Chapter 8: Really Something

95 4 2
                                        

AIZIE'S POV

After 8 months..

"Bye Shenna! Papasok na ako." Inayos ko ang bago kong uniform. Short sleeves yung blouse ko na may navy blue skirt.

"Bye Aizie ingat!" Kumaway ako kay Shenna at sumakay sa pinarang tricycle ni Marlon.

June. Simula ng first sem ko ngayon sa bago kong school. Medyo kinakabahan ako, bagong pakikisama na naman kasi. Hay, sana naman may maging kaibigan ako katulad nina Jemi at Cenize. Miss na miss ko na sila.

Hindi naman kalayuan ang bago kong school sa bahay namin. Mga 15 minutes kapag naka-tricycle at walang traffic. Pwedeng-pwede pa ngang lakarin kapag sinisipag. Siguro gagawin ko na lang yun mamaya pauwi.

Ayan na yung school gate! Tinignan ko yung itsura ko sa salamin. Okay na ba? Huminga ako nang malalim nang tumigil ang tricycle. Eto na talaga, bababa na ako at haharapan ang first day.

Binayaran ko ang tricycle driver at naglakad papasok sa nakabukas na malaking gate.

Kinuha ko yung registration form ko para makita kung saan ang first class ko. Hala nakakakaba! Umuwi na lang kaya ako? Wala pa naman atang gagawin eh.

Ay hindi pwede! Hindi ako pwedeng mag-absent sa first day of class. Late na nga akong pumasok tapos mag-a-absent pa?

Kapag nasimulan na kasi nagsusunod-sunod na ang mga absent ko. Ayoko namang walang matutunan, mahirap pa namang bumawi ng grades. Hindi ko pa nga alam kung nakapag-prelim na sila eh!

Lahat ng courses iisa lang ang uniform. Nagkakaiba lang sila sa suot na lanyard. Business Administration ang course ko kaya as usual, kulay yellow yung akin. Nakasulat sa bawat lanyard yung name ng school, pati na rin ang department.

Nakarating na ako sa classroom kung saan ang first class ko. Umupo ako sa center row sa may tabi ng bintana. Mayroon na akong mga kaklase, nakakainggit nga lang at may kanya-kanya silang grupo.

Tinext ko sina Jemi at Cenize, nakakaboring naman kasi. Kapag hindi sila nagreply, ibig sabihin may klase na rin sila. Naglaro muna ako ng games habang inaantay kung magrereply yung dalawang kaibigan ko.

"Beatrice kasi! Ano bang itsura nung nakita mo?" May tumabi sa aking babaeng mahaba ang buhok. Morena at payat din siya katulad ko.

"Alexandrea wag ka ngang makulit! Basta gwapo siya, matangkad, maputi. O-M-G I got a boy meojin!" Medyo maikli ang buhok nung tinawag na 'Beatrice'. Mas matangkad siya doon sa kasama niya na tinabihan niyang umupo.

"May abs?" Ay grabe! Batukan daw ba yung 'Alexandrea'?

"Gaga! Paano ko makikita eh hindi naman nag-topless?"

"Malay mo, bakat doon sa shirt."

"Ang luwag kaya ng t-shirt niya. Ni hindi ko nga rin napansin kung may muscles ba."

Ano ba naman itong mga babaeng ito! Umagang-umaga lumalandi na. Lilipat na lang ako doon sa may unahan! Di bale nang maunang matawag ng prof, wag lang makarinig ng kalandian.

"Ay bago?" Napansin pa ako nitong matangkad na ito! Tumingin rin sa akin yung katabi ko at ngumiti. Ang gaganda naman nila, mga mukhang doll.

"Hi! I'm Sandy nga pala, siya naman si Bea." Pareho silang nakipaghandshake sa akin. Mukha naman silang mababait.

"Aizie." Nakangiti rin ako sa kanila. Napansin ko kaninang halos lahat ng babae dito may make-up. Requirement ba talaga yun? Ako lang kasi ang wala.

"Ang cool naman ng name mo." Natawa si Sandy sa sinabi ni Bea. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya ah?

"Break it down 'yo!" Nakatingin ako kay Sandy habang nagra-rap pose siya. Nagtatawanan na sila ngayon ng kaibigan niya.

Prince Charming's Heart (DPC 2)Where stories live. Discover now