V. Tagalog Part II

5 0 0
                                        

Minsan kailangan mong tanggapin na may mga taong kaya kang pakiligin pero hindi ka kayang mahalin.


Mahirap magtapat nang pagmamahal sa isang kaibigan, lalo na kung ramdam mong ang turing niya sayo ay hanggang dun lang.


Tama lang naman na aminin mong mahal mo siya. Ang mali lang ay umasa ka na mahal ka din niya.


Hindi na dapat pinagpipilitan ang mga bagay na alam mong hindi na dapat.


Masakit sabihing, "I want you to be happy, I'm lettin' you go." sa taong mahal mo, pero naisip mo ba na mas masakit kung hihintayin mo pa siyang magsabi sa'yo na, "Please, I just can't stay. Would you let me go?".







[ a/n: Tagal ko ding di nakapag update. Pasensya na po :) Kumusta naman kayo? Ako, ito buhay pa naman ;p
Yung last quote, naexperience ko na. Nangyari yun mga 6 years ago. As in, hinintay ko talaga na siya yung unang bumitaw. Meron kasi akong paniniwala na mas okay na yung ikaw yung hiniwalayan kaysa ikaw ang makipaghiwalay. Nagtanong pa nga si ex nun kung pede kaming maging friends. Siyempre para di ako magmukhang bitter, tinanggap ko naman. May pashake hands pa. Pinapanuod pala kami nung bago niya sa kabilang building. Nung time na yun pinipigilan ko talagang umiyak. Humingi ako nang favor sa kanya, Last Hug! Pagkatapos nun, umalis ako kaagad. Nakita ako ng friend ko, sinabi ko sa kanya yung nangyari. May nalalaman pa nga akong 'Bestfriend na kami ulit'. Nagtanong yung friend ko kung okay lang, bigla na lang akong humagulgol sa harapan niya. Parang tanga, di ba? Hays, at the end, ako din pala yung pinaka masasaktan. Pang MMK na ba? Hehe, sorry. Votes, good and bad comments are welcome. Thank you po! :D ]


































@SiMPLEEiGHTEEN

My CollectionWhere stories live. Discover now