E

1.3K 63 3
                                    

Tumakbo ng tumakbo sila Ken at Mika habang si Nadine na naglalakad para sundan ang dalawa. Tumingin sila sa direksyon ni Nadine at naglalakad lang to nang dahan dahan,Nagpasikot sikot sila para maligaw si Nadine. Pumasok sila sa tagong bahay at nagtago sa likod ng sofa.



" Ken ayoko na. Gusto ko na makaalis sa demonyong lugar nato. Sana masamang panaginip lang to na pag takot na takot na ako ay magigising ako " Naiiyak na sabi ni Mika.



" Makakaalis din tayo dito Mika,pina'pangako ko " Sabi ni Ken at pinapatahan ang kasintahan.



Humihikbi lang ng humihikbi si Mika,Si Ken naman na nanalangin sa diyos na makaligtas sila sa masalamuot na lugar.



May bigla silang narinig na tunog. Umusog sila para magtago lalo. Nilagay ni Ken ang daliri sa bibig ni Mika. Sumilip si Ken para tingnan kung may tao pero wala.



Ninenerbyos si Mika,gustuhin man sumigaw ay tinakpan niya na lang ang bibig niya.



Sunod ay may narinig silang may kumakalampag na bagay. Hinanap nila kung saan ito nanggagaling nang mawala ang tunog.



Tumahimik muli ang lugar,nagmamasidmasid lang si Ken sa paligid. Nakaramdam siyang may dumaan sa likod nila pero pag tingin niya nawala na.



Inikot niya ang paningin muli sa paligid at may nakita na may nakasilip na bata sa hagdanan na mukhang galit,nakaarko ang kilay at nakabusangot habang may hawak na teddy bear.



" Mamatay kayo! " Sabi nang bata at umalis



Natulala lang si Ken sa nakita, Isang bata.



" Ke-Ken,Nakita mo yumg bata? " Ninenerbyos na tanong ni Mika



Tumango lang ito



" Umalis na tayo dito Ken " Bulong ni Mika



May narinig silang yapak ng paa,tumahimik si Mika. Tumingin si Ken sa kaliwa ng sofa,wala. Tumingin sa kabila at wala din. Pagkatingin niya sa itaas nakita niya ang kaibigan niya,ang kaibigan nilang papatay sa kanila na nakangiti at may hawak na shotgun.



Napasigaw si Mika nang makita na si Nadine.



" Nadine wag mong gawin to " Pagmamakaawa nito pero biglang hinampas si Ken ng baril.



" Nadinee! Wag! Please! Maawa ka! " Maiyak iyak na pagmamakaawa ni Mika



Napalumpasay si Ken sa sahig sa lakas nang paghampas,tinatayo siya ni mika sa pagkakahiga. Nang makabangon ay binaril sa paa si Ken. Nagmamakaawa si Mika kay Nadine pero hindi siya nito pinapansin. Hinawakan niya si Ken sa kamay at hinila ito pa takbo palabas. Sa pagtakbo nila ay pagtama ng kung saan saan ng bala,nang matamaan muli si Ken sa likod.



" Tumakbo kana Mika! Iligtas mo ang sarili mo " Sabi ni Ken nang nanghihina



Naguluhan si Mika sa gagawin,nang makapagdesisyon ,ay tumakbo na ito palabas,magisa habang bumabagsak ang buhos ng ulan at pagbuhos ng kaniyang mga luha. Naisip niyang mamatay silang dalawa kung hindi aalis. Panay ang iyak at hagulgol ni Mika sa bawat hakbang ng paa palayo sa kasintahan. Mahirap makita ang minamahal mo na sinasaktan sa harap mo at wala kang magawa.



Takbo lang ng takbo si Mika nang makita niya na ang dalawang niyang kaibigan,sila Hendrix at Khei.



Nang makalapit ito ay hinabol nito ang hininga. Iniipon ang boses para makapagsalita.



" Pa-Patay na' sila " Putol putol na sabi ni Mika



" A-ano Mika? " Pagpapaulit ni Khei



" Wala na sila,Patay na " Diretsong nasabi ni Mika



" God! Paano nangyari sa atin to? This is my fault " Pagsisi ni Hendrix sa sarili



" Pinatay ni Nadine sila Xander at Victoria,at ngayon si-si Ken " Paglalahad ni Mika at napaluha sa huling salita na binigkas. Ken.



" Huh? Pinatay ni Nadine? " Tanong ni Hendrix



" May sumasanib sa kanya " Tugon ni Mika



" Hendrix siguro kailangan na natin talaga magmadali at mahanap sila Grey at Ezekiel,Cea nang makatakas na dito " Sabi ni Khei



Nakita nila sa malayo ang dalawang bulto ng katawan papunta sa lugar nila.



" Hendrix nakakita na kami ng gas! " Sigaw ni Elmira habang buhat-buhat nila ni Hendrix ang gas.



Pumunta silang tatlo sa dalawa.



" Bilisan na natin Mira! Kailangan na natin makapunta sa sasakyan. " Sabi ni Khei at tinulungan ang dalawang kaibigan



" Paano sila Ezekiel at Cea? " Tanong ni Hendrix



" Ang gulo. Paano nga pala sila " Saad ni Khei



" Patay narin ata sila Hendrix " Sabi ni Mika



" Teka A-anong nangyayari? " Tanong ni Elmira



" Patay na ang mga kaibigan natin " Sagot ni Hendrix

------
May pasok na bukas ≥﹏≤ . Isang chapter nalang at Epilogue na :)). Magtatapos na sembreak sa amin dito hindi padin haha Ge.

Vote and Comment!

Sinister (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon