My Mysterious Girlfriend

Magsimula sa umpisa
                                    

*KINABUKASAN (SCHOOL)*

"Uy pare!" Ah, si Jed.

"Oh?"

"Punta tayo sa party ni Alyssa ah! Daming chix dun! Yeah meeen!"

"Ikaw nalang."

"Ano?! At bakit?! Makakahanap ka ng mga bagong girl friend dun!"

"Meron na kong girlfriend."

"Haha! Weh? Eh sino naman yun? Ilan yan?"

"Tsk. Yun nga e, hindi sinabi yung pangalan niya ! Pero pinipilit ako na maging boyfriend niya. Tsaka, isa lang"

"Psssh! Isa palang kamo! Haha. Ang weird, maganda ba?"

"Loko, siya lang ngayon. Hmm.. Oo? Maputi, cute ang height,angelic voice na minsan monster, straight ang buhok, tsaka.. Ah basta! Maganda naman kaso may pagka sadista ! Aba binatukan na ko, tinapakan paa ko at kinurot pa ko!"

"Hahaha! ano ba yan! Naku, niloloko ka lang nun, di manlang nagpakilala tapos kayo? Joke yun?! Haha."

"Uhh, ewan." Ang mysterious naman ng girlfriend ko -___-

Tapos biglang dumating si Alyssa at yumakap sakin tapos nagmamakaawa na pumunta daw ako sa party niya next week at humawak sa braso ko, crush ako nito kaya ayoko dito eh. Maganda kaso hindi ko siya gusto.. 

Ehh? May biglang dumaan sa gitna namin at talagang tinanggal kamay ni Alyssa sa braso ko at humarap samin.. Si... O__O

"At sino ka para yumakap at humawak sa braso ng boyfriend KO?"

"What?! ano who are you?!" Lumapit sakin yung girlfriend ko at humawak sa braso ko.

"Ako ang girlfriend ni Chasten Sy, at ikaw?"

"Ano?! Totoo ba yan Chasten ?!"

"H-huh? ehh.." Sht, kinurot ang braso ko >/< "Eh, oo, girlfriend ko siya."

"Whaaat?! I hate you!" tapos nagtatakbo si Alyssa..

"Sino yun ha?!" Patay >/<

"W-wala yun. Bakit ka pala nandito? Dito kan ag-aaral?!" O__O Naka-uniform siya e.

"Yup! Nagtransfer ako."

"Ano?! Uhh.. Ganun."

"Ito tatandaan mo ha Chasten Sy! Ako lang dapat ang girlfriend mo in 14 days! Bawal ka magkaroon ng iba sa 14 days na yun."

"Ano?! Imposible naman yun, heartthrob ako, medyo chickboy, nagkakaroon ako ng 2 girlfriend o higit pa pag gusto ko."

"Wag mo akong hamunin ! Patay ka talaga sakin !"

"Ayyt! Oo na, ikaw lang."

"Ooops! May atraso ka sakin ha!"

"Eh wala naman yun eh. Crush kasi ako nun. diba ikaw naman ang g-girlfriend ko."

"Hmp ! Sige na nga pero kahit na! Idedate mo ko mamaya!"

"Ano?!"

"Angal?!"

"W-wala, you're the boss." -____-

"Good."

Tapos yun, nagklase na at hanggang sa nag-uwian nagpunta lang kaming park, nagtatanong siya tungkol sakin pero nung siya na tinatanong ko, hindi niya sinasagot. Gabi na kami naka-uwi at iniisip ko parin siya kasi girlfriend ko tapos kahit pangalan manlang niya hindi ko alam! Hindi din nagpahatid kanina -_-

**FLASHBACK**

"Ano ba kasi pangalan mo?"

"Secret yun!"

"Psssh. Pwede ba naman yun? Kahit nickname lang, girlfriend kita tapos hindi ko alam name mo? "

"Basta, secret yun. Gusto mo talaga malaman? Nickname lang ah?"

"Oo naman!"

"Hmmm...Aha! May tanong muna ako sayo! Bulaklak na hindi namamatay pero hindi plastik."

"Ano?! Ang hirap naman nyan!"

"Basta, isipin mo, byebye boyfriend!" Tapos tumakbo na ulit siya :3

Anong klaseng bulaklak yun? Uhh... Ang hirap naman, everything about her is still mysterious. Ma-utak din yun, sa tuwing may itatanong ako tungkol sa kanya kung ano-anong mahirap na bagay pinapagawa niya pero ito.. Parang imposible naman, flower na hindi namamatay at hindi plasctic? Hhhh. Buti pa yung dati pinapahirapan niya lang ako, e dito papahirapan niya ko umisip. May mga nalaman na ko konti tungkol sa kanya kapalit nung mga pinapagawa niya saking mahirap. Alam ko na kung saan siya nakatira, alam ko na rin kung ilang taon at yung cellphone number niya kaso hanggang dun palang, hindi ko parin natanong kung bakit dapat maging kami in 14 days.

Nagpunta ako sa tambayan naming magbabarkada sa Nikki's Cafe at nandun si Jed.

"Huy Jed !"

"Oh? Bakit ka andito?!"

"May problema ako eh, parang bugtong, sagutin mo ah?"

"Naku! Sige, baka alam ko."

"Bulaklak na hindi namamatay ngunit hindi plastic."

"Ehh?! Ano yun?! Di ko alam yun!"

"Ayyst. Ang hirap naman."

"Ikain mo nalang yan, oorder ako ng cake at coffee, teka lang."

Umorder nga siya, libre ah! hahaha.

"Oh ayan oh, baka magkalaman utak mo."

"Tss, yabang."

"Totoo yon!"

"Sus." Kinuha ko yung coffee at cake.

"Ang bading naman! Bakit may bulaklak pa to?"

"Hayaan mo na nga! Ayan na nabili eh."

"Tsss." Kinuha ko muna yung flower ng bulaklak, pambata hanep. Ito muna kakainin ko... Eh?! Bulaklak to diba? Hindi ito plastic at hindi namamatay !

"TAMA!"

"Huh?" -Jed

"Tanga mo Jed. Ito yung bulaklak na hindi plastic at hindi namamatay!"

"Woah! Oo nga no! Tanga ka talaga, alam ko yun! Kaya yan binili ko para malaman mo, pinahirapan lang kita ng konti. Hehe"

"Ewan sayo, kayabangan mo. Jan ka na nga ubusin mo yan, uuwi na ko!"

"Ano?! Loko ka ba!"

Umuwi na ko. Excited na ko malaman name niya!

*To Be Continued*

--

Bukas nalang ulit, antok na ko eh xD

Magkakaroon tuloy ng another chapter :)

My Mysterious GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon