Chapter nine

2 0 0
                                        

Nasa kalagitnaan na ako ng aking movie na pinapanuod ng may marinig akong pamilyar na boses. Una deadma lang ako pero hindi pa din ito tumitigil sa pag tatao po. Sinilip ko sa bintana at nagulat ako ng makita si Johann pala ang taong kanina pa na nag tatao po. Parang naging masaya ang mood ko bigla bakit siya naandito? kanina lang parang wala siyang nakita na ako ngayon ito na siya sa harap ng bahay. Hihihi... wag muna maya maya ng kunti ako lalabas pa hard to get muna ako ano siya hilo? Naguguilty siguro sa nagawa niya lalo kung natutuwa.

teka paalis na siya kaya naman binuksan ko na ang pinto. Kunwari galit galitan lang.
Oh! Bakit tawag ka ng tawag may kailangan ka ba? tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang makita kung safe kang nakauwi at gusto ko din lang humingi ng sorry kanina. May nangyari lamg kase na hindi maganda kaninang umaga kaya iba ang naging pakikitungo ko sayo".

Hindi mo naman kailangan mag paliwanag.Classmate lang tayo at walang namamagitan sa atin para magpaliwanag ka. Kung wala ka sa mood e di ok! Wala din ako sa mood pasensiya kana. Papasok na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay.

"Classmate? Hindi pa ba tayo mag kaibigan? aniya ni Johann".

Wala ka naman sinasabi na gusto mo akong maging kaibigan ah.Hindi sinasadyang nag kakasabay lamang tayo sa pag uwi at ayokong maging assumera na kaibigan na kagad ang turing mo sa akin.

"Gusto kitang maging kaibigan ang tanong ganoon ka din ba? Walang problema naman sa akin isipin mong kaibigan mo na ako at hindi ko iniisip na assumera ka. At ayoko na sa kaibigan lang tayo titigil".

lupa lamunin mo ako. Gusto kung kiligin kaso nasa harapan ko pa din siya. Ayokong ipakita na affected ako sa linyada niyang binitiwan. "at ayoko na sa kaibigan lang tayo titigil".

Mahirap akong mag tiwala kaagad sa tao dahil na din sa mga pinagdaanan ko na grabe lang dati na hindi ko na matandaan at naikwento na lang ni Mama. Pero buhat ng makilala ko si Johann hinding hindi ako nag dalawang isip na may masama siyang hangarin sa akin ang pakiramdam ko safe ako kapag andiyan siya. Hindi siya mahirap magustuhan o mahalin din. Ano ba itong iniisip ko pag mamahalan na kaagad eh nagsosorry lang yun tao kung saan-saan na napunta ang usapan.

ah eh.. pasok na ako Johann nakasalang pa niluluto ko kahit wala naman talaga akong niluluto...pagpapalusot ko nalang dahil baka ano mang oras kapag hindi pa ako umalis sa eksena na iyon ay mapa Oo ako sa sobrang kakiligan ay mag kasyota na ko kagad. Binitiwan na niya ang kamay kung hawak niya at ang huli na lamang na salitang narinig ko sa kanya "Iingatan kita".

Nag group video call ako sa skype. Syempre sino pa ang kakausapin ko kundi ang dalawa kung malalapit na kaibigan.
oh! Biglaan naman ata ang pag papatawag mo sa amin girla? Anong ganap? aniya ni Jam

Oo nga parang hindi na makakapag antay yan bukas ah sabat ni Meanne.

Paano nag punta dito si Johann na kanina lamg ay parang hindi ako kilala. Humingi siya ng sorry sa nagawa niyang pang dedeadma sa akin.

Ahhhhh!!! wooohoo! girla ang lakas ng alindog mo walang duda may gusto sayo si Johann.. kinikilig ang Jam dinaig pa ako habang nagsasalita.

Eh teka! anong naramdaman mo noon sinabi niya na "Iingatan kita". tanong ni Meanne

Ano nga ba naramdaman ko? Kinilig ako syempre hihihi feeling ko nag ba-blush ako. At ang isa pa bumilis ang tibok ng puso ko nag palpitate ba ganun! na para bang may tama sa akin ang sinabi niya. Macoconsider na bang may gusto ako sa kanya?.

Natapos na ang aming usapan. Hindi ako makatulog parang buhay pa ang aking diwa na iniisip kung anong mangyayari bukas dahil hindi na lamang kami mag ka schoolmate kundi mag kaklase pa. Araw araw kaming sabay matatapos na klase, araw araw din kayang sabay kaming umuwi?.
-----
Okay na lahat ng gamit ko at nakakain na ako ng breakfast. Papasok na ako ng School. Pagbukas na pag bukas ko ng gate hindi ko inaasahan masisilayan ko kagad si Johann. Kagabi lamg hindi ako magkatulog kakaisip sa mangyayari mamaya sa amin sa School tapos ngayon agang aga naman na nasa labas ng bahay siya.

Oh! Jo..Johann..? naparito ka anong sadya mo? pag tatanong ko sa kanya ng pormal na paramg walang namgyaring kakaiba kahapon.
Ngumiti ito sa akin.. oh lupa kainin mo na ako! Busog na ako sa kinain ko kanina parang mas nabusog pa ako lalo ngayon sa tamis ng ngiti niya. Pero hindi ako nawawala sa composure ko kunwari hindi ako affected.

Sabay tayong pumasok Laura! Pwede ba?

ahehehe!! Oo naman kinikilig kilig pa pero syempre sa isip ko nalang ang kilig. Matatanggihan pa ba kita ito at nasa harapan na kita. Tara baka malate pa tayo! sabay ngiti ko ng kapiraso lang.

♡♡♡♡♡
Thank you for Reading
Godbless you All
Comment/Vote

Bakit may kahapon pa?Where stories live. Discover now