Broken 10 - Seven Deadly Sins

Magsimula sa umpisa
                                    

"We need to talk about our event this Saturday," saad niya habang isinuot ang puting t-shirt.

"Okay," saad ko habang nakayukong tinungo ang upuan sa harap ng kanyang mesa. Pinilit kong maging tunog propesyonal kahit naiinis ako sa mga mata ko dahil para itong naglevel-up at naging xray dahil kahit naka-shirt na siya, nakikita ko pa rin yung V-line niya at napapaimagin din ako sa bull's eye niya.

"We need to think of a concept para sa Gender Wars natin ngayong sabado," binulabog ng boses niya ang pagnanasa ko, "may naisip ka ba?"

Napangiti ako dahil ito na siguro ang pagkakataong magawa ko ang suhestiyon ni Patricia, "laruin natin ang Seven Deadly Sins."

"Paano magiging gender wars ang simpleng pagmimix ng drinks?" tanong niya.

"Seven Deadly Sins," umupo ako ng tuwid habang nagpapaliwanag, "magpaligsahan tayo sa paggawa ng inuming magrerepresenta sa bawat deadly sin. Then magpalit tayo ng mga gawa. Ang challenge, isa-isa natin itong inumin. Ang unang malalasing ang talo."

"Magandang ideya yan," saad niya.

"Ano ang premyo?" saad ko na nagpataas naman ng kilay niya.

"Matatalo ka lang kaya huwag ka nang magtanong ng premyo," saad niya.

"Hindi ko gagawin ang challenge kapag walang premyo," hamon ko.

Nakita kong bumuntong hininga siya saka sinabing, "sige, ano ang gusto mong kapalit?"

"Consummation of our wedding," agad kong sagot.

"Give it up, Arlene," saad niya, "hindi mo ako matatalo sa inuman."

"Try me," sinadya kong maging seductive ang pagkasabi pero nadismaya ako na simpleng irap lang ang iginawad niya sa akin.

"Okay," saad niya, "kapag ako naman ang mananalo, tatanggalin ko ang lahat ng gamit na may imahe mo sa bahay ko."

"Cool!" agad kong saad.

Sana magiging successful ang sinabi ni Patricia. Sana sa pagkakataong ito, bibigay na si Mago.

*Mago's POV*

Nagpalit ako ng t-shirt dahil sa kapilyohan ng pinsan kong si Danica. Dumating kasi ito kanina galing sa Florida. Alam niya ang nangyari kay Daddy kaya noong nalaman niya na ang babaeng napakasalan ko ay anak ng lalaking ipinalit ni mommy sa amin ni daddy, naisip niyang patayin sa selos. Bakit si Arlene ang paparusahan? Dahil alam kong sa tuwing mahihirapan si Arlene, mas lalong mahihirapan ang kanyang ama.

Magaling magplano si Danica, ganito rin kasi ang ginawa niya noon pinapaselos niya si Janine upang ito na ang kusang umamin kay Marco. Nagtagumpay siya pero sadyang napakamais lang talaga ng kaibigan ko kaya natalo ako sa unang kasunduan namin ni Arlene.

Nalaman kong bibigay na si Stuart kay Patricia kaya kailangan ko nang unahan si Arlene. Kailangang mauna siyang magquit bago pa gumawa ng hakbang si Stuart para ligawan si Patricia. Si Danica ang plan A ko. Ang manalo naman sa paligsahan ang back-up plan ko.

Umiinom ako ng tubig nang pumasok si Arlene sa opisina. Naramdaman ko kaagad na pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Hindi ko man sinasadya, pero natutuwa ako sa reaksyon niyang iyon. Marahil ay nagpapantasya na siya sa katawan ko. Wala na talaga ang inosente kong si Arlene. Kahit wala akong pakialam, hindi ko rin maiwasang mainis na kinalimutan niya ang pangako niyang ako ang makakauna sa kanya.

"Tatayo ka na lang ba diyan?" nagkunwari akong walang pakialam habang tinungo ang swivel chair.

"Baka kasi nakakaistorbo ako," napangiti ako sa isip nang marinig ko ang sinabi niya. Ibig sabihin nito, apektado siya kaya nagkunwari akong normal lang na may nakasiping ako tapos trabaho kaagad ang inisip, "We need to talk about our event this Saturday."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon