Dedicated to potatopen. >:*< Dahil nagrequest siya ng POV ni Tristan. Magkakaron pa naman ng special chapter si Tristan eh. About what nga lang ba? Sorry if madidisappoint ka ha. :( Sorry talaga. HAHAHAHA. Eto nalang muna. Pasensya. :D
Aftermath 8 : Tristan's POV
Nag-drive na 'ko papunta kila El. Naghintay pa ko ng sandali bago siya lumabas.
Pinapasok ko na siya sa loob ng kotse ko at nagdrive na ko papasok sa office.
Habang nagd-drive ako ay napansin kong hindi mapakali si El. Anong meron? May problema kaya siya?
"Uhm. *clears throat* El, are you okay? Mukhang di ka mapakali kasi eh." sabi ko.
"Uh kasi a-ano Tristan uhm," nauutal pa siya? "Ah kasi wag ka magugulat ah?"
Hininto ko ang kotse sa gilid.
"Tristan? Bakit ka huminto?"
"Baka mahinto ko ng biglaan yung kotse tumilapon pa tayo. Para safe ka.. at si baby." ngumiti ako sakanya. "Sige na sabihin mo na." Pagpapatuloy ko.
"Ah eh.. Sabi kasi ni Dad, hindi daw ba tayo titira sa isang bahay.." nakayuko niyang sabi.
"Sus.. yun lang pal--" sht. And the mere thought na titira kami sa iisang bahay ay bumibilis na ang tibok ng puso ko.. Wala akong pake kahit makita niya kong namumula pero ngumiti ako sakanya at tumingin ng deretso sa mata niya..
"I want to pero kailangan ko muna malaman kung okay lang sayo"
Lumaki ang mga mata niya. "HA?!"
"You 'WANT' to?" sabi niya na may hand gestures pa. Yung bunny ears gesture para sa quote.
"Yes? Pero it's okay kung ayaw mo."
"I'll think about it. I'll let you know my desicion." sabi niya at ngumiti.
Bumilis pa lalo yung tibok ng puso ko nung ngumiti siya.
Pinaandar ko na ang kotse ko at pumunta na sa office.
--
OFFICE
Ang sakit talaga sa ulo nitong mga papeles na to. Hay.
Tinignan ko ang orasan at 11:30 na pala.
Sasabay nga pala ako kila El at sa friends niya maglunch.
Tumayo na ko at binuksan ang pinto.
Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil pagkabukas ko ng pinto ay andun din si El at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Nagtititigan kami. Ang ganda ng mata niya. Di ko alam ilang minuto kami nagkatitigan basta alam ko naputol yun ng dumating at sumigaw yung friends niya at tinawag kami.
At ngayon nagkaka-ilangan kami. Ewan ko kung bakit. Nagkatitigan lang naman kami pero nakakailang. Nag-order na kami at tatabi na sana ako kay El pero naunahan ako ni Michael ata? Yung isa sa friends niya.
"*clears throat*" ako
"Michael umalis ka nga dyan!! Dyan si Sir Tristan malamang katabi ni El bobo ka ba?" sabi ni Kisha
Nakakatawa sila magusap parang wala yung boss nila dito. Haha. Friendly naman ako sa employees ko eh.
"Ay sorry sir." sabi ni Michael.
Nag-smile nalang ako.
Tumabi na ko kay El at alam kong nai-ilang pa rin siya sakin.
"Bobo mo talaga!! Nakakahiya kay Sir Tristan!" narinig ko pa yung bulong ni Kisha kay Michael.
"Sorry naman ha!! Wag ka na nga maingay nakakarindi yung boses mo ang tinis!!" Michael sabay nilayo yung mukha ni Kisha sa tenga niya. Haha natatawa ako sakanila.
"No it's okay. Baka mag-away pa kayo dyan *chuckles*" singit ko sa pag-uusap nila.
Umayos naman bigla sila ng upo at ngumiti sakin.
Dumating na yung order namin. Nandito kami sa canteen ng Corp ko. Tinatamad na kasi lumabas yung iba sakanila kasi ang tirik ng araw.
Nagsimula na kaming kumain.
At after kumain...
"Lunch time's over. Let's get back to work!" I said.
Tumayo na kaming lahat at naglakad na pabalik sa kanya kanya naming department.
--
Hay. Pagod na 'ko and it's only 6:30. I need some boost-up! Hehe.
I peeked through the door at nakita ko si El na may kausap sa phone ng nakangiti.
Nawala lahat ng pagod ko at na-full charge ako. Mas maganda talaga si El pag nakangiti.
Before pa niya ko mahuli ay sinara ko na ang pinto at bumalik sa upuan ko
Tinapos ko ng mabilis ang mga gawain ko para mabilis na kami makauwi ni El.
Kakausapin ko na rin mom and dad niya para sa paglipat niya sa bahay ko.
--
Kakatapos ko lang ayusin yung gamit ko sa office. Lumabas na agad ako at nakita ko si El na natutulog. Kung ibang employee siguro ito ay di ko mapapalampas at mapapagsabihan ko pa. Eh naiintindihan ko naman siya kasi buntis siya. Halos magt-3 months na rin kasi yung baby sa loob ng sinapupunan niya. Parang gusto ko na tuloy ipag-maternity leave kahit ang tagal tagal pa.
Pinagmasdan ko muna siya ng atleast 2 minutes atsaka hinaplos yung cheeks niya. Grabe.. sa paningin ko ang flawless niya.
Dumilat na siya at pumunta na kami sa kotse ko.
--
SANREVELLE's RESIDENCE
Pumasok na kami sa bahay nila.
"Good evening po." sabi ko habang inaalalayan si El.
"Good evening iho." sabi ng mommy ni El.
"Yaya Rosa! Pahanda na lang po ng dinner." sigaw niya pa.
Pumunta na lang kaming lahat sa dining table.
Tito | Tita
_____________ <-------- position namin sa table nila
Ako | El
"Sir.. ano daw po yung sinasabi niyo kay El.. uh.. Shane kanina?"
"Ah.. sinabi ko sakanya na kung bakit di kayo manirahan sa iisang bahay?"
Nagtaka naman ako dun.. usually ang mga tatay, strict eh.
"Okay lang naman po sakin... eto pong si El ang tanungin niyo.. ayaw ko naman po siyang pilitin." sinasabi ko yan habang nakatingin sakanya.
"Matanong ko lang iho.. may gusto ka sa anak ko?"
Tumingin muna ako kay El.. napatingin din siya sakin..
"Opo..."
------------
A/N: SORRY ANG PANGET BAWI NEXT CHAPTER HEHEHEHEHEHEHEHHEHE PATAWAD :*
Comment and vote if you want? :D Thanks.
YOU ARE READING
The Aftermath of a One Night Stand
Teen FictionWhat is the result of a one night stand? Tunghayan ang kwento ni Elyzza Shane Sanrevelle after makaranas ng ONS.
