My Mysterious Girlfriend - chapter 2

581 20 12
                                    

**KINABUKASAN**

Pumasok ako agad sa school, hinanap ko agad siya kaso hindi pa yata pumapasok, hinintay ko nalang sa gate, at ayun! Dumating naman.

"Oh? Ano meron?" tanong niya

"Alam ko na sagot sa tanong mo eh!"

"Haha, talaga? Ang dali dali lang hindi mo pa nasagot agad kahapon."

"Tss. Atleast alam ko na ngayon."

"Osige, ano yon?"

"Yung flower sa cake."

"K. Yumi."

"Huh? Anong Yumi?"

"Engots, nickname ko yun!"

"Ahh! Nice, haha. Hindi pa yung whole name!"

"Demanding pa?!"

"Hindi naman."

"Yun naman pala eh! Osya, papasok na nga ako, ikaw din."

"Sige. Mamaya nalang ulit."

"K."

At pumasok na nga kami sa klase namin.

*EARLIER*

"Oy pare! Gimik tayo." Aya ni Jed.

"Eh magkikita kami ni Yumi eh, ikaw nalang."

"Oh?! Meron ka nanamang bagong girlfriend ?"

"Tange, si Yumi yung mysterious girlfriend ko, sinabi niya na name nya."

"Hahah! Talaga?! Nak ng! Akala ko joke joke lang eh. Pakilala mo naman ako."

"Tss. Akin yun ah, basta aalis ka rin agad pag nakilala mo na."

"Sus, oo na."

Nagpunta kami sa may bench malapit sa room nila at hinintay si Yumi. 

Naglabasan na sila, sinalubong ko siya.

"Uy Yumi."

"Oh, Chasten!"

"Nga pala, si Jed, barkada ko."

"Hi Yumi."

"Uh, hi din!" Nagshake hands sila.

"Pare! Anghel!" Bulong ni Jed sakin.

"Pssh. Aalis ka na diba Jed?"

"Ayt, Oo na. Bye Yumi."

"Sige, nice meeting you."

"Oh, san tayo?"

"Hmm, uwi na tayo Chasten."

"Ah, sige. Hatid kita."

"Ah, sige."

"Tara na." Naglakad na kami.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan...

Hinawakan ko ang kamay niya, nagulat siya pero ngumiti din siya.

Tahimik siya ngayon, at hindi ko alam kung bakit.

"Uhh.. Yumi, may problema ba?"

"H-ha? W-wala ah." Baliw to. Wala daw pero naluha siya.

Niyakap ko siya.

"Sssh. Makikinig ako Yumi."

"Si.. *sobs* Si.. B-bruno.. Huhuh, patay na siya. *sobs*  "

"Eh?! Sino si Bruno ?"

"Y-yung... aso ko!"  Eh?! Akala ko naman kung sino !

"Sshh. Tahan na, halika, treat kitang ice cream."

Tapos nagpahila naman siya sa ice cream parlor.

Natigil din siya sa pag-iyak pagkakain namin nun.

"Thank you Chasten."

"No prob!"

"Alam mo kasi, yun na ang pamilya ko ehh. Aaminin ko na sayo, ako lang talaga sa bahay namin eh, wala akong kasama."

"Huh? Bakit naman? Asan magulang mo?"

"Hehe! Basta, tara na.." Umiwas nanaman siya.

Malapit na kami sa kanila, nadadaanan namin yung park.

Nakita ko si.... Charlotte.. Umiiyak.

"Yumi, teka lang ha?"

"Ah? Sige."

Pinuntahan ko sa swing si Charlotte.

"Charlotte.."

"Ch-chasten?"

"Bakita ka umiiyak?" Lumuhod ako para kapantay ko siya.

"Wala. Haha! Nakarma ako Chasten. Siguro kasi niloko kita dati, pinaglaruan.. Nakakatawa noh? Nabalik sakin yung ginawa ko."

"Psshh. Walang nakakatawa."

"Bakit?"

"Tapos na yun eh. Nakalimutan ko na yun. Pero ayoko naman na makita kang ganyan."

"bakit naman? you still care for me? You still love me?"

Natahimik ako.. At nagulat nalang ako nang bigla niya akong halikan, pero tinulak ko din siya.

"Sorry Charlotte, Yes, I still care for you. But I don't love you anymore."

Tinignan ko si Yumi, Nakita yata kami, Ang sama ng tingin sakin! Lalamunin yata ako ng buhay ! Tapos nagtatakbo na!

PATAY ! >/<

My Mysterious GirlfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя