3. She has a memory of a 150yr old person.

159K 2.3K 195
                                    

- 3 -
She has a memory of a 150yr old person.
 

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

"Things happen for a reason.
No one knows what reason.
But yeah, if you think the reason's good then it's good."

- Anonymous 

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx




"Aaaah! Ang aga aga! Sino ba yang natawag na yan!" nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko, napatingin ako sa bedside clock ko at 6am pa lang! Aggh! Ang aga talaga!

Inabot ko na yung cellphone ko para matigil na ang maingay nitong pagtunog, "Hello?! Sino ka ba?! Ang aga aga mong mambulabog!"

"Goodmorning LSS!"

"Huh? LSS? Hindi yun ang pangalan ko, sorry wrong number ka." ini-end ko na yung call at bumalik na ulit sa tulog. Antok na antok pa ako eh.




♪♪As much as I love you
As much as I need you♪♪


Uggh! Tumutunog nanaman ulit sya. 


"Hello?!"

"Ang hilig mo talaga akong babaan ng telepono, LSS."

"What do you mean? I'm not LSS. I think you really got the wrong number, look miss you are disturbing my sleep so please don't try to call again."

"Ah! Now I get it, sleepy ka pa pala LSS kaya hindi mo ako nabobosesan." ;D

"Teka..." medyo nawawala na yung antok ko at natatauhan na ako at nakikilala ko na ang may-ari ng boses ng taong umagang umagang nangiistorbo sakin.

"Kilala mo na ako LSS?"  8)

"Oo. And quit calling me LSS. Bakit ba LSS?!"

"LSS. Last Song Syndrome, duh! Alam mo kasi nung pagkatapos mong kantahin yung "In my head" sa karaoke, grabe nastuck na sya sa head ko, as in super na-LSS ako sa kanta mo. Ang ganda kasi ng boses mo, ayaw ng maalis sa isip ko."

"I know, maganda talaga boses ko. So ano, crush mo na ako? Mag-co-confess ka na?" alam ko namang may crush sya sakin eh kaya aasarin ko sya. >:D

"H-ha? H-hindi ah. Ang k-kapal mo!" hahaha! Nice! Nauutal sya. Mwahaha. Akala mo ngayon ha. Alam ko na kung paano ka mapapatameme. >:D

"Mwahaha. Eh bakit ka nauutal? Crush mo siguro talaga ako noh?"

"Shut up!"



Pagkatapos nun, narinig ko na lang ang isang "click" at naputol na ang call.

O diba? Effective. ;D


Makakabalik na rin ako sa aking pagtulog.




xxx-xxx


"Hey!" I'm sure I saw that girl in this crowd.

Argh. Andaming tao.

"Hey, wait up!" ano ba! Why does she keep on walking and ignoring me! Sinubukan kong habulin sya pero it's impossible na mahabol ko sya sa ganto kasikip at kadaming tao. 


"Excuse me. Excuse me, makikiraan po." sabi ko habang nagpupumilit dumaan sa maraming tao. Malapit na ako sa kanya, konti na lang...


"Hey!" lumingon sya sakin tapos ngumiti, iniabot ko yung kamay ko sa kanya, "Halika na!"


Iniabot nya yung kamay nya sakin kaso bakit parang... lumalayo sya?


Lumapit pa ako para maabot pa ang kamay nya kaso bakit ganun, kahit anong lapit ang gawin ko hindi ko talaga maabot ang kamay nya?




She's drifting away from me....







*BOOGSH*



"Aray!" shet. Ansakit nalaglag ako sa kama. Tae, panaginip lang pala. Teka... Hanggang sa panaginip ba naman iniistorbo ako nung babaeng yun? Tae naman oh.




Kinuha ko yung cellphone ko, nakita ko may 5messages.

Puro gm's lang sya tapos yung isa, anonymous number which I'm sure na it's that girl's number. Sino pa bang anonymous number ang mangiistorbo saking cellphone?  ::)



From: +63900000000

LSS!


Wala. Yun lang yung message nya. LSS, ang kulet talaga nya. Giving me names and such. Sigh.


To: +63900000000
Wht?!

