Chikang Malas 18

75 6 0
                                        

Chiki Chikadora

By: @yaaannkasi

---

Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi parin nagpapansinan ang dalawa kong kuya. Halos gabi-gabi na lang namom-roblema si Inang Mother sa dalawa dahil parang walang tao sa bahay kundi kaming dalawa lang. Mas okay pa daw dati na kahit nagbabangayan kaming magkakapatid lalo 'yung dalawa kong kuya. Atleast alam ni Inang Mother at nang buong barangay na may presence at alive na alive ang mga taong nakatira sa bahay namin.

Kung matatandaan ninyo, 'nung mga nakaraang araw ay naging beast mode si Kuya Kenzo kay kuya slash ate Kim. At gaya nga ng sinabi ko sa inyo, alam ko na agad ang magiging eksena sa baler. So kayo ba gets niyo na? Ayoko na kasing i-chika dahil hindi naman siya bida sa kwentong 'to pero sige dahil mapilit kang chismakers ka at gusto mong usisain ang nangyari, eto..

*Flashback*

Galit na galit na hinarap ni Kuya Kenzo si Kim 'nung gabing iyon.

"HOYYY KIMPOYYY! Anong nababalitaan ko sa school niyo ha?!" sabay tulak kay Kim nang malakas dahilan upang mawalan siya ng balance at bumagsak sa sahig.

"Ano bang problema mo?" pagtatakang tanong ni Kim. Hindi agad siya nakatayo dahil malakas ang pagkakabagsak niya kung kaya't sinasapo niya ang kanyang pwetan.

"May nalaman ako sa school, hayup ka!" wika ni Kuya Kenzo. "Wag ka nang magmaang-maangan pa!"

Kitang-kita naman kay Kim na medyo kabado na siya ng mga oras na iyon. Mukhang alam na din niya kung anong tinutukoy ni Kuya Kenzo pero nagpatay-malisya padin siya.

"H-ha? Anong pinagsasabi mo?!" pasigaw na ding sabi ni Kim. "Lakas na naman ng tama mo! Lasing ka ba!?"

Dahil sa ginawang pagpapatay-malisya ni Kim ay biglang sumargo sa mukha nito ang isang malakas na suntok ni Kuya Kenzo mula sa kanyang kanang kamay.

*BOGGGGSSSSHHH!*

"Tang Ina! Bakla ka palang hayup ka!" tahasang sinabi ni Kuya Kenzo. "Kelan pa? Nawala lang ako sa school, naka-graduate lang ako 'dun, lumadlad ka na pala?! Pumunta ako 'dun kanina dahil may binisita akong tropa. Tapos may nagbalita lang sakin ng mga kalandiang pinag-gaga-gawa mo 'dun. Nakakahiya.."

Hindi parin makakilos si Kim dahil sa bilis ng pangyayari pero kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. Mangiyak-ngiyak siya sa galit. Ikaw ba naman ang biglang itulak at biglang pakawalan ng malakas na kamao.

"Anong nakakahiya!? 'Yung ginagawa kong kalandian sa school? 'YUNG PAGIGING BAKLA KO O 'YUNG PAGIGING BULAKBOL AT BABAERO MO?!" giit ni Kim. Pinilit niyang tumayo at akmang susuntukin na ulit siya ni Kuya Kenzo nang magsalita itong muli.

"ANO!? SUSUNTUKIN MO KO!? SIGE! GAWIN MO! GAWIN MOOOO!" bulalas muli ni Kim. "Nang malaman nila kung gaan ka kasama! Mas gugustuhin ko pang maging malandi sa harap nang tao pero alam ko sa sarili ko na nag-sisikap ako at nag-aaral ako. HINDI KATULAD MO! Malinis nga ang pangalan mo sa school, feeling mabait ka nga.. pero anong alam nila kapag wala ka sa school? Isa kang mapagpanggap.. Bait-baitan pero HUDAS NAMAN PALA!"

Alam kong nagpipigil lang si Kuya Kenzo nang mga oras na iyon pero wala na din siyang masabi kay Kim. Totoo naman kasi lahat ng sinabi ni Kim sa kanya at alam kong sapul na sapul siya nang mga sandaling iyon.

"Pasalamat ka at ginagalang pa kita. Kaya wag mong hintaying mawala ang respeto ko sa'yo.." 'yun lang ang huling sinabi ni Kim at nag-walk out na ito.

Chiki Chikadora (Ang Prinsesa ng Tsismosa)Where stories live. Discover now