May landscaping kami ngayon dito sa school, bale yung grupo namin nung intrams ang mga makakasama parin namin.Ang part namen is outside the school sa labas ng gate at ang ibang mga grupo naman sa loob ng school ang area nila.
Every last period ng hapon ang schedule ng pagta-trabaho namin.So pumunta na kami sa mga kanya-kanyang area.Habang naglalakad ako may tumatawag sa pangalan ko.
"Ariane wait!" Ah,si Sam lang pala isa siya sa mga kagrupo ko A.K.A Samantha yeah!he's a gay.
It means siya ang makakasama ko ngayon.Ayoko pa naman makasama ang mga bakla kasi alam niyo Papabeles yang mga yan.Ay,nakow! bahala na nga atleast may kasama ako.
Pagkarating namin naglanis kami agad sa mga area na dapat naming linisan.Nagtanggal kami ng mga damo tapos yung mga halaman na natanggal papalitan namin ng bago dapat yung namumulaklak daw.Seriously?!Isn't it, this is a private school??!
Maya-maya habang naglilinis kami napansin ko na may kaharutan tong si bakla ay,mali! kaasaran pala,hanggang ba sa paglilinis may time kapa diyan Sam?!pwede bang linis muna.Papalapit siya sakin ano na naman kaya kailangan ng baklang to!
"Ria,please help me naman oh! I need back up,hindi ko kaya tong dalawang gwapo na mokong nato" hingal na sabi niya.
"Eeh-" Hindi ko alam kung bakit kusang naglakad tong paa ko para sumama sa baklang to.
Habang nag-iisip kami ni Sam kung ano ba ang gagawin namin sa dalawang yun.Bigla naman silang sumabat sa pinag-uusapan naming.
"Ano Sam! crush mo ko noh!" -Kuya Raine
"Dah! Hindi noh!" -inis naman na sabi ni bakla
"Hahah! Hindi kasi ikaw eh,ako daw"- Kuya Kian
"Isa kapa!" -sigaw ni Sam kay kuya fourth year.
Dami namang admirers ni bakla,Hellow!nandito pa kaya ako.Heto namang si Sam deny pa,sa gwapo ba naman ng dalawang yan.
"Wala ,crush mo kasi ako" -nangaasar na sabi ni Kuya Kian.
"Che! Julyo!"-bulyaw ni Sam.
Teka,ano daw Julyo?? Aha!
Ting! I have a bright idea.
Sinabi ko kay Sam na kantahin namin yung Lubi-lubi.Alam niyo ba yun ganito siya oh..Enero,Pebrero,Marso,Abril,Mayo,Hunyo,
Hulyo,.......basta yung kanta nayon,,kasi may Hulyo sa kanta eh,match sila sa sinabi kanina ni Sam na Julyo.
Eh basta bahala na kayo umintindi.
"Nice idea,huh!" Sabi naman ni Sam.
Pasalamat ka tinulungan kita kahit na labag sa kalooban ko.
Then ayun nga sabi Sam kantahin na namin yung Lubi-lubi.Nakikita ko namang parang napipikon na si Kuya Kian,nahahaha!,dahil nga sa naaasar na siya hinabol niya si Sam.Nagtakbuhan sila kahit saan.Ako naman pinapanood lang sila.Tapos tumakbo papunta dito si Sam hingal na hingal silang dalawa.
"Oy,ano pangalan ng kasama mo?"-hingal na tanong ni Kuya Kian
Oops!parang madadamay ata ako nito,paktay!Please bakla wag mo sabihin.Ayoko madamay.
"Ariane name niya,bakit?!" -sagot naman ni Sam.
Naku po nafe-feel ko na may mangyayaring world war 3,hahaha!OA masyado.Hetong bakla nato bungangera kasi.
"Aah,so Ariane pala ang pangalan mo..gusto mo--"
Bastos din tong bakla na to ah,tatanungin niya kung bakit tapos hindi rin pala pinatapos magsalita.
Hindi na natuloy ni Kuya yung sasabihin niya kasi naman bigla ako hinila ni Sam,dahilan para magtakbuhan kaming lahat.Para kaming mga bata na nagtatakbuhan kahit saan.
After that day I feel stranged! Hindi ko alam kung bakit.Kung ano ba tong nararamdaman ko.
Takte!damay lang ako dito.Ikaw naman kasi Ria bat kaba kasi sumama sa baklang yon.
Aish,para na akong baliw dito.
It's because of you Sam!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Tabtab,
Yung feeling na hindi mo alam kung anong dapat mong maramdaman.I'm so confused!.
~Ria
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: I need 5 Votes before the next UD.
Salamat:)
Ms. Bitter<3
YOU ARE READING
Diary ni Ms. Bitter
Short Story"I hate getting flashbacks from things I don't want to remember" -Ms. Bitter You must read.Based on true story! Don't forget to Vote & Comment. SALAMAT^_^
