Kabanata 5

5 1 0
                                    

Kabanata 5

Isang malakas na tugtog ang gumising sa akin sabado nang umaga. Napabalikwas ako sa kama at agad na nasapo ang aking ulo. Shit. Bigla itong sumakit at bahagyang nag dilim ang aking paningin. Idagdag mo pa yung sakit ng katawan ko dulot ng training namin sa CADT kahapon. Damn the fucker who tuned that boombastic music up. Rack-shit. Agad kong tinignan ang digital clock sa aking bedside table.

"Wala pang alasyente! Dapat mapayapa pa akong natutulog ngayon!" Pag aalboroto ko at agad na humiga at nag takip ng unan sa mukha. Pero parang nananadya pa ang isang iyon dahil mas lalo nya pang nilakasan yung kanta!

"Arghhhhhh!" Sigaw ko at pinag hahagis lahat ng unan sa aking kama at saka ako tumayo, lumabas sa aking kwarto at nag papadyak na bumaba sa hagdanan. Kahit hirap sa pag lalakad dahil sobrang sakit talaga ng binti ko. 3 counts, 30 repitions na squat jumps ba naman ang ipagawa sayo, hindi kaya sasakit ang katawan mo? At Isang nag uumapaw na shout-out nga pala para kay CAPTAIN JAN MATTHEW SAULER na syang may pinaka mataas na Posisyon at Ranggo sa CADT at syang nag pahirap sa akin kahapon. Hindi ko naman kasalanan na ma-late ng TATLONG MINUTO! Tatlong minuto lang yon, pero halos mamatay na ako sa sobrang hirap at nakakapagod na PT.

"Oh, great! You're awake! Goodmorning!" Malaki ang ngiti ni Ian nang nakita ako na nakatayo sa harapan nya. At nagawa mo pang ngumisi ngayon, matapos mong bulabugin ang mahimbing kong tulog?!

Hindi ako natinag sa matamis nyang ngiti. Hindi mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo! Humagalpak sya sa tawa dahil sa nakikitang reaksyon ko. Mas lalo akong nainis at aambang susuntukin sya sa mukha kaso ay naharangan nya na kaagad ang mga kamay ko at tinulak iyon palayo sa kanya.

"Easy, easy!" Aniya at Tinaas ang dalawang kamay bilang pag suko.

"Hindi ako aso kaya huwag mo akong ma-easy-easy dyan!" Sigaw ko sa mukha nya. Biglang nangasim ang mukha nya at inipit ang kaniyang ilong.

"Nag toothbrush ka na ba? Hindi pa, noh? Malamang! Ang baho ng hininga mo eh!" Pang iinis nya at mas lalo pang tumawa! Hindi na ako nag salita dahil sa kahihiyan kahit alam ko namang hindi iyon ang totoo! Wala akong morning breath! Marunong akong mag toothbrush at wala akong mga bulok na ngipin kaya hindi ito mabaho!

"Oh, Paulina. Gising ka na pala..." Bati sa akin ni Lola nang lumabas sya galing kusina. Nakasuot pa sya ng Apron at halatang nag luluto. Pinasadahan nya ako ng tingin. Mula sa buhok kong alam kong magulo, sa mukhang alam kong naka busangot, hanggang sa damit kong naka loose shirt at PJ's pa. Tumaas ang kilay nya, "Go back to your room ang fix yourself, Andrea Pauline!" narinig kong humalakhak si Ian sa likuran ko kaya tinapunan ko ulit sya ng masamang tingin. Nakakamatay na tingin, to be exact. Nag-iwas sya ng tingin at ngumuso. Halatang nag pipigil ng tawa. Damn you, mister.

Umalis na ako sa harapan nila at dumiretso na sa kwarto para maka ligo. Pag kalabas ko sa banyo at kukuha na sana ng aking susuotin ay biglang tumunog yung phone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan ang caller. Tumaas ang kilay ko sa tumatawag. Ano na namang trip nitong taong toh?

Sinagot ko ang tawag habang namimili ng susuotin, "Oh? Problema mo?" Tanong ko sa abnormal na si Ian.

"Mamayang 8, pag katapos nating kumain, morning jog tayo. Mag bihis ka ng pang jogging. Bye." Aniya at binaba na ang tawag. Aksayado sa load. Nasa iisang bahay lang naman kami at Pwede nya namang katukin na lang ako dito sa kwarto. Ibang klase naman talaga.

Jogger pants, Racer back at running shoes. Humarap ako sa aking salamin matapos kong tignan ang aking suot. This will fit. Morning jog lang naman. Well, kung nasa mood lang siguro ako, baka ayain ko pa si Ian mag stroll sa park. Pero dahil sinira nya ang umagang kay ganda ko, Hanggang Jogging nalang muna kami ngayon. At isa pa, masakit na rin ang mga hita ko.

Lost LoveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα