"Okay," I finally said, defeated. "Maybe, we're more than that but we aren't a thing or anything yet."

"How about that girl? Bakit niya sinasabing dinedate siya ni Kale?" tanong ulit ni Kelsey.

"Because she really is," sagot ko.

Halata namang naguluhan ang tatlo. 

"What?" takang tanong ni Jordane. "Kale's dating her while there is something going with the two of you? And that's okay to you?"

"Jordane," pigil ni Merlin sa kaibigan. "It's their problem. Masyado na tayong nakikialam."

Para namang nahimasmasan si Jordane. Her face softened. "I am sorry about that, Maika. I'm not trying to be rude or anything but we just care for you, you know? We've known Kale and lahat naman siguro tayo alam kung ano siya pagdating sa girls dati. And even though, kakakilala pa lang natin, we care already for you. Ayaw naming masaktan ka."

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you for your concern but I am okay, really. And I trust Kale, I know he won't hurt me."

"Good to know that," sagot ni Jordane. "So, I'm guessing here that he's calling it quits with that girl? Hihintuan niya na ang pakikipagkita dito?"

I shrugged. Ang totoo, hindi ko talaga alam ang isasagot ko dahil wala akong ideya kung anuman ang gagawin ni Kale. Basta ang alam ko lang na gagawin ni Kale ang tama. At hindi niya ako sasaktan. Alam ko, hindi siya gagawa ng anuman na makakasakit sa akin.

"Lets just trust Kale, too, Jordane," singit ni Kelsey. "Isa pa, si Maika nga pinagkakatiwalaan siya. For sure, Kale will do the right decision."

"Tama," sang-ayon ni Merlin at inangkla ang kamay sa braso ko. "Isa pa, tanga lang ang papakawalan ang tulad ni Maika."

The two other girls laughed. Napatungo lang naman ako at nahiya sa sinabi ni Merlin.

Lumapit si Kelsey sa akin at inangkla rin ang kamay sa akin. "Yes, and Maika looks obviously better than that girl."

Tumawa ulit silang tatlo hanggang sa ayain na kami ni Jordane na bumalik sa mga boys dahil baka daw may ginagawa ng kung ano yung mga kaibigan ni Carmen sa mga ito.

When we got there, Kale and Carmen were walking to us already. Iniisip ko naman kung anong pinag-usapan nila. Kung naging maayos ba ito o ano. 

Pero nang makalapit na sila sa amin, sa isang banda, inisip ko na naging maayos. Kahit halata pa sa mukha ni Carmen ang pag-iyak dahil sa kaunting pamumula ng mga mata niya, nakangiti pa rin siya.

It was when she came close to me that I saw there was something different. Iba kasi yung tingin niya.

Nakatingin pa rin ako sa kanya nang mag-umpisa siyang magsalita. "Sorry, Maika. Sorry talaga," umpisa niya at nagsimula na naman siyang umiyak. "Medyo nakainom lang kasi talaga noon. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Ilang araw ko nang gustong makausap ka pero nahihiya ako. Wala akong lakas ng loob kasi lagi kong naaalala yung nangyari sa party. Mapapatawad mo ba ako?"

Gulat pa rin akong nakatingin kay Carmen. Hindi ko kasi inakala na hihingi siya ng tawad sa akin. Pero, napakasama ko naman kung hindi ko tatanggapin ang paghingi niya ng tawad.

Nginitian ko siya. "Okay na 'yun."

Napahawak siya sa dalawa kong kamay. "Thanks, Maika. And I hope the best for you and Kale."

For a moment, I was confused. Napatingin ako kay Kale na katabi sina Raz at ngumiti lang ito sa akin. He obviously heard what Carmen said. Ilang sandali pa akong tumingin sa kanya nang marealize kung anong sinasabi ni Carmen.

Kale told her about us. Hindi ko naman alam kung paano magrereact doon. In some way, nasorpresa ako sa reaksyon ni Carmen. 

