Chapter 5

9.2K 297 8
                                    

                Chapter 5

Natigilan si Bloom nang bigla siyang halikan ni Clear. Nabigla siya sa ginawa nito. Pero ilang sandali lang ay unti-unti siyang napapikit at napaganti ng halik dito. Napayakap din siya dito at nawalang bigla ang inis na nararamdaman niya dahil sa ginawa nitong kasalanan sa kanya. Anong magagawa niya? Masarap nga kasing humalik si Clear eh... Nang matapos ang kanilang kiss ay marahan siyang nagmulat ng mga mata at nakita niya ang ang mukha ni Clear na nakangiti ng matipid habang nakatitig ng matiim sa kanyang mukha.

"Am I forgiven?" untag nito sa kanya.

"Medyo..." alanganin niyang wika.

Bumuntung-hininga ng malalim ang binata at marahan nitong hinaplos ang pisngi niya.

"Sweetie... Iyong ginawa ko kanina, part iyon para maprotektahan ka. Hindi mo puwedeng makita ang mukha ni X at hindi mo rin dapat marinig ang mga naging usapan namin. Labas ka sa trabaho ko. Ayaw kong mapahamak ka."

Nagdududa siyang tumingin sa mukha ng lalaki.

"K-Kung ganoon, kayong mga Men in Action boys... Kaibigan at kilala niyo ang Vigilant-Killer na si X?" bigla niyang tanong.

"Yes. Pero ang masasabi ko lang, huwag mo siyang husgahan. Hindi siya talaga masamang-tao. Kapag nalaman mo ang kuwento ng buhay niya, maiintindihan mo kung bakit siya nagkaganon. His in a deep pain. Really deep that makes his heart and soul rotten into pieces."

Huminga ng malalim si Bloom. Hindi niya akalain na napaka-complicated palang ma-involved sa buhay ng mga agent pero nakakadama siya ng excitement kasi sa tingin niya, extra-ordinary na ang nangyayari sa buhay niya. Hindi na ito tulad ng dati na dull at boring. Nangyari ang lahat ng ito simula nang makilala niya si Clear. Tumingin siya doon sa lalaking nangholdap sa kanya dati at nakita niyang nakatanga ito sa kanila ni Clear kasama ng mga anak nito. Sa tingin niya, hindi nga ito masamang-tao kagaya ng una niyang impression. Hindi naman kasi siya nito sinaktan noon.

"At ano naman ang tungkol sa kanila? Karapatan ko naman sigurong malaman iyon?" tanong niya kay Clear.

Ngumiti ng matipid sa kanya ang binata at napatingin din doon sa mga tinitingnan niya. Inakay siya nito palapit sa mga ito.

"Siya si Mang Abner at ang mga anak niya na sina Banjo at Monica. Hindi talaga siya masamang-tao, napilitan siyang gumawa ng masamang-bagay para makapag-ipon agad siya ng pera para iligtas mula sa sindikato ang anak niyang si Banjo. Pasensiya na, ito lang ang masasabi ko..." wika pa ni Clear.

"M-Madam, pasensiya ka na. Humihingi ako ng tawad sa ginawa ko..." nahihiyang wika ni Mang Abner.

Natawa siya ng mahina.

"Naku, ayos lang ho iyon. Naiintindihan ko na po kung bakit niyo nagawa ang ganoong bagay. Pero sa totoo lang, natakot ako sa nangyaring iyon. At isa pa, huwag niyo po akong tatawaging Madam. Hindi naman po ako mayaman. Ako po si Bloom.."

Inilahad niya ang kanan niyang kamay at sandali silang nagshake-hands. Nakipagkilala din siya doon sa mga bata. Matapos iyon ay muli niyang binalingan ng atensyon si Clear na matamang nakamasid sa kanya. Medyo nailang siya kasi ngumiti na naman ito ng pilyo sabay titig ng matiim.

"Ano?" untag niya sa lalaki.

Alam niyang namumula na naman siya kasi nag-iinit ang buong-mukha niya. Hindi niya alam kung bakit siya ganoon tuwing titiningnan siya ni Clear ng matiim. Lumapit si Clear sa kanya at tumabi sabay-akbay. Maang siyang napatingin sa mukha nito.

"Makakabawi na ba ako sa'yo kapag kinuha kitang partner ngayon sa mission ko? Sa ngayon, ang trabaho ko ay dalhin sa ligtas na lugar sina Mang Abner. Ano?"

MEN IN ACTION 6: CLEAR IMPERIALWhere stories live. Discover now