Nagreply ako habang bumaba na ako papuntang kusina para mag-umagahan. Mag-isa nga lang pala ako sa bahay, wala sina mama at papa buong christmas vacation. Nasa Hong Kong sila, may business tapos magvavacation na rin sila. Hindi ako nagtatampo or what dahil naiwan ako dito sa Pinas, infact natutuwa nga ako kasi mapapag-isa ako sa bahay. I can do anything I want. Mwahahaha. 


From: +63900000000

Mmm... Nu gngwa mo?

LOL. What a question. Yan na ba usong topic ngayon sa text? Sorry, tuwing may katext kasi ako laging yan yung mga questions. Kamusta, nu gawa mo, sino katext mo. Err. Boring.

Pero dahil wala akong magawa, nireplyan ko na lang din.

To: +63900000000

wla


Kumuha na ako ng cereal sa may cabinet at nilagyan na ang mug kong may gatas. 


From: +63900000000

Ahh... ganun ba... Mmm... bakit wala kang ginagawa? Nagbreakfast ka na ba?


To: +6390000000
La lng. Yea.


From: +6390000000
Antipid mo nmn magtext. 


From: +639000000
Sa matipid eh.


Hindi na sya nagreply after nun. Naubusan din ng sasabihin, salamat naman. 





Pagkatapos kong magalmusal, pumunta ako sa sala at nanuod ng tv. Maya maya nagsawa na ako manuod ng tv, dinial ko number ni Brent para yayain magbasketball or gumimik or something dahil nabobored na ako sa bahay.


"O dude napatawag ka?"

"Ah, pre, tara basketball tayo."

"Nako pre, ngayon? Hindi ako pede. May date kami ngayon ni Anya. Pasensya na pre ah, next time na lang ha."


Badterp, hindi pede si Brent. Tinry ko sina Steve o Carl kaso... wala din eh. Mga may plano na sila. Malas.


Ano ba pedeng gawin? Ughh. Nabobored na ako dito sa bahay.


Ini-scroll ko lahat ng numbers sa phonebook ko... Wala akong makitang pedeng tawagan at yayaing gumimik. Merong iba akong tinry pang tawagan pero puro may mga plano na sila, anobayan.



Hmm.... That girl kaya?



Tama. Para matapos na rin yang requirement naming yan.



Calling +639000000...



Isang ring pa lang, may sumagot na kaagad! Kadikit nya ba lagi cellphone nya?! Grabe.



"Uy! Himala tumawag ka!"

"Ah. Wala kasing magawa eh. May gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman. Bakit?"

"Wala. Tara tapusin na natin yung requirement."

"Sige ba! Saan tayo?"

"Ewan. Saan ba pede?"

"Gusto mo sa mall ulit?"

"Ano ba pede gawin sa mall?"

"Shopping?"

"Boring."

"Arcades?"

"Ka-ka-arcades lang natin kahapon."

"Kumain?"

"Syempre, kakain pero beside dun? Alangang kumain buong araw sa mall?"

"Umm... Manuod ng sine?"

"Pede na. Sige nuod na lang tayong sine."

"What time?"

"1pm, dun na lang tayo magmeet sa may tapat ng sinehan."

"Wait. Are you asking me for a date?"



"WHAT?!"

"Wala. Joke lang. Sige, kita na lang tayo maya. Bye." tapos ini-end na nya yung call.


Date? Date nya mukha nya. Like I'd ask her out.





Teka... I just asked her out. huh?  (?__? )



12:40pm.



Andito na ako sa may tapat ng sinehan. 20minutes earlier ako. Hindi ako excited ah! Early bird lang talaga ako! 



1:00pm


Wala pa sya. Baka parating na yun.



1:20pm


20minutes na nakakalipas ha! She's late. :\


1:40pm


Ang usapan 1pm, anong oras na?! 1:40pm na! Oo alam ko, girls usually play the V.I.P. part at nagpapalate sila pero hindi naman gantong sobrang late! 


Kinuha ko yung cellphone ko at dinial ang number nya.


"H-hello!"

"Anong oras na sa tingin mo ha?"

"Hala. Sorry, I'm on my way na. Nakalimutan ko kasing may date nga pala tayo ng 1pm."

"ANO?! NAKALIMUTAN MO? AT ANONG DATE? HINDI 'TO DATE."

"Sorry talaga. Paparating na ako, mga 10minutes na lang."



Tsss. Ano ba naman. 


1:53pm


"Hala! Sorry late ako!" dumating na sya at hapong hapo sya. Yung buhok nyang nakalugay medyo magulo, halata mong tumakbo 'to. 


Pero she looks nice ngayon. Naka-dark pink sleeveless top tapos nakapinkshort na may white ribbon strings sa bawat tabi ng short at may black belt sya. Tapos nakaconverse shoes sya.

"Tss. Tama ba namang makalimutan?!"

"Sorry talaga. Promise sa susunod na date hindi na ako malelate."

"Anong date?! Hindi nga 'to date!"

"Whatever."  ::) tss. Feelingera talaga 'tong babaeng 'to. Date daw, mukha nya. 

"Tara na, maghanap na tayo ng panunuorin." tumalikod na ako sa kanya para magdiretso na sa mga movie posters.

"Wait. Hindi mo man lang ba papansinin ang suot ko?" 

"Panget." sabi ko ng hindi man lang sya nililingon. 

Oo. Alam ko sabi ko kanina lang na ang nice ng suot nya pero ayokong sabihin yun, baka lalo pang lumaki ulo nyang babaeng yan at lalo pang isiping nagde-date talaga kami. As if.

"Naman eh. Panget ba talaga? Baduy ba?" sabi nya habang naglalakad na kami papunta sa mga movie posters.

"Oo."

"Ganun ba. Ano ba dito ang panget? Hindi ba bagay sakin ang pink?"

"Ano ba panunuorin natin?" hindi ko pinansin ang tanong nya at tinanong ko na lang sya ng kung anong papanuorin namin kasi hindi ko naman talaga alam kung anong magandang panuorin.

"O hindi ba bagay yung converse? Dapat ba nagsandals na lang ako?" hindi nya rin pinansin yung tanong ko at busyng busy sya sa paghahanap ng side defects sa kanyang suot.

"Basta panget. O pumili ka na ng papanuorin natin."

"Alin bang banda ang panget? Hindi ba bagay yung belt?"



"Ano ba, oo na joke lang hindi panget. Maganda suot mo, bagay sayo. Masaya ka na? Ngayon pumili ka na ng papanuorin!" nakakaasar na eh, kanina pa syang conscious na conscious sa suot nya. Wala ng ginawa kundi pansinin ang suot nya. :\

"Talaga? Yehey!" at bigla naman syang sumaya, tss. Ambabaw. "Ito panuorin natin, yang New Moon!" (A/N: sorry luma na 'tong story eh, panahon pa ng showing ng new moon ng isulat ko ito. haha. >_> XD)


At yun na nga ang pinanuod namin. Bumili kami ng isang malaking popcorn at dalwang softdrinks.


Syempre, hindi ako nagbayad. Hati kami sa bayad. Aba, bakit ako magbabayad? Sinabi ko bang date 'to? Nandito lang kami for the requirement. 


Sa may bandang gitna sa taas kami naupo. Hindi pa naman nagsisimula yung palabas, mga commercials and movie trailers pa lang ang pinapakita.

"Excited na ako. Alam mo bang favorite ko 'tong twilight saga? Sinubaybayan ko 'to mula pa lang sa libro."

"Ah." yun lang sinabi ko. I'm not actually interested with these things. Romance, yuck. I'd rather watch horror kaso hindi na yun ang pinili ko dahil baka mamaya mamatay pa sa takot 'tong kasama ko, makulong pa ako. Kaya sya na lang pinapili ko ng panunuorin at tama nga hinala ko, romance nga pipiliin. Girls, psh.  >_>



"Ayan na, magsisimula na." 



Nanunuod na kami nitong New Moon at sobrang nabobored na ako pero itong katabi ko halatang hyped na hyped sa pinanunuod namin. Sobrang tutok na tutok. Ano bang nakaka-addict dito sa twilight saga at andaming na-o-obsess na mga babae dito? Ang boring naman eh, walang ginawa kundi dumaldal ng dumaldal. Wala namang ginawa yung leading man dito kundi magpacute ng magpacute, ewan ko ba kung bakit andami din nababaliw dyan sa Edward Cullen na yan, mas pogi pa ako dyan eh.


Tapos ito namang babaeng lead, parang tanga, laging nadadapa. Tss.


"AHHHH!" nung biglang lumabas na sa scene si Jacob Black na lagi namang nakahubo't hubad, nagtilian ang mga babae kasama na 'tong katabi ko. (A/N: haha. hindi po ako against sa twilight, I'm actually a fan(well nung book) kaya wag po sanang mamasamain ng mga twi fans. :3)


Kumapit sya sa t-shirt ko, "Ampogi ni Jacob Black! Tignan mo ang hot! Andaming abs! OMG. OMG."

Hindi ko na lang pinansin. Mga babae talaga, parang abs lang? So what?


"Slurp." naririnig kong hinihigop nya pa yung softdrinks nya na halatang ubos na.

"Oy, wag mo ng piliting inumin yan, wala na yang laman."

"Eh nauuhaw pa ako eh."


"Oh." inabot ko sa kanya yung softdrinks ko.

"Ok lang sayo?"

"Oo, kaya nga inaabot ko sayo diba?" common sense naman oh. 

"Thank you." inabot nya yun pero napansin ko hindi pa sya agad umiinom, tinitigan nya muna yung straw nung softdrink ko tapos... teka... bakit parang nagbablush sya? Medyo kita ko pa kasi mukha nya gawa ng liwanag ng screen. 


Tapos nakita ko umiling sya at hinawakan na yung straw at uminom dun. Tapos nakangiti yung lips nya habang nainom sya sa softdrink ko. 


Nung matapos syang uminom binalik nya na sakin, "Thanks."

"Hindi ka na uhaw?"

"Hindi na." :) errr.. ang weird talaga nung inakto nya kanina. Ano kaya yun?  ???



Maya maya...


"Naiihi ako."

"Ha? Teka, nasa labas pa yung c.r. eh. Ihing ihi ka na ba?"

"Oo eh. Hindi ko na talaga kaya eh. Ihing ihi na ako as in sasabog na."

"Ah ganun ba, teka, samahan na kita."

"Hindi na, ako na lang. Saglit lang 'to, babalik agad ako. Pahawak ng cellphone ko at gamit ko."inihabilin nya sakin yung cellphone at gamit nya at lumabas na sya ng sinehan para magbanyo.




Lumipas na ang 20minutes, wala pa din sya. Ano naman nangyari dun? Mahaba pila sa banyo? Kung ganun nga, anlabo pa din na magtatagal sya ng 20minutes.




30minutes later...


Aba! Asan na yun! 


Tumayo na ako at lumabas ng sinehan. Pumunta ako sa banyo at sinubukan kong mag-antay saglit sa may tapat ng girl's room.


"Miss, excuse." sabi ko dun sa isang babaeng lumabas sa girl's room. "May nakita ka ba dyan sa loob na babaeng ganto katangkad," dinemonstrate ko kung gano sya katangkad, "May bangs sa unahan tapos medyo wavy yung buhok na nakapink sleeveless tank at pink short na nakablack belt, tapos naka-converse shoes?"

"Ah, wala eh. Wala namang tao dyan sa loob eh."

"Ah ganon ba, thanks."



Eh asan yun? Hindi ko naman matawagan, nasa akin yung cellphone nya eh. Argh.


Ang ginawa ko nag-antay na lang ako sa may labasan ng sinehan.


After 15minutes.



"Sa wakas! Nakita din kita!"

"Ano ba? Saan ka ba nagpunta?!"

"Eh sa banyo nga kaso nung natapos ako... nakalimutan ko kung saang cinema room tayo. Dalwa kasing cinema room ang may showing ng new moon eh, nakalimutan ko kung anong room. Parehas kong pinasok, kaso nakalimutan ko rin kung saan banda tayo nakaupo." >___<

"Ano?! Napaka malilimutin mo naman! Oh eto gamit mo," inabot ko na sa kanya ang mga gamit nya pati cellphone nya, "Tapos na yung palabas. Anong gagawin natin ngayon?"

