ba ang dami kayang BAKLA HAHAHA Wagas kaya sila makatili. Eh diba lalaki sila NOON? Oh naging babae lang naman sila ah.XD Pero kahit anong gawin nila LALAKI sila. 

Kaya para sa akin mahirap maging lalaki. Tinatago kasi nila yung kanilang nararamdaman at mas pinapairal nila yung EGO nila. Kaya yung iba torpe. Pero yung iba hindi.

So Girls, yan lang yung alam ko. Sana natulungan ko kayo kahit papaano.

Just message me guys!Kung ano po yung gusto niyong tips! 

Thank You. ^___^

Basahin mo na lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon