Mariposa

63 0 0
                                        

A.D 1413

Nakangiting bumangon mula sa kanyang kama ang batang si Arman. Dahil sabik na syang maikuwento ang kanyang panaginip sa mga magulang.

Para sa mga katulad nilang mga lahing Aenkanthau, bibihira lamang ang pinagpala na magkaroon ng panaginip at iilan lamang ang may taglay nito. Kadalasan sa Aenkanthian na nananaginip ay yung mga natagpuan na ang wagas na pag-ibig na panghabangbuhay, at madalang pa ito.
Ang panaginip ng isang Aenkanthian ay sagrado at may hatid na pag-asa sa sinuman o sa kanilang lahi.

Ang batang si Arman ay natatangi sa kanilang Aenkanthian dahil maraming beses na siyang nananaginip, maiksi man o isang mahabang panaginip. Sa tuwing nangyayari ito, magiliw niyang ibinabahagi na parang normal na pangyayari lamang. Para kay Arman sa tuwing nananaginip siya ay alam niya na may mapapangiti at mapapasayang kalahi niya.

Mababakas ang katuwaan sa mukha ni Arman kapag nagsisimula na siyang magbahagi ng kwento sa kanyang Hayr( Ama/Tatay ), Imah ( ina) at mga kalahi .

" Hayr! Imah! Hayr! Imah!" naririnig ng mga magulang ni Arman ang patuloy na pagsigaw nito na pumutol ng kanilang pag-uusap, Alam nilang may bagong panaginip itong ibibida sa kanila.

"Hayr! Imah!! Hayr taj Imah, I yerazel e yeritasard kensunak aghjakan norits' khory arreghtsvats sayin antarrum." ang sigaw ni Arman sa dialektong Aenkanthian ng matanaw niya ang kanyang Ama at ina sa kanilang hardin na nilalasap ang enerhiyang idinudulot ng gabi sa ilalim ng bilog na bilog na buwan at masuyong nag-uusap ang mag-asawa. Humahangos na tinakbo nya ang kahabaan ng pasilyo ng kanilang tahanan palabas, patungo sa napakagandang hardin.

May pagmamalaki at Paulit-ulit na sinisigaw ni Arman na siya ay nanaginip muli habang humahangos ng takbo. Hindi na nya batid pansin ang sinumang kalahi nya na kanyang nasasalubong, basta ang tanging nais nya ay marating ang kinaroroonan ng mga magulang.

" Oh! Arman, maghunos ka. Ayusin mo ang iyong sarili at hinihingal ka ng husto. " Panimulang bati ni Armeus Dublantis sa kanyang anak sa kanilang diyalektong Aenkanthian.

" Paano mong maibabahagi sa amin ng maayos ang iyong panaginip kung hinahabol mo ang iyong hininga?" tanong ni Armeus sa anak na hinihingal.

" Hihingalin talaga ang batang iyan, sa layo ba naman ng tinakbo nya. Nanggaling pa sa ikatlong palapag at sukat baybayin ang mga pasilyo sa loob ng limang minuto. Buti sana kung nakakalipad sya. " nangingiting tinuran ni Dimetria Dublantis na ina ni Arman.

Si Arman nakatingin sa kanyang mga magulang na nakaupo sa marmol na may disenyong inukit na dragon at Agila sa magkabilang dulo ng upuan. Pinilit isiksik ni Arman ang kanyang munting sarili at gumitna sa pagitan ng mga magulang nya.

" Walong taong gulang palang kasi siya." Ang turan ni Armeus sa kanyang asawa at sabay baling sa kanyang anak na hinihingal. Masuyo niyang ginulo ang buhok ng munting bata.

" Arman anak, maaari mo na bang simulang pagsalaysay ng iyong napaginip sa batang prinsesang babae? " nangingiting nasabi ni Dimetria sa kanyang anak na pinagmamasdan ang bilog na buwan.

"Imah, hindi po siya isang prinsesa.. Isa lamang po siyang pangkaraniwang nilalang na tao. .. Isang batang babae na pinapasaya ako sa panaginip." wika ni Arman sa kanyang ina.

" Arman kahit anong uri pa ng nilalang yan basta babae ay dapat ituring na prinsesa, hindi dapat munti at minamaliit ang pagtingin sa mga babae... Dapat Ginagalang , iniingatan at pinapahalagahan. Gaya ng pagtangi natin sa mga babaeng Aenkanthau at hindi dapat mababa ang pagtingin mo anumang uri ng nilalang ito dahil bawat nilikha ay espesyal." pagpapaalala ni Armeus sa kanyang anak na si Arman.

The Prince of DarknessWhere stories live. Discover now