I

2.5K 96 10
                                    

Alas tres na ng hapon at nasa meeting place na ang iba,sa tapat ng mini stop. Nasa Van na ang ilan. Sila Hendrix,Khei,Ezekiel,Cea,Xander,Victoria,Grey,Elmira,Ken at Mica. Tanging iniintay nalang ay sila Liam at Nadine na magkasintahan.



" Excited na ako! " Sabi ni Cea habang nakaupo sa Gilid nang gitnang row ng upuan at katabi ang boyfriend na si Ezekiel at yinayakap



" Ako din! " Sabi ni Victoria habang kinakalikot ang iphone na katabi si Ezekiel sa kaliwa at sa kanan ay ang kanyang boyfriend namang si Xander



Sa likod namang upuan ay sina Grey at Elmira na nagshashare sa earphones at sila Ken at Mika na kumakain ng Pringles. Sa unahan ay si Hendrix na nasa Drivers seat at sa kabilang upuan ay si Khei.



Nakita na nilang parating sina Liam at Nadine na magkahawak ang kamay. Nang nasa tapat na ng Van ay binuksan ni Xander ang pintuan at pumasok ang dalawa.



" Sorry Guys. Natraffic " Sabi ni Liam



" Ok lang. Doon kana sa likod Liam at ikaw Nadine dito sa gitnang row katabi ni Xander " Sabi ni Hendrix



Nagsipuntahan sila sa kanilang seat at umupo.



" Ok na lahat? " Tanong ni khei at lumingon patalikod



Nag thumbs up nalang ang iba bilang pagsangayon. May kanya kanyang business na ang lahat.



" Ok! Lets go " Sabi ni Hendrix at pinaandar ang makina at nagdrive na.



Kinuha ni Hendrix sa dashboard ang libro,kinuha ang mapa at tiningnan para malaman ang direksyon na dadaanan. Binalik niya ang libro sa dashboard. Tanging mapa nalang ang hawak niya habang nagdridrive.



Lumipas ang isang oras at kalahate ay nasa kalagitnaan palang sila ng byahe. Kumukulimlim ang ulap. Nagbabadya ng pagulan.



" Malapit na ba tayo? " Tanong ni Victoria.



" Kaya nga? " Tanong ni Ken



" Ewan ko lang. Siguro? Konti nalang Guys. Natraffic kasi tayo kanina,Alam niyo naman. Mga pumupunta sa probinsya para sa sa undas " Sagot ni Hendrix habang pinagmamasdan ang Mapang daan sa sinister



" Sino gusto ng chichirya? Para malibang libang tayo sa biyahe " Tanong ni Nadine at pinakita ang plastic bag ng junk foods



" Ako Nads " Tugon ni Ezekiel



Inabot ni Nadine ang plastic bag. Kumuha si Ezekiel at pinasa sa ibang may gusto. Nagsisikwentuhan at kainan ang mga isa't isa. Si Hendrix na sinusubuan ni Khei ng pagkain habang nagdridrive. Sila Ezekiel at Cea na nagkwekwentuhan at kumakain. Sila Xander at Victoria na nagkukulitan. Si Elmira na nakatanday ang ulo sa braso ni Grey habang nagsosoundtrip silang dalawa. Sila Ken at Mika na naglalaro ng Clash Of Clan sa cellphone. Si Liam na kinukulit ang kasintahan na si Nadine.



" Teka lang Drix! Tanungin natin si kuya! " Sabi ni Khei habang tinuturo ang lalaki na nasa gilid ng kalsada.



Tinigil ni Hendrix ang sasakyan sa tapat ng lalaking nakahood na jacket. Binaba ni Khei ang bintana ng sasakyan.



" Kuya, Saan po ang daan papuntang Sinister Homes? " Tanong ni Khei



" Diretsuhin niyo lang yan. May makikita kayong dalawang daan,Kumanan kayo at diretsuhin lang iyon. Doon na yun " Sagot ng lalaki sa malalim na boses na naka'hood na jacket



" Ah,Salamat po " Tugon ni Khei at tinaas ang bintana ng sasakyan



" Ano daw sabi? " Tanong ng kanyang mga kaibigan



" Diretso lang daw at pag may nakita daw tayo na dalawang daan ay puma'Kanan daw tayo at doon na daw iyon " Sagot ni Khei



" Ahh " Sagot ni Hendrix



Diniretso niya ang daan at may nakita silang dalawang daan.



" Ito na ata yun " Sabi ni Hendrix



" Kumanan ka Bro " Sabi ni Xander



" Sige " Sagot ni Hendrix at dumaan sa kanan na daan at dineretso



Ma'puno at ma'damo na sa dinadaan nila. Masikip nadin ang daan.



" Malapit na? " Tanong ni Elmira



" Konti nalang " Sagot ni Khei



" Ang Creepy naman. Puro Matataas na puno at damo ang gilid ng kalsada " Sabi ni Cea habang tinitingnan ang gilid ng kalsada



" Kaya nga? Is this really the way? Parang bundok o gubat ang pupuntahan natin nito e " Saad ni Victoria



" Kalma lang Babe,Malapit na tayo " Pag'aalo ni Xander sa kasintahang si Victoria



" May gateway guys oh! Yan na ata papunta doon " Sabi ni Hendrix



Napatingin sila sa Gateway na may Guard sa gilid. Nang nasa tapat na sila ay nilapitan sila ng guard. Binaba ni Hendrix ang salamin.



" Kuya,Daan po to papuntang Sinister Homes? " Tanong ni Hendrix



" Oo,Diretsuhin niyo na lang at yun na yun " Sagot ng Guard



" Ok po, Salamat " Tugon ni Hendrix at binaba ang salamin



Tinaas ng Guard ang barrier. Pinaandar ni Hendrix ang sasakyan.



" Thanks God! " Sabi ni Mika at napasapo sa noo



" Ang tagal ng biniyahe natin ah " Saad ni Grey



" Kaya nga e " Sagot ni Hendrix



Nang makalagpas na sila sa gateway ay umukit ang ngiting demonyo sa labi ng Guard.



" Welcome To Sinister " Minungkahi ng guard at tumawa ng parang baliw



---A/N---



Magsisimula na ang katakutan. Enjoy lang tayo haha. Vote and Comment po Guys.

Sinister (COMPLETE)Where stories live. Discover now