Hindi sumagot si Preyh at nag-iiyak na lang. Hinawakan siya ni Andra sa magkabilang balikat.

"Preyh! Ulitin mo ang sinabi mo! Stop crying ano ba!?" Andra shouted a bit and shook her shoulders.

"May anak na akooo!!" Lalong lumakas ang iyak ni Preyh. Kinabig siya ni Andra at niyakap.

Hindi pa talaga nag-si-sink-in ang sinabi ni Preyh sa dalawa. Naguguluhan ang mga ito sa sinabi niyang may anak. Hindi rin naman si Preyh makapagbigay ng maayos na sagot dahil sa todong pag-iyak. Pilit siyang pinakalma ni Andra. Hinayaan siya nitong umiyak lang.

Mga ilang sandali lang nang bahagyang humupa ang pag-iyak niya ay inilayo siya ni Andra nang bahagya.

"Now, Preyh, ano ang sinasabi mong may anak? You mean buntis ka." Umiling-iling si Preyh at pinunas ang luha na kumalat sa pisngi. Humugot siya ng malalim na paghinga at muling pinakawalan.

"May anak na ako, Andra..."

Naguguluhan man ay hindi nagsalita ang dalawa at hinayaang ituloy ni Preyh ang mga sasabihin pa. Isinalaysay nga niya ang lahat-lahat sa mga kaibigan. Pati ang huling pag-uusap nila ni Thomas at ang pag-alis niya at paninirahan sa Hong Kong.

"I was a rape victim. A gang rape victim maybe," pagtatapos niya sa kanyang pagtatapat.

"God!" Mahinang bulalas ng dalawa pagkatapos marinig ang kwento ni Preyh.

"Why didn't you tell us? We're your friemds. We're besfriend."

Punong-puno ng awa ang mababakas sa mukha ng dalawa niyang kaibigan pero naroroon ang pagtatampo sa boses ni Andra.

"Dahil ayaw kong kaawan niyo ako. Ayaw kong mag-iba ang pakikitungo niyo sa 'kin, at dahil na rin 'yon ang bilin sa 'kin ni dad!"

Ayaw niyang mangyari ay tratuhin siya ng mga ito na para bang mahina siya. Na kailangan niyang alagaan at kaawaan. She wants a normal life kahit na ang totoo ay malaki na talaga ang pinag-iba ng buhay niya simula nang mangyari sa kanya iyon.

"Iba ang kapalaran natin Andra. You got pregnant because you entered the wrong room. And you're such a lucky dahil pinagtagpo kayo ni Iñigo. Pero ako...." Binitin niya ang pangungusap at yumuko.

"Ginahasa ng mga hayop!" Muli siyang bumulalas ng iyak. Agad naman siyang dinulugan ng kaibigan. Niyakap siya nito. Samantalang si Reghie ay tulala lang sa isang tabi habang nagpupunas ng sariling luha.

"Asan ang anak mo?" untag ni Andra pagkatapos na mahabang katahimikan.

"She's in Bulacan," sa kabila ng sitwasyon ay napangiti si Andra.

"She's a girl. I want to see her," may kalakip na excitement ang boses ni Andra, kaya napangiti na rin siya.

"Next week is her 7th birthday. Isasama ko kayo do'n."

"God! I can't believe this. Mas nauna ka pa palang nagkaanak." Tumingin si Andra kay Reghie na tahimik na nakamasid lang.

"Hoy Reghie! Ikaw ba may anak ring tinatago?"

Lumapad na ang pagkakangiti ni Preyh sa tanong ni Andra. Totoong napangiti at gumaan na ang pakiramdam niya dahil sa wakas ay may napagsabihan na siya ng kanyang sekreto na matagal na panahon niyang itinago.

"How I wish I could have, but sad to say.. wala. Hindi naman ako kasing tatanga niyo." Napasandal si Preyh at marahang natawa sa sagot ni Reghie.

"Hay! Ang swerte niyo nga! Ang saklap nang pinagdaanan niyong dalawa pero kaligayahan naman ang kapalit oh! May mga anak na kayo at may mga lalaking mahal na mahal kayo." Umangat mula sa pagkakasandig si Preyh at tumingin kay Reghie.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now