SCANDAL THREE: Mami Sasazaki 2

Start from the beginning
                                    

"Errr... Kasi, nag-audition lang ako eh. At all boys yun," sagot ni Ryu. Ayun pala... Napayuko ako. "Mami-chan, wag ka ng malungkot. Magkaka-banda ka rin. Sabi mo nga diba? Hindi ka susuko?" Sabi ni Ryu. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. Ayaw ko namang magmukhang spoiled brat na masusunod lahat ng gusto. Pinilit kong ngumiti at tumango. "Alis na din ako, Mami-chan. Gusto mo bang ihatid na kita?" Tanong niya. Umiling ako, "Salamat na lang. Ge, ingat ka," sabi ko. Nagpaalam na siya at lumabas na ng diner. 

So, ako na lang ang naiwan doon mag-isa. Alone... Forever alone... 

Matagal na rin naman ang banda namin ah. Mag-iisang taon na ata. Madami-daming gigs na rin ang nakukuha namin. Pero nitong mga nakaraang buwan bihira na lang kami magkaroon ng gigs, yung t.v. launching namin nawala rin. Sina Miyuki, Haruko at Ryu ay mga kasamahan ko rin sa Caless. Mga sempais nga sila eh. Eh, ano nga bang magagawa ko? 

Disbanded na ang Anpontanzu.  

Uuwi na lang akong luhaan. :'( 

... 

Naglalakad ako pauwi habang malalim ang iniisip ng biglang may, 

"Mami-chaaaaaan!" 

Niyakap ako ni Tomomi sa likuran. "Ay tofu!" Sabi ko. Nabigla ako sa kanya ah. Saan naman kaya siya nanggaling? "T-Tomomi?" Nagtatakang sabi ko. Tiningnan ko siya. Mukhang galing school ata. Nag-aaral kami talaga, yung Caless parang training lang yan sa amin. "May iniisip ka ata si Mami-chan," sabi ni Tomomi. 

"Disbanded na ang Anpontanzu," 

Muntikan namang madapa si Tomomi. "Anuka mo?!" Tanong niya. Tinakpan ko yung tenga ko, ang liit na nga ng boses sumisigaw pa. "Shhhh... Hinaan mo nga ang boses mo!" Bulong ko. Lumapit siya sakin, "Bakit? Doshte? Why?" Tanong niya. Wow, tatlong languages in one sentence? Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at siya naman shock na shock. 

Hinawakan ni Tomomi yung kamay ko. "Tama si Ryu-sempai. Kung mag-babanda ka mangyayari talaga yun. Tiwala lang," sabi niya. "At saan naman galing yun? May words of wisdom ka na ngayon ah?" Biro ko. Kiniliti ni Tomomi yung bewang ko. "Ikaw na nga itong tinutulungan," sabi niya. Nag-lakad na kami pauwi. 

"Tadaaaaima!" 

Tawag ko. Iniwan ko ang suot kong sapatos at umakyat na sa taas. Nasa shop siguro si mama. May-ari kasi kami ng shop kung saan nagbebenta ng mga china wares at silver wares. Umakyat na ako sa taas. Lumakad na ako papunta sa kwarto ko ngunit napahinto ako ng dumaan ako sa kwarto ni kuya. Dahan-dahan ko itong binuksan at sumilip sa loob. 

Nililinis lang ang kwarto ni kuya pero hindi ito ginagalaw. Nandoon pa rin ang tatlong electric guitars niya, yung mga amplifiers, isang acoustic guitar at isang base guitar. Tumatawag lang si mama ng taga-linis nito, dahil siya mismo ayaw pumasok sa kwarto ni kuya. Masyado daw siyang nalulungkot pag nakikita ang mga gamit ni kuya. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nakita ko yung family picture namin sa desk ni kuya. Ang saya-saya namin dito. Kahit na ang liit ko pa sa picture alam kong masaya kami ng mga panahon na yun. Dahil kompleto pa kami. Natuon ang pansin ko sa isang picture sa desk niya. 

Si Kuya Yujiro habang nag-gigitara. 

Kinuha ko ito at bigla naman akong nalungkot. Nahihiya akong humarap kay kuya dahil kaka-disband lang ng banda ko. Gusto ko ipakita hindi lang kay mama, kundi kay kuya mismo. Na lahat ng tinuro niya sa akin lahat pasensya na ibinigay niya sa akin ay magbubunga rin kapag makaka pag-banda na ako.  

Grabe ang pag-sisis ko dahil ng nawala si kuya kakabati lang namin noon. 

Ngunit hindi na maibabalik ang nakaraan. Wala na si kuya. Wala na... 

SCANDAL(DISCONTINUED)Where stories live. Discover now