Oh my gosh, I need to hide. Natakot na ako dito kay Enrique. And, sabi ni DJ wag na daw ako lumapit sa kanya. Di na din siya sumasama kila DJ kasi diba yung mga nangyari noon. Pumunta ako sa likod ng halaman at doon nagtago. Mahirap na, baka makita pa ako nyun ni hilaw. Hanggang ngayon, di ko pa din alam pa---

"Hey siopao! What are you doing there?"

"Ahh!" Napasigaw ako dahil sa gulat.

Tumingin ako sa likod ko para tingnan kung sino yung nanggulat sa akin.

"Diego naman eh! Muntikan na akong atakihin sa puso!" sabi ko sa kanya.

"Hahaha! I'm so sorry! If you just saw your face kanina, hahahahaha!" pagtawa niya. "Bakit ka nga pala nagtatago diyan?"

"Uhh, wala. Hehe. Teka, aalis na ba tayo?"

"Yeah. Let's go?"

"Teka lang. Iniintay ko pa kasi yung---"

"Hi love!! I'm here!" Napapikit nalang ako ng mariin. Sakto naman 'tong dating ni DJ, ugh.

Nagpalipat lipat ng tingin si Diego kay DJ pati sa akin. "Boyfriend mo Kath?"

"Hin---"

"Oo." pagsingit ni DJ. "I'm Daniel, Kathryn's BOYFRIEND. Nice to meet you." At parang binigyang-diin niya pa yung boyfriend na word.

Siniko ko siya at binigyan ng anong-boyfriend-look. Binulong niya ng pasimple na maki-ride nalang daw ako.

Napangiti na lang ako ng alinlangin kay Diego. "Uhh, yes. He's my b-boyfriend."

Parang ang sarap yata pakinggan na boyfriend ko si DJ, hihi.

Parang biglang nalungkot yung mukha ni Diego. "Ahh, hi Daniel. I'm Diego. Childhood friend ni Kathryn."

Nagnod lang si DJ kay Diego and I can feel the tension between them. Jusko, ano bang meron?!

"Ahh, let's go Kathryn." pag-aya ni Diego sa akin.

"Ay teka. Sasama din daw si DJ." sabi ko kay Diego.

"What?! Sasama siya?"

"Parang galit ka pa ata,brad. Ako ang boyfriend at ikaw, kaibigan ka lang. Kung gusto kong magdate nalang kami ni Kathryn, magdadate kami. At ikaw, ilibre mo yang sarili mo." galit na sabi ni DJ kay Diego.

Napalunok nalang ako ng sunod-sunod. Waahhh! Ang sama ng mga tingin nila sa isa't isa. Pumayag na din si Diego na isama ko si DJ kahit parang labag sa kalooban niya.

Naglakad na kami papuntang parking lot. Nakahawak si DJ sa bewang ko. At siyempre, kilig na kilig naman ako. ASDFGHJKL. Nagwawala na yung puso ko.

Hanggang ngayon, may tension pa rin between DJ and Diego.

"Uhm, Kathryn, gusto mo sa kotse ko na lang ikaw suma--"

"No. Sa kotse ko sasakay si Kathryn." singit na naman nito ni DJ. -.-

"Ikaw ba si Kathryn at ikaw ang sumasagot sa mga sinasabi ko kay Kathryn?" inis na tanong ni Diego kay DJ.

DJ rolled his eyes on Diego. "Obvious naman kasi na ako ang pipiliin ni Kathryn."

Diego scoffed. "Wag ka masyado pakampante, brad. Pag yan nasakal sa iyo, baka umalis yan sa'yo."

Mukhang nainis si DJ sa sinabi ni Diego. "Tanungin mo pa siya. Tss. Mukhang aso."

Night ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon