Chapter 15: Audition

11.8K 214 34
                                        

Chapter 15: Audition

Sa loob ng auditorium may auditon na nagaganap, sina Enan, Clarisse at Greg nasa audience area para suportahan si Violet. "Ayan na siya tol" bulong ni Greg kaya napatingin yung dalawang binata sa gilid ng auditorium. "Sabi ko na nga ba e, you two are just like the rest of the guys here" sabi ni Clarisse.

"Hello, we are here to support Violet" sabi ni Enan. "Yeah right, you two just came here to look at Mary Grace" sabi ng dalaga. "Hindi totoo yan, sinong Mary Grace?" sabi ni Greg. "Ayun the prettiest member of the acting guild" sabi ni Clarisse.

"Clarisse, oo tama ka, we are also here to look at our crush. Oo crush namin ni Greg yan matagal na" sabi ni Enan. "Fine, girl crush ko din siya sa totoo" sabi ni Clarisse. "Ano daw?" tanong ni Greg. "Girl crush daw, meaning may girl crush si Clarisse sa kanya pero si Clarisse babae parin" sabi ni Enan.

"Right, hindi ibig sabihin tawid bakod na ako. I just find her very pretty, napaka elegant, kung lalake man ako siya yung liligawan ko" sabi ng dalaga. "Bakit pag babae nag oopen up ng ganyan okay lang? Pero pag tayo iisipin agad nila na alam mo na" sabi ni Greg.

"Greg are you trying to say you have a man crush on me?" landi ni Enan. "Ogag, basta, meron times minsan pag kunwari nanonood ako ng movies tapos may gwapong lalake, humahanga ako, its more of inggit pero parang ganon narin diba?" sabi ni Greg.

"There is nothing to be ashamed of when you admit to things like that" sabi ni Clarisse. "Uy si Violet na" sabi ni Enan. Sumalang sa stage si Violet para sumayaw kaya yung tatlo palipat lipat ang tingin mula sa kanilang kaibigan at mga judges. "Nag nod sila, nag nod sila" bulong ni Greg. "Oh my God, please please Violet wag kang magkakamali" dagdag ni Clarisse.

Nung malapit na matapos yung sayaw binomba nung tatlo mga kamao nila pagkat panay nod ng mag hurado. Pumalakpak pa yung mga hurado kaya nagpigil yung tatlo sa pagwawala ngunit panay bigay nila ng thumbs up sign kay Violet.

"Yes, may rason na tayo laging manood ng mga play" banat ni Greg. "Ah ganon pala, para makita si Mary Grace" sabi ni Clarisse. "Multi purpose, support Vi at syempre masilayan si crush. Yun lang naman e, para lang masilayan, happy na kami ni Greg don" sabi ni Enan.

"Baka maconvert ako" biro ni Clarisse kaya laugh trip silang tatlo. Tumayo yung isang hurado sabay napatingin sa crowd. "We are still lacking some actors, maybe some of you here would like to try out. Nothing to lose, malay niyo may hidden talent pala kayo" sabi niya.

"Greg ikaw, try mo. Hidden talent daw e. Kasi pag ako lantaran naman yan e. Hindi hidden sa akin, my talent is inborn, ano tawag don? Innate?" landi ni Enan. "You two, would you like to try out?" tanong ng hurado. Napalingon yung isa pang hurado sabay napatawa ng malakas.

"Tangi.." bigkas ni Clarisse sa inis ngunit hinawakan ni Enan braso ng dalaga. "Madami na tayo taga bukas ng kurtina" sabi nung huradong isa. Tumayo si Enan at nilapitan yung huradong mapanglait. "Sometimes in order to make people like you shut up is to prove them wrong" sabi ng binata.

"Oh, so do you know who you are talking to?" tanong ng hurado. "Does it matter if I know you are not? Does being whoever you are give you the right to judge others? Does that right come as a bonus to where you are right now?" banat ni Enan kaya napatayo yung hurado at nakipagtitigan sa binata.

"You have no right to speak to me that way mister, you are only a student here" sabi ng hurado. Lalong lumapit si Enan, seryoso ang titig niya kaya kinabahan na yung mga manonood at ibang hurado.

"You may compare me in terms of achievement, yes you may have achieved a lot but that does not give you the right to look down at others. I breathe the air you breath, I walk on the ground you walk on. You may think you are walking on clouds but that is just your ego making you feel that way"

Artistahin: FINAL CUTWhere stories live. Discover now