She took it lightly. Okay sa kanya ang tungkol doon. Which was very doubtful. Dahil noon ngang party niya, grabe na ang reaksyon niya at naghihinala pa lang siya na gusto ko si Kale noon.

And now, she was acting like it was all okay even it was Kale who already told her about us. Nakakapagtaka lang kasi talaga ang agaran niyang pagtanggap dito.

Pero, naisip ko rin na sabi niya nga, nakainom siya nang mga panahong iyon. Maybe, it was the alcohol.

Hindi pa rin ako nakakasagot o nakakapagreact man lang nang bitawan ni Carmen ang mga kamay ko at bigla akong niyakap. Kimi namang pumunta ang dalawa kong kamay sa likod niya.

Akala ko ay bibitaw na siya pero hindi, naramdaman kong lumapit ang ulo niya sa gilid ng sa akin. And in a very low but cruel voice, she whispered, "This doesn't end here, Maika."

Natigilan ako doon. Ramdam ko ang galit at poot sa boses niya. Pero nang kumalas na siya sa akin at harapin ulit ako, walang mababakas na ganoon sa mukha niya. For a moment, I doubted if I really heard her say that to me. But, I wasn't a delusional. Alam kong sinabi niya 'yun.

"Sige, Maika. Bye," matamis niyang sinabi at lumapit na sa mga kaibigan niya na katabi lang ng grupo nina Kale.

Nakita ko pang may sinabi si Carmen kay Kale saka tuluyan na silang umalis.

Doon na lumapit si Kale sa pwesto ko. siguro, napansin niya ang ekspresyon ng mukha ko, kaya natanong niya, "Okay ka lang?"

Inisip ko kung sasabihin pa 'yung sinabi ni Carmen kay Kale. Na hindi talaga tanggap nito ang nangyari o kung anuman ang ibig nitong sabihin sa sinabi sa akin. Pero, baka rin kasi mali ako. Baka naman hindi big deal iyon. Kaya naman inalis ko na lang ito sa isipan.

Nagpilit ako ng ngiti kay Kale. "Oo, medyo gulat lang siguro."

Doon na siya tumawa. "We feel the same. I didn't expect na makikita natin dito si Carmen. But it went fast, thank God."

"You told her about us."

Kale nodded. "Hindi ako nag-name drop. I explained to her why I went out with her. Told her there's a girl I wanted to forget and...she just know it's you. And I didn't deny it."

Napatango rin ako. Hindi ko naman maiwasan na hindi maalala 'yung ibinulong sa akin ni Carmen. At dahil doon, hindi ko na napigilan pang hindi magtanong, "Anong reaksyon niya doon?"

"She was hurt. She told me that I should've said it earlier. I said sorry. Tinanggap naman niya. Doon na napunta sa nangyari sa party ang usapan namin. She said it was because of the alcohol. And she was sorry."

I sighed at that. Kapareho lang ng sinabi ni Carmen sa akin.

Nabalik na naman ang atensyon ko kay Kale nang magpatuloy siya, "Sabi niya na matagal ka na niyang gustong kausapin para doon kaso nahihiya siya. Then, our talk ended. I guess ito na ang huling beses na makikita natin si Carmen."

Agad akong ngumiti. Well, it was a forced smile but I didn't think Kale noticed that. 

Kale thought it would be the last but after what Carmen just told me, I doubted that. Isa pa, it was Carmen. Na hindi ko pa rin alam ang tunay na takbo ng isip. 

But then, kahit pa gawin ni Carmen ang kung anong iniisip niya, alam ko na hindi rin siya magtatagumpay. Kale got my back. And I know that whatever might come our way, we will going to face that, together.

"Lets go to our friends?" Kale asked as he held my hand.

I smiled bigger as I nodded. And now, it was a real smile. Aalisin ko na dapat ang kamay sa pagkakahawak sa kanya pero nai-adjust na ito ni Kale at pinaglingkis ang mga ito. So, we walked hand in hand to his friends that I also considered mine now.

#

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now