Chapter 21 [Not giving up]

Start from the beginning
                                    

"Sino?"nagtataka kong tanong sakanya.

"Si Ma'am Cassy po."

Napataas naman ang kilay ko. Ang aga aga naman ata bumalabog itong babaeng toh? Gees. Pakiramdam ko may ichichismis toh oh di kaya may dalang balita.

"Pakisabi saglit lang at papatayin ko muna tong mga kalaban ko. Give her something to eat Melay.Thankyou." At muli kong itinuon ang atensiyon ko sa nilalaro.

Kinse minutos lang rin naman ang itinagal ng laro dahil talaga naman magagaling ang kasama ko at hindi ako makapaniwala na nanalo pa kami.

Iniligpit ko muna ang laptop ko at saka nakapagdesiyonan na puntahan na si Cassy.

Pababa na ako ng hagdan na madatnan kong kumakain ng sandwich si cassy.Napatingin rin naman ito agad sa gawi ko.

"ang tagal mo ah!" nakasimangot nitong sabi.

"hehe sorry naman!"naglakad naman ako papalapit sakanya at nakipag beso sakanya. Umupo na rin ako sa tapat nito.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa Pam..I want to tell you something really important." She giggles at halata naman sa mukha nitong ang excitement.

"oh ano iyon?" naexcite na rin ako sasabihin niya. She raised her hand in front of me na talagang ikinagulat ko. She has a ring on his finger.

Napatutop naman ako sa bibig ko.

"Oh my gee!" tili ko. Cassy is so happy at sobrang saya ko rin sa kaibigan ko. Agad akong tumayo at ganun din naman siya kaya agad ko niyakap si cassy. Para nga kaming mga bata nagtitilian.

"kelan lang?" Masaya kong tanong kay cassy.

"Yesterday." She giggle. " ang totoo niyan,nagkaroon rin kami ng tampuhan dahil akala ko nambabae na siya. Naging cold kasi si Owy sakin at madalang nalang kami nagkikita tapos sobrang busy pa niya sa office. I confronted him at inaway ko siya...Hindi ko alam na may nag aantay palang sopresa sakin nun.iyon pala ang pinagkakaabalahan niya from the past 2 weeks. He's sweet proposal. You know I can't say no to him. I really love Owy so much."

"Owy is a perfect catch. Bagay kayo at Mahal na mahal ka ni Owy. Ramdam ko naman iyon noon pa. I'm glad mauuwi na rin sa kasalan ang lahat." Nakangiti kong sabi sakanya. "So kelan ang kasal?" excited kong sabi.

"2 months from now.Nagmamadali ang isa eh. Ayaw na talaga akong pakawalan! Ha ha ha"

"At wag mo na rin hayaan makawala pa si Owy sayo.Mahirap na ang gwapo pa naman ng fiance mo."

"Gusto mo ba mapanood iyong video kahapon?It's here in my Ipad! Ang bilis maka edit ng videographer eh!" excited akong tumango at inilabas ni Cassy ang kanyang Ipad. Sabay namin pinanood ang video hanggang sa umabot na lumuhod si Owy na Umiiyak at nag propose kay Cassy. Ang Swerte talaga ni cassy kay Owy. They really love each other.

"Oh natahimik ka na.May problema ba pam?" nagulat naman ako na magsalita si Cassy. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.

Umiling ako. "Wala naman."

"kamusta na nga pala kayo ni Kian?" nakangising tanong ni cassy sakin.

Nagkibit balikat lang ako at napasandal sa upuan.

"Okay naman kami." Tipid kong sagot.

Napanguso naman si Cassy at parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"eh bat ka ganyan makangiti? Binanggit ko nga lang ang pangalan ni Kian. Ang lawak na ng ngiti mo." Panunukso ni cassy sakin. Napatigil naman ako at napahawak sa mga pisngi ko.

"Err.. I don't know.. it's just that...Binigyan ko na ng second chance si kian."

This time si cassy naman ay iyong hindi makapaniwala sa sinabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TNPR Book 2: Love will lead us BackWhere stories live. Discover now