• 33 •

3.9K 101 8
                                    

Yum. Yum. Yum.

Ang sarap talaga ng ice cream lalo na kapag kakagaling mo lang sa isang matinding pag-iyak.

Nandito kami ngayon ni Kale sa loob ng kotse sa tapat ng convenient store. Pagkatapos ng nangyari sa parking lot, hindi na siya bumalik pa sa loob at sumama na sa akin. Pinanindigan niya nga ang sinabi niyang hindi niya ako iiwanan.

At hindi ko alam dito kay Kale kung bakit di na lang kami dumiretsong umuwi. Dinaan niya pa ang sasakyan sa convenient store. Hindi ko talaga alam kung anong balak niyang bilhin. Pero nang bumalik na siya sa sasakyan mula sa convenient store, nakita ko na lang na may dala na siyang ice cream. At yun, pinakain sa akin. Hindi raw kami uuwi ng bahay hangga't di ko nauubos ang ice cream.

Grabe!

Wala rin naman akong ibang choice kundi gawin ang sinabi niya. Kahit pa mukha akong ewan na mag-isa lang kumakain habang pinapanood niya ako. Pero nakakatuwa si Kale. Alam niya ang kailangan ko kapag ganitong depressed ako-matamis.

"Ang bagal mo!" reklamo ni Kale. Makailang ulit na niyang sinabi yan.

Pinanliitan ko siya ng mata. Parang ganun naman kadali ang pagkain nito, ang laki kaya nitong binili niya. Hinintay ko munang matunaw ang ice cream na nasa bibig ko bago nagsalita, "Eh kung tinulungan mo kaya akong kainin 'to, eh di naubos agad. Ang dami kaya nito!" reklamo ko din.

"Ngayon ka pa nagreklamo eh makakalahati mo na nga yan," sabi niya habang tinuturo ang kinakain ko. "Basta bilisan mo na lang!"

Pagkasabi nun, umiwas na siya ng tingin.

Sumubo na lang ulit ako ng ice cream at di na sumagot pa. Nakakaloka. Nag-aaway na naman kami. At dahil lang sa ice cream. Pero mas gusto ko na rin ang ganito kesa naman yung di kami nag-uusap.

Napangiti ako. Okay na kami ni Kale. At parang nawala na rin yung awkwardness. At para sa akin, napakalaking bagay na hindi siya bumalik kay Carmen at sumama siya sa akin.

Ewan ko ba, sa ginawa niya, pakiramdam ko mas mahalaga ako para sa kanya kesa kay Carmen. Hay. Pwede ring mali ako. Baka naaawa lang talaga si Kale sa lagay ko ngayon.

Hindi ko alam kung may ideya na siya sa totoong nangyari sa akin pero hindi na siya nagtanong tungkol dito. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi na siya magtatanong pa. At kapag nangyari yun, di ko pa rin alam kung anong sasabihin sa kanya. Sasabihin ko bang kagagawan ito ni Carmen? O ililihim ko na lang ang tungkol dito?

At kung sabihin ko man ang totoo, paniwalaan kaya ako ni Kale? Paano kapag hindi siya maniwala na obsessed si Carmen sa kanya? Paano kapag napasakay na siya ni Carmen sa mga sinasabi nito?

"Natulala ka na dyan," natigil ako sa pag-iisip nang narinig ko ang boses ni Kale.

Ngayon ko lang napansin kanina pa pala ako nakatingin sa ibaba. Napatingin ako kay Kale.

"Anong iniisip mo?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala."

"Kung walang ano. Eh di sino na lang? Si Ryan?" Kalmado niya lang tinanong yun. Pero kahit na ganun, parang may kakaiba pa rin sa tono ng boses niya.

Ako naman, pilit na di siya pang-ikutan ng mata. Bakit niya ba laging sinisingit sa usapan si Ryan? Ewan ko sayo, Kale.

"Wala ring sino," sagot ko. "At kung sakaling meron man, hindi yun si Ryan."

Kung pwede ko lang talagang sabihin na si Carmen ang gumugulo sa isipan ko ngayon.

"Alright, sabi mo eh," sabi ni Kale. "Ubusin mo na yan so we could go home."

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now