DARE 8

2 0 0
                                    

ÿþDARE 8  

[BUS]  

Nakakainis si mama. Pinaalala niya pa sakin bago ako umalis na kelangan ko daw dalhin si Prince sa bahay.  

Ano namang sasabihin ko kay Prince?  

"Ahhhmm. Prince, sabi ng mama ko pumunta ka daw sa bahay kasi gusto ka raw niya makita."  

Eew! Baka sabihin pa ni Prince feel na feel ko ang pagiging bf-kuno niya. Tapos ipapakilala ko pa siya sa parents ko. Duh?! Ayoko nga nun!  

Lalaki pa ulo nun e. Akalaing proud pa 'ko sa kanya.  

Pero no choice naman ako. Hindi ako pwedeng umuwi ng bahay nang wala akong kasamang Prince.  

-___-  

Makapag-soundtrip na nga lang. Kaysa badtrip-in ko lang ang sarili ko kakaisip kung anong gagawin ko.  

Nagstop yung bus tapos may sumakay na lalaking naka-shades.  

Tch. Angas naman.  

Umupo siya sa tabi ko. 'Di ko siya pinansin. Tumingin lang ako sa may bintana.  

Pa'no niya kaya ako nasasaktuhan dito? Weird.  

"Hello, babe." bulong niya sakin.  

Eew! Babe daw?  

"Wag mo nga 'kong tawaging babe. Hindi babe ang pangalan ko. Kilabutan ka nga." inis kong sabi.  

"Oooh. PMS?" tanong niya na may halong pang-aasar.  

Tiningnan ko siya.  

O.O  

Enggk! Ang lapit niya.  

And at the same time. . .  

Ang gwapo niya talaga 'pag naka-dark shades siya.  

Er. . .sorry. I'm just stating the obvious. Nothing malicious.  

"O babe! Natulala ka na naman ba sa kagwapuhan ko?" sabi niya sabay smirk.  

Tinulak ko yung mukha niya. Sobrang lapit kasi.  

"Gusto mo isa pang suntok?" sabi ko with a sweet but devilish tone and my sweetest smile.  

Medyo lumayo siya.  

Haha. Buti naman at natakot siya.  

Hindi ko na lang ulit siya pinansin at tumingin sa may bintana.  

Tinanggal niya yung earphone sa kaliwa ko (kasi nasa kaliwa ko siya) at bumulong.  

"Baka nakakalimutan mo yung punishment mo, BABE?" bulong niya at in-emphasize niya pa yung babe.  

Yuck naman! Kadiri naman 'yun. Babe. Eww! Halatang playboy e.  

Alam ko na yung mga ganyang style. Kaya babe yung tawag nila sa babae kasi hindi nila alam yung pangalan or nakalimutan nila at baka magkamali sila ng babanggitin na pangalan kaya mas safe ang babe. Eww!  

Teka!  

Punishment? Ahh! Oo nga pala. Kelangan niya ng jowa ngayon kahit jowk lang naman para masabing 'di siya naka-missed ng kahit na isang araw na walang jowa.  

Playboy. Kelangan niya pa pala makahanap ng jo-jowa-in.  

"Ah! Hindi ko nakalimutan okay. Bakit kasi ayaw mo ligawan kahit sino na lang na babae sa school. Panigurado sasagutin ka rin ng mga 'yun." sabi ko.  

Totoo naman kasi e. Dami niya kayang fans lalo na mga babae. Ako lang ang hindi.  

Heartthrob siya ng sarili niyang school.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DARE to LOVEWhere stories live. Discover now