Night Four

10.3K 66 28
                                    

Huh?

Siya yung lalaki  sa labas ng bahay nung isang araw!

"Hi" casual na bati niya, pero bigla itong napalitan ng isang nakakalokong ngiti

"Ehem" tikhim ni ate Marca, "Cath you going home?"

"Opo ate."

"Sabay ka na samin."

"Nako wag na po."

"Did you run errand for tita Zandra? It's fine come on." aniya sabay punta sa likod ko matapos ay inilagay ang dalawang kamay sa likod ko matapos ay itinulak ako papalapit ng sasakyan.

Wala na akong nanagawa kundi ang sumunod. 

Kinuha ni ate ang mga dala dala kong shopping bag at ini-pasok sa compartment, wala akong nagawa kundi tignan siya sa kanyang ginagawa at napangiwi dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Matapos niyang ilagay ang mga gamit ko at gamit niya sa likod at iniyaya na niya akong sumakay sa sasakyan, sa likod kaming dalawa naupo samantala ang kapatid niyang lalaki ang nagdadrive.

"Shit, I forgot to ask if Elliot will be coming home today." basag ni ate Marca sa katahimikan, medyo mabilis yung takbo namin ngayon dahil hindi naman gaanong traffic di tulad kanina.

"He will be home today." simpleng sagot ni Joshua, pinag uusapan nila ang pinaka matanda sa magkakapatid. Si kuya Elliot, madalas ko siyang nakikita dahil siya lamang ang nakatira sa bahay ng kanilang magulang sa kanilang magkakapatid. Ngayon ko lamang nakita si Joshua kahit na apat na taon na ako nakatira kanila ate Zandra dahil balita ko ay nakatira ito sa sarili nitong condo samantala si ate Marca naman ay nabisita sa kanilang bahay isang beses kada linggo para makabonding ang kanilang magulang. Katulad ni Joshua ay may sarili itong condo, tapos na ito sa pag aaral at malapit sa lugar ng kanyang trabaho ang kanyang tinitirhan kaya siya humiwalay ng pamamahay. Samantala ang bunsong lalaki na si Joshua ay nag aaral pa din na sa pag kakaalam ko ay kasing edad ko lang din, at ang kuya naman nilang si Elliot ay ang nagmamanage sa business nila ngayon katuwang ng kanilang ama.

"Did he say?"

"No."

"Huh?"

"I just know I have talked to him a while ago and he is in his friend's bar, and I decline  him."

"What? Inuna pa niya mag inom kesa umuwi."

"Ate di na ako bata."

"You are still our baby boy." natatawang sagot ni ate dahilan para matawa din ako pero pinigilan ko ito dahil baka magalit eto sakin 

Tinignan ko siya sa pamamagitan ng rear view mirror, at nagtama ang paningin namin. Nakatingin siya ng masama dahilan para agad akong mag iwas ng tingin.

Pfft.

Naging tahimik ang byahe, matapos ng kalahating oras ay nakarating na kami ng subdivision. Itinigil ni Joshua ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Ma'am Zandra. Bumaba na ako ng sasakyan at ganoon din si ate Marca para buksan ang compartment, kinuha ko ang mga gamit ko at nagpasalamat kay ate. 

Nag usap kaming saglit at nagpaalam na siya na papasok na din ng bahay, bumusina si Joshua na hindi pa din ipinapasok ang sasakyan sa kanilang bahay dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Kumaway siya sakin na tila ba pinapalapit ako sa kanya habang nakaduwkang sa bintana ng kanyang sasakyan. Lumapit naman ako at nagtatakang tinignan siya,

"Do you still need it?"

"Huh?"

"I'm asking you if you still need it?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon