Isang beses ko pang sinulyapan ang sarili ko bago napag pasyahang bumaba. Ang aking pang ponytail ay nasa palapulsuhan ko. Hindi ko pa maitatali ang buhok ko dahil basa pa.

Naabutan kong nag tatawanan si Mamita at Ian pag ka baba ko. Super close nila. Hindi nyo ba iyon nakikita? Tss.

Napansin ako ni Mamita kaya inaya nya na ako sa hapag kainan. Matamis parin ang ngiti sa akin ni Ian. Kaya isang malutong na 'FUCK YOU' ang nakuha nya sa akin. Mamita didn't mind. She's used to it, anyway. Pero syempre, alam ko parin ang mga limitasyon ko. I dont curse too much. Well. Still, it depends on the person I am talking to. Kagaya na lang nitong kurimaw na nasa harapan ko. Lahat na ng murang pwede kong sabihin ay nasasabi ko na sa kanya. Hindi na rin naman nya iyon pinapansin. Nasanay na rin siguro sa bunganga ko. Di ko rin naman sya masisisi.

Ian and I. We've been bestfriends since kindergarten. I think, we were 3 or 4 at that time. Mag kaibigan si Mamita at ang kanyang Lola kaya kapag bumibisita si Mamita sa bahay nila noon dati para makipag laro ng Majong ay lagi nya akong sinasama. It's good that I never got bored because Ian was always there to play with me. Though, kahit taliwas lagi ang ugali namin sa isa't isa. Pero sa huli, ako pa rin ang nananalo at wala syang nagagawa kundi ang makipag laro ng barbie dress up at luto-lutuan sa akin. I remember one time, halos pumutok lahat ng ugat ng daddy nya nang makita syang nag lalaro ng barbie kasama ako.

"Ariando! Why are you holding that thing?! That's only for girls! Not for you!" Sigaw ng kanyang dati sa kanya kaya agad nabitawan ni Ian ang barbie'ng hawak at tumayo para depensahan ang sarili.

"Dad, nag lalaro lang po kami ni Paulina! Natalo po kasi ako sa kanya kaya ito ang parusa ko." Nag mamakaawa na sya sa kanyang daddy kaya agad itong tumingin sa akin at tinanong kung nag sasabi ba sya ng totoo. Agad akong umiling, tinatago ang ngisi sa aking mga labi.

"No, tito. Hindi ko po sya nipilit na makipag play sa akin. Sa totoo nga po, sya talaga ang lumapit sa akin at nisabi nya na mag play daw kami ng barbie. Tapos sabi nya pa po, gusto nyang mag make-up. Pero wal--"

"No, dad! She's lying!" Pag pigil nya sa mga sinasabi ko at humarap na sa akin. Pero hindi pa rin ako natinag at pinag patuloy pa rin ang aking mga sinasabi.

"Pero hindi ko po dala yung kikay kit ko kaya sabi ko mag play na lang kami ng barbie. Kaya ayan po." Napayuko ako matapos ko iyong sabihin. I want to laugh. Hard. Pero pinigilan ko muna dahil baka mabuko ako ng daddy nya. Habang nakayuko ay kitang-kita ko kung paano kumuyom ang mga kamao nya.

"I'll let this one passed, Ariando. Next time I caught you playing these dolls, you're grounded." Ma authoridad na sabi ng kanyang daddy at umalis. Pag katapos umalis ng kanyang daddy ay saka palang ako tumingala at binelatan si Ian na umiiyak na.

"Gay."

Naramdaman ko ang mga braso ni Ian sa balikat ko. Inakbayan ako ng mokong habang nag lalakad kami dito sa Plaza. Natapos na kaming mag Jogging at nalibot na rin itong buong Plaza at ang kahabaan ng Imus Nueno. Balak ko pa nga sanang ikutin ang buong Imus kaso masakit na talaga ang mga binti ko.

"Tulala ka dyan?" Tanong nya habang nag pupunas ng pawis. Umiling ako at ngumisi.

"Nothing, Ariando." Pang-aasar ko. Matalim syang tumingin sa akin at halatang nainis sa pag tawag ko sa buong pangalan nya kaya hindi ko na napigilan ang pag tawa nang malakas. Malakas para maagaw ang atensyon ng ibang mga nakaupo sa mga bench dito sa plaza.

"Stop it, Pauline. Hindi nakakatuwa." Iritado nyang sagot at umupo don sa isang bench. Tumabi ako sa kanya habang nakangisi pa rin. Poor, Ariando.

"Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng ipangalan sa'yo ay Ariando pa? Pwede namang isunod na lang sa pangalan ng Daddy mo na Armando. Kaso masyadong old school. Kaya mas mabuti na ngang Ariando. May halong pag mamahal pa yon dahil combination ng pangalan ng Mommy at Daddy mo. Arianne + Armando= Ariando!" Hindi ko na naman napigilan ang pag tawa nang malakas. Halos mamilipit na ako sa katatawa samantalang sya ay nakabusangot pa rin ang mukha. Hah! Quits na tayo. Binulabog mo ako kaninang umaga, kaya ngayon ikaw naman ang aasarin ko.

Nakangisi pa rin ako habang kinakalma ang aking sarili nang mapadpad ang tingin ko sa tatlong taong nakaupo di kalayuan sa pwesto namin ni Ian.

Nawala ang ngisi ko at napalitan ng pag tataka. Pag tataka kung bakit sila mag kakasama. Sa bagay. Baka nag ka salubong lang silang tatlo kanina. Hindi naman siguro malabong mangyari iyon, diba?

Ipinag kibit balikat ko na lang ito at pinanuod na lang kung paano tumawa si Ms. Reyes habang ka kwentuhan si Matthew na hawak-hawak ang kamay ng nakabusangot na si Elise habang masayang nakikipag kwentuhan kay Ms. Reyes.

Ano kaya ang meron sa kanilang dalawa? I always caught them laughing while talking. Si Elise naman ay parang na o-out of place. Or baka masyado na akong nagiging malisyosong tao kaya kung ano-ano na ang nasa isip ko?

Na abutan ni Matthew ang pag titig ko sa kanilang tatlo kaya ako na ang unang nag iwas ng tingin. Masyadong mabibigat ang mga tingin nya sa akin kaya hindi ko nakayanan ang pag titig sa kanya ng patas.

"Let's go." Yaya sa akin ni Ian at umalis na doon sa plaza.

Lost LoveWhere stories live. Discover now