"Umm...  Tara muna sa isang store, may bibilhin lang ako." pumunta kami sa isang shop dun sa mall, puro mga cute stuffs ang andun, mga bears icons.

May kinuha sya dung isang bear wallet at dinala sa counter para bayaran pero habang nasa counter napansin kong tinitignan nya yung isang  bear necklace dun sa may glass ng counter. 

"250 ma'am." binayaran na nya yun at umalis na kami.



"Mukhang gustong gusto mo yung necklace dun sa may counter ah, bakit hindi mo binili?"

"I can't." 

"Bakit naman?"

"Ang mahal eh. Alam mo bang 1500 ang halaga nun? Gusto ko man syang pag-ipunan at bilhin, nanghihinayang ako. Sayang yung 1500, maraming bagay akong mapag-gagamitan nun kaya hindi ko binibili yung necklace na yun. Hanggang tingin lang ako."  ;D


Tumatawa sya pero halata namang nanghihinayang talaga sya, mukha kasing gustong gusto nya talaga yun eh.


Mga 8pm, napagisipan na naming kumain. Aba, nagugutom din naman kami nuh.  ;D


Kumain kami sa Greenwich, umorder lang kami ng malaking pizza at nagshare na lang kami dun.


"Lagyan natin ng hot sauce." pagyayaya nya.

"Wait. Wait. Ayoko."

"Bakit naman? Hindi masarap ang pizza without hot sauce."

"Hindi ako mahilig sa mahanghang eh. Kung gusto mo, yung parte mo na lang ang lagyan mo."

"Naman eh. KJ." at yun nga ginawa nya, nilagyan nya lang yung part nya at nung nakakarami na sya....



"Tubig!" kinuha nya yung baso nya ng sprite at ininom lahat ng laman nun pero mukhang naaanghangan pa rin sya.


"Oh eto, inumin mo na rin yung akin. Yan kasi eh, lakas ng loob mong maghot sauce." kinuha nya yung inabot kong baso at ininum rin yun.

"Ang anghang pa rin, ayaw maalis sa dila ko." medyo naluluha na nyang sabi, pulang pula na yung mukha nya.

"Hahahahaha!" wala akong nagawa kundi tumawa.

"Ano ba, bakit mo ba ako pinagtatawanan. Naaanghangan na nga ako dito eh." sabi nya habang pinapaypayan nya ng kamay nya ang dila nyang nakalabas.

"Hahahaha. Nakakatawa kasi itsura mo eh, hahahaha! O sige, ito o may candy ako dito para mawala yang anghang mo." inabutan ko sya ng candy habang tumatawa. Grabe, ang dami kong tawa sa babaeng 'to. Ang kulet talaga. :"D


Umuwi na rin kami pagkatapos. Kalalapat pa lang ng pwet ko sa sofa ko ng tumunog na agad yung cellphone ko.



Anonymous number. Sya nanaman 'to.


"Oh?"

"Uy, nasa iyo ba yung binili kong wallet?"

"Ha? Wala ah. Bakit?"

"Wala sakin eh, wala sa bag ko. Naiwan ko ata sa mall."

"Ha?!! Saan sa mall?!"

"Ewan ko. Baka dun sa Greenwich. Anong gagawin ko?" nahalata kong lumungkot yung boses nya. Antanga naman kasi nito oh, masyadong malilimutin.

"Eh kung sa Greenwich mo nga naiwanan, nako malamang wala na yun. Andaming taong nakain dun, baka may nakapulot na nun."

"Sabagay. Nakakainis naman kasi sarili ko eh, napakamalilimutin ko. Sayang naman yun. Haaay."halatang halata sa boses nya ang lungkot, panghihinayang at inis sa sarili.


Sabagay, kabibili lang nya nun at mukhang gustong gusto nya din yung wallet na yun. Aba, 250 din yun.

"Wala ng magagawa. Sa susunod na lang, tandaan mo lagi mga dala mong gamit."

"Ganun na nga, o sige. Salamat, bye." matamlay nyang sabi sabay baba ng telepono.











Haaaay. Number 3: She has a memory of a 150 year old person.




Tumayo na ako sa sofa at lumabas ng pinto. Bukas pa naman siguro ang Greenwich.

That Girl 1 & 2Where stories live. Discover now