NC 4

2.8K 50 4
                                    

K A T H R Y N

Pabalik na kami ni Arisse sa room. Malapit na kasi mag-bell.

"Omygosh! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Look! Natapunan tuloy ako ng juice mo! Ugh! Ang lagkit ko na!" sigaw ko doon sa babaeng parang clown sa kapal ng make-up. Nabangga nya kasi ako kaya tumapon yung juice nya sa akin.

"Hala friend! Tsk! Hoy ikaw babaeng akala mo maganda na ang kapal naman ng make up, sinadya mo ba iyon?!" sigaw din ni Arisse sa babae habang ako naman ay tinatry na punasan yung juice kaso madami talaga eh. Di kaya.

"Oh! I'm....not sorry. Nakaharang kasi sya sa akin eh kaya natapunan tuloy." sabi nung babae na nakasmirk pa.

"At ako pa talaga ang iiwas sa iyo?!" sabi ko sa babae. Wooah. Parang dejà vu.

"Oo. Kasalanan mo. At isa pa, wag mo ngang finiflirt ang King Daniel namin! Hindi kayo bagay!" sabi nung babae bago ako sabunutan. OUCH ANG SAKIT!

"Aw! Ouch! Ano ba?! Bitawan mo na nga ako! A-ah!" sigaw ko.

"H-hoy babaeng clown! Bitawan mo na nga si Kathryn! Shoo shoo! Kapag di mo pa binitawan 'tong si Kathryn, ikakarate na kita!" sabi ni Arisse habang tinatry nyang alisin yung kamay nung babae sa buhok ko pero sadyang malakas yung babae eh. Napaiyak na lang ako sa sakit.

BAKIT WALANG TUMUTULONG?!

"Hindi! Nararapat lang yan sa kanya! Feeling close masyado sa King namin!" 

Nakatingin lang yung mga estudyante sa amin. Bakit ayaw nila pigilan?! Grabe! Sobrang sakit na! Please...someone help me...

"Hoy! Hoy ikaw! Bitawan mo na si Kathryn!" narinig kong may sumigaw. Hay, salamat naman.

Napabitaw naman yung babae sa buhok ko. Grabe! Feeling ko makakalbo na ako nyun ha.

"K-King Daniel. S-sorry po!" sabi nung babae.

Wait.What? Si Daniel?

"Bakit mo sya sinasabunutan? Ano bang nagawa nya sayo?! HA?!" sabi ni Daniel sa babae bago sya pumunta sa harap ko. I immediately felt safe. Si Arisse naman pinapatahan ako kasi naiyak pa rin ako.

"Eh kasi po ano eh. Finiflirt ka po nya!" sabi nung babae kay Daniel.

Nakita kong napaclench yung fist nya. Alam kong nagpipigil na yan ng galit si Daniel. Halata naman eh.

"GRABE KA! PASALAMAT KA AT BABAE KA KUNDI KANINA PA KITA NASAKTAN. AT BAKIT BA MAS MARUNONG KA PA KAYSA SA AKIN?! SA SUSUNOD NA SASAKTAN NYO PA SI KATHRYN, AKO NA MAKAKALABAN NYO. AT KAYO NAMAN!" sigaw ni Daniel sabay turo doon sa mga estudyate na nanonood lang. "BAKIT HINDI NYO MAN LANG TINULUNGAN ITONG SI KATHRYN?! ANO?! NAKATUNGANGA LANG KAYO?! LUMAYAS NA NGA KAYO DITO!"

Nakakatakot magalit si Daniel huhu. Parang may dark aura na pumapalibot sa kanya. Huhuhu.

"Magsorry ka kay Kathryn. Or else.." sabi ni Daniel doon sa babae.

"S-sorry Kathryn. Di ko na uulitin." parang biglang naging asong takot sa amo itong babaeng ito. Tss.

"NGAYON MAG-SOSORRY KA?! TIGIL TIGILAN MO AKONG CLOWN KA! I-KAKARATE PA KITA!" sigaw ni Arisse doon sa babae sabay akmang susugurin yung babae pero pinigilan ko na sya. Ayoko na ng gulo.

"Wag na Arisse. Ok na." sabi ko sa kanya.

"Bakit ang bait mo? Kaloka ka." sabi ni Arisse.

Night ChangesWhere stories live. Discover now