Chiki Chikadora
By: @yaaannkasi
---
Nasa school na ko ngayon at medyo badtrip dahil sa nangyari kanina. Nakakainis naman kasi talaga! Kung bakit meron na si Kimpwet 'nung gusto kong lipstick na pino-promote ng idol kong si Anne Curtis. Hirap na hirap nga akong maghanap 'nun e tapos siya meron pala. Hindi lang isa, kundi tatlo. Kelan pa? Baka matagal na pala siyang may ganun hindi niya lang sinasabi.
Kanina ko pa siya kinukulit hanggang sa maghiwalay kami sa school pero wala talaga siyang binigay na impormasyon kahit isa. Oo pumasok na siya, katulad nga ng sinabi niya sakin. 'Yung black eye niya hindi na masyadog halata kasi maliit na naman. Dinaan na lang niya sa salamin na parang shades na rin 'yung style. Basta 'yun na!
Nasa hallway lang ako dahil wala pa namang klase. Ewan ko pero mukhang wala kaming first subject dahil busy sila sa paghahanda para sa darating na namang event sa school. Mag-be-birthday kasi 'yung principal at balak nilang gawan ng program dahil limang taon na pala itong naglilingkod sa school namin. Ewan ko ba sa trip nila! Pero pabor sa'ming mga estudyante 'yun. At pabor na din 'yun sa'kin kasi ayoko pang mag-klase.
Kanina pa ko nakaupo sa hall way at tine-text ang mga kabigan kong chismakers. Nasan na ba kasi 'yung mga 'yun? Himala yatang ako ang nauna sa kanila. Sinusubukan ko silang tumawag kaso wala namang sumasagot sa kanila kahit isa.
Lintek na! Sagutin niyo naman 'yung tawag ko! O kaya itapon niyo na 'yang mga cellphone ninyo! Mga walang silbi! Saad ko sa sarili ko.
Minabuti kong pumunta sa C.R. para makapag-retouch. Masyado na yata akong na-i-stress dahil sa nangyari ngayong umaga. Feeling ko magsusunod-sunod ang kamalasan ngayong araw. 'Wag naman sana. Nang makarating na ko doon ay agad na sumalubong sa'kin si Solenn, 'yung Pabebe Girl na nilalandi ni Kuya Kenzo.
Hindi ko na lang pinansin. Wala ako sa mood makipagtalo at isa pa, alam ko na naman ang pakay ni Kuya Kenzo sa kanya. Sabi ko na nga ba e, in the first place hindi naman talaga siya seseryosohin ni kuya. Kaya lang ayoko padin na may makaka-affair siya sa kahit sinong Pabebe Girls. Pumasok na ko sa isa sa mga cubicle sa C.R. ng mga girls. Habang naroon sa loob, narinig kong may pumasok na ibang tao sa C.R.
"Hi Girl!" bati 'nung babaeng bumati kay Solenn. Hindi na ko nagtaka kung sino ang dumating. For sure isa iyon sa mga kaibigan niyang Pabebe Girl.
"Hi Heart!" bati naman ni Solenn sa kasama. Tama nga ako, isa sa mga Pabebe Girl ang dumating. Minabuti ko na namang mag-stay ng matagal sa loob ng cubicle upang mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
"Ang aga mo yata?" tanong ni Heart. "Excited ka na ba mamaya?"
"Hindi naman. Kailangan ko lang tapusin 'yung project natin sa English." Wika ni Solenn. Wow!? At nag-aaral pala sila? Ang alam ko puro landi lang ang kaya nilang gawin.
"Ayy oo nga pala no!? Sabi ni Mandy siya na daw gagawa 'nung mga props na kakailanganin natin?" boses iyon ni Heart.
"Aba dapat lang! Wala na nga siyang ginagawa e. Kahit 'yun na lang gawin niya para may pakinabang naman siya satin." Saad ni Solenn. Aba't mukhang nagkakasiraan pa sila sa grupo nila. Akalain mo nga naman, sila-sila din ang nagpa-plastikan. Mabuti pa sa mga friendship ko walang ganernnn. Walang salitaan ng hindi maganda Walang plastic samin.
"Haha! 'Wag ka nang ma-stress dyan.." hirit naman ni Heart. "Ikaw naman ang bida mamaya e. Excited ka na ba? Kasi kami excited na! Mamaya sasabihin ni Georgina ang plano sa'tin. Push na 'to! Wala nang makakapigil sa'tin!"
Wala akong idea sa pinag-uusapan nila. Plano? Anong plano? Saan sila excited at bakit wala na daw makakapigil sa kanila? Ayy ewan! Bakit ba ko nang-uusyoso. Lumabas na ko ng cubicle at naroon pa rin sila. Si Heart naman ay nagulat nang makita ako.
YOU ARE READING
Chiki Chikadora (Ang Prinsesa ng Tsismosa)
Teen FictionSaksakan ng ganda, yan ang tawag kay Chiki ng mga kaklase niya. Pero isa siyang etchosera! Wag kayong basta-basta naniniwala sa sinasabi ng gaga! Hindi siya saksakan ng ganda kundi saksakan ng daldal, Number 1 lagi sa noisy 'nung elementary pero num...
