Patuloy akong lalaban

1.6K 16 3
                                    

Simple lang ang buhay ko.
Ngunit komplikado ang mundong ginagalawan ko.
Paano ako mabubuhay?
Kung di ko alam kung paano makikisabay.

Natuto akong tumawa, kahit nagdurusa.
Natuto akong lumuha, dahil di ko na kaya.

Hanggang kailan ako tatagal?
Kung ang ikot ng mundo ay mabagal.
Di ko yata kayang sumugal,
Sa labang napakatagal.

Ngunit nandiyan ang maykapal.
Na siyang nagbigay sa akin ng buhay.
Wala akong karapatan,
Na sumuko nalang ng tuluyan.

Duwag lang ang talunan.
Dahil patuloy akong lalaban.
Madapa man ako ng tuluyan.
Lumaban ako ng patas at walang alinlangan.

Tula ng Buhay जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें