AM - DP...22

2.1K 50 1
                                    

<Adrienne>

kinabukasan ay maaga akong naligo at nag-ayos para pumasok.

pagbaba ko sa may kusina, nakita ko na si Troy nakaupo, hinihintay ako.

nung makaupo ako ay nagsalita sya agad..

"may gagawin ka mamaya?" tanong niya

"bakit?"

"gusto mong lumabas?"

"lumabas? saan?"

"basta, labas tayo."

nung una, d ko pa magets kung anong ibig niyang sabihin, may pagkaslow kasi ako sa mga ganitong bagay eh..

"san tayo pupunta?" tanong ko

"kahit saan lang"

"eh bat pa kasi tayo lalabas?"

"gusto mo ba o ayaw mo?" tanong niya na parang nawawalan na ng pasensya. Makulit kasi ako.

Tinignan ko siya ng mata sa mata.. 

"gusto ko."

tumawa pa muna siya bago nagsalita. 

"gusto mo naman pala eh, puntahan kita sa school niyo mamaya, hintayin mo ko" sabi niya habang patayo na at paalis na sana..

"teka lang, eh bat pupunta ka pa dun? Dito na tayo magkita"

"para di ka na mapagod, first date natin to.." sabi pa niya tsaka ngumiti tska na umalis.

pagkaalis niya, napaisip naman ako.. 

So, magde-date pala kami mamaya?

Nung matapos na akong kumain, umalis na din ako papuntang school.

kagabi, hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan ni Troy at ni Raven, basta kumatok nalang si Troy sa kwarto ko at sinabing aalis na daw si bhe.

akala ko nung una ay hindi pa din sila magkasundo, nagulat nalang ako dahil nagbiruan pa ang dalawa at dapat daw sa susunod ay magkita ulit sila.

hindi na ako nag-abala pang magtanong kung ano bang nagpag-usapan nila, mabuti na rin kasi yun atleast okay na sila.

pati kami ni Troy, okay na din.. may date na nga kami mamaya diba.

pagdating ko sa eskwela ay usual things lang ang naabutan ko.

and of course, like the usual, classes and lessons.

nung dumating ang lunch break, nagsipuntahan na rin kami ng mgakaibigan ko sa cafe na kinakainan naman.

oo nga pala, hindi ko pa sila napapakilala kay Troy kasi napostpone yung meeting dapat nila dati kasi nga..hmm, dahil nagkainitan kami ni Troy tungkol kay Coleen.

speaking of Coleen, bakit kaya ayaw na niya siyang ligawan?

feeling ko talaga nasaktan ko yung ego niya dahil sa mga sinabi ko eh..

hayy nako! ewan ko..

"huyy! Adrienne! okay ka lang?" tanong ni Jani habang winawagayway pa ang tinidor sa kin.

"maysakit ka pa ba?" tanong naman ni Tere.

oo nga pala, nalaman nilang may sakit ako nung nakaraan kasi naman two days akong absent.

"hinde, hinde..okay nako. may iniisip lang ako." sagot ko naman at tumuloy na sa pagkain.

"ano naman yun?" tanong ulit ni Jani.

sa totoo lang simula nung nalaman nila yung tungkol sa kasal ko, lagi na silang curious sa kung ano mang iniisip ko.

hindi naman sa naiinis ako, hindi lang ako sanay kasi hindi naman sila ganito katsismosa dati.

Arranged Marriage - Dual PurposedWhere stories live. Discover now