A Series of Awkward Moments

3.7K 91 15
                                    




Nadine's POV


| Hubby|

Where r u?


Kapag hindi kami magkasama at may time sya, ganito lagi ang text nya sakin. Daig pa Google Maps kung makapagtanong ng location ko. Kulit.


Okay na okay kami ni James ngayon. Well, there are issues na lumalabas from time to time, pero ayaw nalang naming magpaapekto as much as possible. We're always busy, not that I'm complaining, so minsan hindi na kami nagkikita palagi. Ni hindi pa nga kami nakakalabas ng walang kasamang PA or handler eh. Nakasunod pa lagi yung #JADINE crew sa lahat ng shows namin kaya we're never alone talaga. Ayos lang naman kasi part sya ng work eh. Pero sana talaga magkatime kaming dalawa. Kapag kasi wala kaming schedule, madalas itutulog nalang ni James or lalabas sya kasama sina Bret. Ako naman syempre, family ko ang kasama ko.


Nahinto yung taping namin for PSHR, and we'll resume daw next year {which is only 2 weeks away!!] na kaya puro photoshoot at endorsements ang pinagkakaabalahan namin ngayon.


Ang bilis. Matatapos na kaagad ang 2014! It was a crazy year for the both of us.

Ang daming nangyari ngayong taon. Same time last year, I don't even know him. Well, I do. But not like this. Same time last year, busy ako with finals eh.


Same time last year, sila pa ni Renee eh.

Same time last year, wala pang JaDine.


Has it been a year already? Nabibilisan ako sa panahon, but at the same time, nagtataka rin ako na mag-iisang taon palang kaming magkasama. Para kasing ang tagal na.


It's like I've known him all my life.





Teka nga, rereplayan ko muna ang Hubby ko.


|To: Hubby|

I'm with Yassi now. We're preparing for the bazaar. Sa'n ikaw?


He's tired. He shouldn't visit. Pero gusto ko rin syang makita eh.


Nagkita kami sa SM Aura ni Yassi earlier tapos diretso kami sa kanila ngayon to get her stuff. Dala ko na lahat ng mga gamit ko sa kotse kaya okay na.


"Kain muna tayo before we go?" aya sakin ni Yassi.


Niyaya ko syang kumain sa Sushi Nori (forever favorite ko ang Japanese food eh. HIHI), so we went there for lunch.

Pagdating namin sa resto, naghanap na ng mauupuan si Yassi tapos dumiresto na ko sa counter. Since ako naman ang may gusto na kumain kami dito, treat ko raw sabi nya. Haha

May mga ilan-ilan na lumapit sakin na gustong magpapicture habang nakapila ako. Yung iba pa nga nag offer na mauna na ko sa pila pero hindi ako pumayag. Nakakahiya.


Nagddaydream ako about sushi nung biglang may kumalabit sakin.

Pagharap ko, nagulat ako. Pero hindi ko pinahalata.


Si Renee.

Boyfriend nya yata yung kasama nya eh. Holding hands kasi sila.


She waved at me, "Hi! Kamusta?"


Honestly, first time ko makita in person si Renee. While we were shooting DnP dati, dinala na sya ni James sa set pero hindi kami nakapag-usap for some reason.

Tomorrow (a JaDine FanFic) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon