pagmamahal

1.8K 11 4
                                    

Sa mga araw na kay ganda.
Ikaw ang aking nakikita.
Ngunit hindi mo alintana.
Ang aking pagpapahalaga.

Sana bigyan mo ng pag-asa.
Ang puso kong walang sigla.
Ngunit kung di ka masaya.
Kaya ko namang magparaya.

Makita lang kitang masaya.
Kahit sa piling pa ng iba.
Kakayaning mag-isa.
Masakit man ang nadarama.

Ganyan ang tunay na pagmamahal.
Nakakaya ang sumugal.
At hindi dapat sinasakal,
Dahil ang puso'y malayang magmahal.

Tula ng Buhay Where stories live. Discover now