Prologo

18.9K 485 32
                                    

ADRASTEIA

~This story is a work of fiction. The characters, names, scenes and places are pure imagination of the author. Any resemblance to actual person, living or dead is purely coincidental.

Genre: Paranormal

Credits: Thank you solitaric for the wonderful cover.

Written by: cgthreena

Date started: November 26, 2015

Date finished: May 05, 2017

-------------------------------

Prologo

Mabilis na naglalakad si Adrasteia o mas kilala bilang Dia upang iwasan ang lalaking kanina pa nangungulit sa kanya. Hindi na niya pinansin pa ang mga taong nababangga niya dahil sa pagnanais na makawala sa nilalang na ito.

"Adrasteia!" sigaw nito.

Napapikit siya dahil sa inis.

"Dia, okay? Dia!" sigaw niya habang mabilis pa rin ang lakad.

"Okay, fine. Dia!"

Hindi niya pa rin ito pinansin.

"Uso mag-excuse," inis na sambit ng nabangga ni Dia.

Natigilan naman si Dia at tinaasan ng kilay ang kanyang nabangga.

"Uh, excuse me. Masaya ka na?" aniya at saka ito inirapan at iniwan.

Nagmamadaling naglakad ulit si Dia ngunit hindi nakaligtas sa kanyang tainga ang paghingi ng pasensya ng lalaking ito sa babaeng nabangga niya. Napairap tuloy siya.

Malapit na siyang makalabas ng kanilang eskwelahan nang biglang may humawak ng kanyang braso at hinarap siya.

"Ano ba, Dentrix!" sigaw niya.

Lumingon muna sa buong paligid ang lalaki at nang napansing wala nang tao, nabuhayan siya ng loob sapagkat kung mayroon man, baka akalain ng mga ito na may kung ano siyang ginagawa sa babaeng ito dahil sa lakas nitong sumigaw.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo?"

Inirapan naman siya ni Dia.

"Wala akong panahong makipag-usap sa 'yo. Pwede ba, lubayan niyo ako!" sagot nito.

Napailing naman si Dentrix dahil sa inasta at sinagot nito.

"Bakit ba pilit mo kaming nilalayo sa 'yo?" seryosong tanong ni Dentrix dahil sa kuryosidad na bumalot na sa kanyang isip.

Sumeryoso naman ang mataray na mukha ni Dia.

"Kasi hindi ko kayo kailangan," seryoso niyang sagot.

Napakunot-noo naman si Dentrix dahil dito.

Tinalikuran na ni Dia si Dentrix at hindi naman siya pinigilan nito.

"Bakit?" tanong ni Dentrix nang makailang hakbang na si Dia.

Natigilan naman si Dia at dahan-dahan siyang humarap kay Dentrix. Tinignan niya ito sa mata nang napakaseryoso.

"Gusto mo malaman?"

Hindi naman sumagot si Dentrix at tumitig lang sa kanya.

"Hindi niyo ako maiintindihan dahil may mga nakikita akong hindi niyo nakikita. Nasagot ko na ba? Makaalis na ba ako? Please lang, lubayan mo na ako," ani Dia saka tumalikod na.

Bago pa man siya makahakbang ulit, pinigilan na siya ng binitawang salita ni Dentrix.

"But you are Adrasteia... It means inescapable. Therefore, you're unable to be avoided."

AdrasteiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon