little things 'bout you

13 0 0
                                    

Naglakad kami palabas ng gate. Di pa rin nagsasalita yung butiki. HIMALA.

"Bilisan mo nga diyan"-Disky

Salamat nagsalita na rin sya. Nakakapanis pala ng laway pag ganito kasama mo.

"Opo"-ako

Plitick...plitick...plitick

Kamag-anak ko ba talaga si kamalasan? Please!tigilan mo na ako. Basa na nga ako kanina tapos mababasa pa ako ng ulan. Wala pa akong dalang payong. Halatang wala ring dalang payong yung butiki.

Biglang hinawakan nung butiki yung kamay ko.

"Hoy! Sa'n tayo pupunta?"-ako

"Tsk! Ang daming mong tanong. Bilisan mo na lang maglakad."-Butiki

Three points!!! tatlong beses na siyang nag TSK! (ahehehe! Bilangin natin ha!)

Matapos akong kaladkarin ng gentle dog ay nasa tapat na kami ng isang malaking gate.

"Andito na ako."-sya

Biglang bumukas yung malaking gate at WOW! ang laki nung bahay. Size palang nung sala nila parang yun lang size ng buong babang bahay namin.

"Sumunod ka sakin"-sya

Grabe parang hari lang kung makapag-utos. Pagkatapos ay umakyat na kami  papunta sa isang kwarto.

"Pumili kana dyan."-butiki

"Eh puro panlalaki yan."-ako

"So mas gusto mong magkasakit. Okay!--"-butiki

"Oo na pipili na nga!"-ako

No choice eh..kumuha ako ng isang long sleeve shirt na kulay green tapos above knee sya at isang pantalon. Pagkatapos kong mamili ay pumasok ako sa cr at may sarili syang bathtub.

Buti na lang medyo kasya sakin yung pantalon medyo lumalaki na kasi yung beywang ko kakakain =3= kailangan ko na sigurong mag-diet marami pa namang mngyayaring events sa school next month.

"Mylabs bilisan mo dyan kundi sisilipan kita"-Disky

"Subukan mo lang , mamaya--"-ako

"Anong gagawin mo?"-Disky

"Wala sabi ko nga matatapos na ako"

Sabi ko nga ako nang talo ulit sa butiki. Mamaya totohanin nya, sabi ko nga sa inyo kahit hearthrob ng Shiawase ay basagulero to. Wala pa naman akong alam na self-defense

"Tsk!" hehe pang-apat na ^_^

Habang si butiki ay nasa cr, busy naman ako sa pangangalkal at paglilibot sa kwarto nya. At impernes daig nya ako, kapag sa kwarto ko kayo nabisita haha parang kang nasa jungle ang gulo.

Pumunta naman ako sa study table nya at ang daming libro at puro mga knowledgable books. Nice naman binabasa kaya nya to o display lang. ._. ?

At marami din syang cd may movies at pang-music. Ang gaganda ng mga cd nya magkakasundo kami nito pagdating sa music. Dun naman ako sa mga movies makikialam :)) .

Heccck! Haginan nang bumaliktad ang sikmura ko, pano ba naman yung mga cd nya ay yung HATEST ko sa lahat...Z-ZOOOMMBBIIIEESS-S at horror. Ngayon alam ko na hindi talaga kami magkakasundo.

Siguro halimaw din sya kaya natutuwa sya sa kapwa nya. Ang lawak ng I-M-A-G-I-N-A-T-I-O-N ko. Hehe spongebob daw ako.

"Cutie anong tinitignan mo dyan?"-Disky

Ayan nanaman sya balik sa babaero mode.

"Che wag mo nga akong tawagin ng cutie"

"Bakit naman wifey?"

"Dahil hindi mo ako cutie, sweetheart, wifey, baby, babe, honey, lovey dovey, sugar, Kopiko Brown, Nescafe Caramel, Milo, Bearbrand, at kung ano pang mga kabaduyan na tinatawag mo."

"Ok MY LOVES want to eat something? :D " psh, suko na ko sa kanya

"Ha? Sige pero para sa pagiging mabait mo ako na maghahanda. Nasaan yung kitchen nyo?"

"Halika sweety sundan mo ko"

Lost Something but Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon