Debate ❤

2.7K 173 88
                                    

[Playing: BUTTERFLY by BTS ❤]

"Hay na ko!" Padabog na umupo si Xiye.

"Wala akong pera," Saad naman ni Neon sa kanya.

"Tss!"

"Ano na naman ginawa ko!?"

Inirapan lang niya ito.

"Bakit ganoon? Bakit paasa ang mga lalaki!?" Inis na sabi ni Xiye.

Napakunot-noo naman bigla si Neon, "Wow! Wag ako!"

Napatingin si Xiye sa gawi nito. "Hoy! Paasa kaya ang mga lalaki!"

"Wag mong lahatin!"

"Kasama ka kaya dun," Sabay ngisi ni Xiye.

"Mas paasa kaya ang mga babae," Sabay ngisi rin ni Neon.

"Fyi! Yung mga lalaki kaya yung mga paasa!"

"Mga babae."

"Lalaki! Tangna!"

"Babae kasi. Alam niyo bang may mga puso rin kami, kapag nasasaktan?" Saad ni Neon.

"Oh! May puso ka pala? Akala ko walang puso yung mga shrek, mga bituka lang. Hahaha!"

"Gagu! Puro ka kase Facebook! Kaya wala kang alam pagdating sa school! Kaya ayan! Puro bagsak!"

"Oy mataas kaya yung quiz ko kahapon sa Scie--"

"1/20?" Natatawang tugon ni Neon.

"Atleast meron isang points. Ang yabang mo ah!"

"Tss.."

"Wait! Bakit pala napunta sa grades ko? Ang sabi ko lang paasa yung mga lalaki jan sa tabi-tabi! Na o-over polluted na!" Pagpaparinig niya.

"Bakit mo nasabing paasa ang mga lalaki ha? Bakit umaasa ka na ba?"

"Oo! Mga nababasa ko sa wattpad.."

"Tungunu! Naniniwala ka dun?"

"Pota naman! Patapusin mo ko pwede?"

"Sorna! Go!"

"Paasa ang mga lalaki! Kasi...sa u--"

"Mas paasa ang mga babae!"

"Hoy! Ang mga lalaki! Sa una lang sweet sa mga babae pero katagalan wala na! Ayan tuloy yung mga babae, laging sawi sa pag-ibig dahil paa--"

"Hoy kuto! Kasi ang lalandi ng mga babae! Ganito lang yung mga lalaki, sweet."

"Hoy ka rin Shrek kang gago! Alam mo bang laging umaasa ang mga babae na mamahalin sila ng taong mahal nila? Ayan tuloy hanggang asa na lang! Kasi papalit palit kayo ng mga babae na pinaglalaruan pa!"

"Wow! Eh ano naman yung mga babaeng nakikipagflirt sa iba? Alam mo bang nasasaktan rin kami kapag may kasamang iba yung mahal namin? Kaya kami sweet sa inyo dahil gusto namin mahulog kayo sa amin," Saad ni Neon.

Pinangsingkitan siya ni Xiye.

"Tapos kapag nahulog na yung babae, iiwan niyo na? Ganyan naman kayo e, nang iiwan sa ere!" Singhal ni Xiye, "Hay mga lalaki talaga ngayon! Kapag sawa na iiwan na lang nila sa tabi-tabi! Kahit kung minsan, kapag nakuha na nila yung kaligayahan na ini-ingatan ng mga babae ay ibabasura na lang ha!"

"Wag mong lahatin Xiye."

"Wag mo ring lahatin na malalandi yung mga babae!"

"Lahat ng babae may tinatagong landi 'no! Parang ako pa ang mas babae sayo e! May mga madre nga jan nakikipaglandian sa father!"

"Nakita mo, nakita mo?" Sarkastikong tugon ni Xiye.

"Oo, sa youtube.." Pilyong tugon nito.

"Ulul! Ang bastos mo!" Pinalo niya ito sa dibdib.

"Sino kaya sa atin ang bastos?" Sabay ngisi ni Neon.

"Gago! Paasa talaga kayo! Argh! Gwapo nga, paano naman yung ugali? Nakakapunyeta diba? Akala tuloy ng mga babae, mahal sila pero pinakilig lang sila!"

"Oy! Napakabitter mo naman masyado! Oo alam kong X yung 1st name mo pero move on na sa X okay ? Wag mong lahatin!"

"X! X! Potang X na yan! Move on na rin sa X Neon! Dumudugo na ulo ko jan sa X na yan! Kanina pa sa Math! At FYI nakalimutan ko na siya, move on na ko dun Shrek taba!"

"Tss maniwala ako.."

"Potek! Walang aasa kung walang nagbibigay motibo!

"Ganyan naman kayo mga babae eh! Hindi naman namin sinabing mahalin niyo kami!"

"Kasi nga paasa kayo!"

"Tss! Pa-flirt!"

"Paasa!"

"Malandi!"

"Mayabang!"

"Kayo yun!"

"Kayo kaya yung mga lalaki! Hss!"

"Playgirl!"

"Wow parang sila hindi playboy!"

"Pervert!"

"Manyak!"

"Pabebe!"

"Ang sama mo!"

"Mas masama ka! Masamang damo ka nga diba.."

"Masama naman lagi ang tingin mo sa akin e! Kailan pa ko naging mabait sa paningin mo ha?"

"'Pag tulog ka.. Hahaha!" Sabay kindat niya.

"Tangina! Ang pangit mo!"

"Bakit maganda ka?"

"Oo!"

"Oh eto salamin. Magsawa ka hanggang makita mo yung katotohanan!"

"Kung hindi pala ako maganda, bakit mo ko niligawan!?"

"Kasi mahal kita! Bakit mo naman ako sinagot ha!?"

"Kasi mahal din kita taba! Bakit ba?"

"Wala!"

"Hss! Shrek!"

"Kuto!"

"Taba!"

"Liit!"

"Che!"

"Tara na nga! Ihahatid pa kita sa bahay niyo!"

"Oo nga! Ikaw kasi!"

"Wow! Sinong naunang na beastmode?"

"Hss!"

"Sige tara na! Mahal kita kuto!"

"Che! Mahal din kita Shrek!"

Inakbayan ni Neon si Xiye at hinalikan sa pisnge.

"Manyak ka talaga!"

"Sarap ng kuto ko!"

"Baliw!"

"Hahaha!"

-E N D-


+debate ng kuto at shrek | one shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon