Chapter two

4 0 0
                                        

Chapter two

GRILLED pork chops, cheese stick at corned beef ang dinalang pulutan ni Clyde sa den.


"sino ang kasama mong dumating?"tanong niya kay Tommy nang nagsimula na silang uminum.


"From Hawaii?"


"Yeah."


"Mag-isa lang akong umuwi,"mabilis na sagot sa kanya ni Tommy. "Mag-isa lang din naman akong nagpunta ro'n diba?"


"Aba, anong malay naming ni Lander kung naisipan mong mag-asawa ro'n?"


Bahagyang tumawa si Tommy sa sinabi niya.


"Naghahanap na nga ako ng mapapangasawa ro'n,"


"O' Anong nangyari? Wala kang nahanap?"tanong naman ni Lander kay tommy


"Wala, eh. Wala akong nakilalang babae doon na nagpatibok ng puso ko."


"Wow! Parang totoong-totoo, ah E, pareho lang naman kayo ni Clyde na babaero."


"Hindi naman ako babaero medyo pilyo lang," depensa ni Tommy sa sarili. "Itong si Clyde ang lehitimong babaero. Kaya nga nagtataka ako kay Maureen kung bakit nakapagtiyaga sa iyo ng isang taon."


"Sila pa rin hanggang ngayon,"pagbabalita ni Lander kay Tommy.


Napatingin si Tommy kay Clyde.


"Talaga, pare? Kayo pa rin?"


"Yeah. Nag kabalikan kami."


"Maybe in love ka na sa kanya kaya nakipagbalikan ka matapos ka niyan hiwalayan."


Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Clyde.


"Actually, siya ang nakipagbalikan sa akin two weeks after niya akong hiwalayan,"aniya


"Ibang klase,"napailing na sambit ni Tommy. Napapaplatak pa ito. "ibang klase ka talaga pare."


"Sino ba naman ako para tanggihan siya ex-girlfriend ko kung nakikipagbalikan siya hindi ba?"pagbibiro niya


"Ang yabang mo pare,"natatawang sabi ni lander.


"Matagal na. ngayon mo lang nalaman?"nagtawanan sila. Maya-maya ay biglang pumormal si Tommy


"Pare mahal mo ba si Maureen?"


"Ano ba naming tanong yan.? Next question please..?"


"Seriously,pare..tell me honestly?"


Saglit na natigilan si Clyde at nag-iisip. Pagkaraan ay nagkibit siya ng balikat.


"I don't know,"sagot niya sa kaibigan.


"Siguro,oo. Maaari rin naming I'm still keeping her para masabi lang na may girlfriend ako."


Ininom ni Clyde ang lamang beer ng baso niya pagkatapos.


"Alam mo, pare noong ibalita mo sa akin na may girlfriend kana ulit two months after na umalis ako rito patungo Hawaii ay natuwa ako. Sabi ko, baka nahanap mo na ang soulmate mo."


Hindi kumibo si Clyde sa sinabi ni tommy.


"Nang Makita ko si Maureen sa ipinadala mong email sa akin ay okay siya. Maganda at mukhang mabait at sweet. Saka mahal na mahal ka. Siya lang ang girlfriend mo na inabot ng almost two years at hindi pa kayo break ngayon. Dahil nang makipag-break pala sa iyo ay nakipagbalikan din siya agad,"sabi ulit ni tommy sa kanya.


"Iyon nga rin ang sinasabi ko kay Clyde," sabi naman ni Lander bago ito bumaling sa kanya. "Wala ka pa bang balak pakasalan si Maureen, pare?"


Umiling si Clyde sa kaibigan.


"Alam n'yo namang wala akong balak mag-asawa. Wala sa vocabulary ko ang salitang kasal. Hassel lang 'yan. Kailangan pang ipa-annul ang kasal kapag nagsawa na kayo sa isa't-isa,"aniya.


"What about kids? Ayaw mo bang magkaroon ng sarili mong mga anak?"


Muli'y umiling si Clyde.


"Mahilig akong sa mga bata, alam n'yo iyon. Tuwang-tuwa ako kay kate at sa nephew kong si kyle, as if they are my kids. I love kids. Pero hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magkakaroon ng sariling anak at magiging ama. Mas gusto ko yatang maging uncle na lang."


"Alam ba iyon ni Maureen?"


"I don't know,"nagkibit ng balikat na sagot niya. "Siguro ay may idea na siya. Dahil sa tuwing magkukuwento siya tungkol sa kasal, sa pag-aasawa at sa pagkakaroon ng mga anak ay iniiba ko ang usapan. Kung minsan naman ay tumatahimik na lang ako at hinahayaan ko na lang siyang magkuwento."


"Tell her honestly, pare. Para hindi siya umaasa,"suhestiyon ni Lander sa kanya.


"Tama si Lander, pare." Sabi naman ni Tommy.


"Mas mabuti na iyong alam niya kung saan siya lulugar sa buhay mo. Kung gusto niya talagang magkaroon ng pamilya,asawa't mga anak someday ay iiwan ka niya at hahanap siya ng lalaking handa siyang pakasalan. Pero kung mahal ka talaga niya at willing niyang isakripisyo ang lahat para sa iyo, she will stay with you."


A/N: sana magustuhan niyo... please vote and comment...

 Avoiding CommitmentWhere stories live. Discover now