Chapter 4 Part 1

10.7K 398 90
                                    

Lumipas ang ilang araw, patuloy pa din ako sa ginagawa ko, estudyante sa umaga , sales staff sa gabi. Hindi ko pinakinggan si Miguel, bahala na kung makick out man ako sa school, ang importante sa akin ngayon ay ang mama ko.
Oo, pangarap ni mama na makapagtapos ako , pero hindi naman kakayanin ng kunsensya ko kung may mangyaring masama sa kanya at wala akong nagawa upang tulungan siya.
Palagay ko makakapaghintay pa naman ang pag-aaral ko. Bata pa naman ako marami pang pagkakataon ang dadaan sa buhay ko upang makapag-aral muli kung sakaling mapatalsik man ako sa Don Guillermo Academy.

"yo!" si Peter.

"hi" sagot ko naman.

"sabay na tayo" sabi niya sabay akbay sa akin. Medyo naiilang ako sa biglaan niyang pag akbay baka kasi mamaya makita ako ng girlfriend niya tapos matulad kay Leslie na nag-akalang isa akong bakla na lumalandi sa boyfriend niya. Kung sabagay wala na dito ang mga taga- Doña Ventura kaya okay lang din na akbayan niya ako.

Habang naglalakad kami sa corridor, nadaanan namin ang room ng section 1. Grabe ang tahimik nila hindi tulad sa klase namin ang ingay lagi. Sa aking pagmamasid nasulyapan ko ang isa pang tropa ni Miguel na si Troye. Ngayon ko lang napag alaman na section 1 pala siya, napakatalino niya siguro kaya dito siya nadestino.

Nagulat na lamang ako ng lingunin din niya ako, kaya naman napayuko ako sa hiya nang mahuling nakatingin ako sa kanya.

Nang makarating kami sa silid namin, inalis na rin sa wakas ni Peter ang kamay niya sa balikat ko at tinungo ang pwesto niya.

Pag-upo ko sa pwesto ko, kinalabit na ako agad ng makulit na si Aldren.

"Yuki, galit ka pa din ba?" bulong niya.

Umiling ako, ilang araw kuna din kasing hindi pinapansin si Aldren. Wala din namang mangyayare king puro pride nalang ang pinapairal ko.

"Sorry ulit babe" sabi niya, hay kakaayos lang namin babe na ulit tawag niya sa akin.

"wag nalang masyadong nagpapadala sa init ng ulo" sabi ko.

"yes babe, hindi na yun mauulit" masayang niyang sabi.

Algebra ang first subject namin, nung una'y naiintindihan ko pa naman pero habang tumatagal parang unti-unti ng bumabagsak ang mga mata ko. Nakadagdag pa ng antok ko ang pagmamasahe ni Aldren sa likod ko. Gusto ko pang makinig, kaso tuluyan na nga akong naalipin ng antok.

Blaaaagggg!!!

Tunog na talaga namang nagpagising ng diwa ko.

"ARE YOU AWAKE NOW SLEEPY HEAD?!" katakot-takot na sabi ni Sir. Hinampas niya pala ng libro ang mesa ko.

"ah....I'm very Sorry Sir!" gulat ko ding sabi.

Tawanan naman ang mga kaklase ko sa nangyare, tila ba nanonood ng comedy show.

Ilang minuto din akong pinagsasabihan ni Sir sa gitna ng klase, sobrang nakakahiya ang ginawa ko , tama siya kawalan ng respeto sa guro ang ginawa ko. Halos maiyak na talaga ako habang pinapagalitan niya ako , pero bago pa man pumatak ang luha ko ay pinaupo na niya akong muli.

"grabe ka pala matulog babe, tulog-mantika ka" natatawang bulong ni Aldren.

"anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong habang pinupunasan ang namumuong luha sa aking mata.

"paano ba naman kasi , kanina pa kita ginigising pero hindi ka man lang nagigising , muntik na nga kitang halikan kanina, baka kasi tulad ka ni Sleeping beauty" pilyo niyang paliwanag.

"pasensya na" ang tangi ko na lang naisagot.

"ano ba kasing ginawa mo kagabi, mukhang puyat na puyat ka ah" tanong niya.

Cute Boy in Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon