"Tsee! naku teh' ha! wag mo ngang guluhin ang utak ko, moment ko na iyon no para makasama ko si Trevor, tandaan mo teh ha! si trevor ang dapat na mapasa akin hindi si Borg. Alam naman ni Borg iyon no!" Pagtataray ko, ang aga aga makikipag-argue pa itong kaibigan ko.

"Bahala ka nga! anyare sa date nyo ng love of my life mo?" tanong niya...

ayyyy.. bigla ko nanamang naalala ang pagsasama namin kahapon ng future husband ko. ^____^ habang naglalakad kami ng sabay, sa isipan ko magkaholding hands kami, kahit sa totoong buhay ay hindi.

"Hoy, neng' ano nangyari sa date nyo? day dreaming ka nanaman ang aga aga." <--Nayette.

"ang saya saya ko teh' pakiramdam ko, malapit na talagang mapasa akin si Trevor, konte nalang sasabihin na niya sa aking ako talaga ang mahal niya at hindi si Betty." Kinikilig ako letche!!! nagbuble dreams ako na magkayap kami ni trevor habang sinasabi niya sa aking mahal na mahal niya ako.

"May gusto sa iyo si Borg neng'" <---NAYETTE! biglang ng 'POP' ang bubble dreams ko sa nadinig ko, well actually, medyo nabingi ako sa sinabi niya eh!!!

"anong sinabi mo teh? medyo naguluhan ang aking eardrums eh." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin, kinuha niya ang palad ko.

"ano kasi neng' diba ako sumama sa kaniya, ang dami dami niyang tanong sa akin tungkol sa iyo, kung ano-ano nainis na nga ako eh, gusto ko na ngang magwalk out eh! ikaw na talaga eh!" Sabi niya. pati mata niya nakangiti.

at ako??? confused!!!!

"charot ka din teh' nagtanong lang about sa akin gusto na agad agad?" sabi ko.

tsaka! my gad!!! bigla ko tuloy naalala si Borg. ano bayan oh! @__@ tapos, kagabi lang magkatabi kami. urrrr...

"hindi kasi neng' nagtatanong kong nagkabf ka na daw ba, kung ano daw gusto mo sa isang lalaki... eh sabi ko, tignan nalang niya si Trevor.. tapos sabay sa niya-- mas pogi daw siya kay Trevor." sabi ni Nayette.

ANONG SABI NIYA? MAS POGI SIYA KAY TREVOR!!! OO, POGI SIYA! AT IBA ANG POGI SA GWAPO NO!

ANG POGI SI BORG... 

ANG GWAPO SI TREVOR!!!

ano ba kasing tumatakbo sa isipan ng halimaw na iyon!!!

ano ba to, bakit parang bumibilis ang takbo ng puso ko. Parang iba eh--- parang bigla kong hinahanap si Borg. Urghes!!! hindi kaya, ginayuma na niya ako.

bakit naman ako gagayumahin ng halimaw na iyon. ano bayannnn!! nalilito na ako #__# alam ko maganda ako, pero dapat malaman din ni Borg na si Trevor ang gusto ko, masasaktan ko lang ang puso niya.

ayaw kong paasahin siya.

NYYEEEE!! KAPAL NG FES KO NO? gumaganon pa ako.

pero, naiinis na talaga ako kay BORG!! huhuhu!

basta, dapat turuan ko ang puso ko na hindi mabaleng ang pagtibok nito sa kaniya, ayaw ko! ayaaaaw ko!!!

ang halimaw ay halimaw, bigla silang dumarating at bigla din silang mawawala, hindi katulad ni Trevor, matagal ko na siyang nakita, nakilala -- at ngayon nga ay nakakausap ko na siya, at nakakasama... so anong sunod no? magsasama na kaming dalawa.

"Ano na neng!? wala kabang sasabihin sa sinabi ko sa iyo?" sabi ni Nayette

"hay naku teh, nangugulo lang iyon si Borg no... tara na nga pumasok na tayo. Si Trevor ang mahal ko at hindi si Borg. Period! parang ako lang, meron akong period ngayon."

"charotera ka neng' ikaw may period? iyong totoo? period o question mark?"

"alam mo ikaw teh, nagiging kontrabida ka talaga sa pagiging babae ko no? tsee!!! inggit ka lang sa akin, kasi kahit na babae kang tunay, nasa akin naman ang dalawang lalaki. wahahahahhaahaha!!!" lakas ko tumawa, halakhak pala, para akong bruha na kalaban ng mga princesses ng mga fairytales.

Halimaw Sa Punong BaleteWhere stories live. Discover now