"Bat di mo ko pinapansin?" Tanong ko.

"Malay ko. Tanong mo kay Seth. O kay Dom. Ewan. Tanong mo nga kay Seth."

Nagseselos nanaman po si Mr. Padilla. Sasagot pa sana ako ng marinig kong nagsisibabaan na ang 4 na lalaki. Good Morning lang sila at umupo na din. Nagkataon lang naman na kaharap ko din si Seth kumain. O diba, lalong umasim ang mukha ni DJ. Si JC ang nasa head of the family. Tapos si Kats malayo sakin. Kanya-kanya na silang kain at kwentuhan. Kaso tong si DJ, hindi talaga naimik. Tiningnan ko si Kats kung nakatingin sakin... Hindi.

Kinuha ko yung kamay ni DJ at nilagay ko sa ilalim ng lamesa. At unti-unti nakita kong ngumiti ang loko. Ay nako.

"Sama daw si Kath satin." Announce ni DJ.

"UY PARE! Andito ka pala?" Birong tanong ni JC kay DJ. "Kala ko tulog ka pa. Di ka naimik."

 

 

"Ulol. Inaantok lang ako kanina." Sagot nito at mas hingpitan pa ang kapit sa kamay ko. Sus, kinikilig. Hahahaha.

***

"Upo ka lang diyan." Utos ni DJ sakin pagdating namin sa studio. Ako naman to. Umupo. Inabot niya sakin yung cellphone niya pati wallet. Napatingin naman si JC samin. Lahat kasi sila nas abooth na, maliban na lang sa dalawang to.

"Wow, girlfriend ang peg?" Tanong ni JC.

"Ssh! Di ah." Sabi lang ni DJ at hinatak na niya si JC papasok. Nakakatwang panuodin tong mga to. Sa pagkanta lang nagseseryoso. Wala kang makikita na nilalaro lang yung trabaho nila. Minsan magsa-suggest pa sila at tunog mga business man. Natutuwa nga ko eh. Si DJ naman, titingin lang sakin tapos ngingiti. Ay ewan. Nilalaro ko yung iPhone niya, neknek niya kahit malowbat.

"Gutom ka na?" Tanong ni Kats sakin. Breaktime na ata nila, di ko pa napansin.

"Medyo." Umayos ako ng upo, para makaupo na din sila. Pinag-gitnaan naman ako ni JC at ni DJ. Hay Lord, help me.  "Patapos nab a kayo?"

 

 

"Bored ka na? Pahatid ka na lang kay kuya Romeo pauwi." Sabi ni JC sakinna busy magtext......... Kay Aria.

"No. No. Teka nga, bat para kayong pinagbaksakan ng langit at lupa? Ang gagaling nyo kaya. Pati-instruments nyo magkakatono. Maayos." I proudly said. Pero sila, ngumiti lang.

"Hindi kasi, parang kulang. Alam mo yun?" Lester habang nilalaro ang drum sticks niya.

"Parinig nga ng preview." Sabi ko. Tumayo sila at umupo ako dun sa umiikot na chair. May pinindot silang buttons at nagplay. Maririnig mo yung drums ni Les. At yung bass at guitar ni Seth at DJ. Maayos naman. Pero oo nga, parang may kulang. "Patingin ng music sheet." Sabi ko kay Kats. Inabot naman sakin. Kumpleto naman na yung lyrics.

Inulit ko yung sa simula para marinig ko ng maayos.

"Alam ko na kulang, guys!"

 

 

"Ano?"

 

 

"Piano. Sa simula, kailangan ng piano. Kasi eto, yung boses naman ni DJ dito, malaman. Ayos naman sana kaso yun nga piano sa simula. Bago niyo pasukan ng drums."

Waiting For ForeverWhere stories live. Discover now