Chapter 1

36 1 0
                                        

Hindi ako makapaniwala nang malaman ko na ililipat na ako ulit ng school. Napakalungkot ko din dahil maiiiwan ko ang mga kaibigan ko sa dati kong school na halos lagi kong kasama.

"Pwede bang hindi na?" Sabi ko kay mama. "Pasensya na. Pero sabi nila kailangan mong lumipat ng school dahil di ka nila tatanggapin sa school dahil dun nga sa low grades mo daw." Sagot naman nya. Ang dahilan lang naman talaga ay dahil halos di na ako makapagfocus dahil sobrang busy ko. Ayaw ko lang naman talagang iwan ang mga kaibigan ko na kahit kailan ay di iniwan ang tabi ko lalo na nung wala akong kadamay. Pero pumayag na din ako dahil natutunan ko na kahit di na kami pareho ng school, sila parin ang kaibigan ko.

Pero parang ayaw ko sa school na ito. Dahil parang napaka- nerdy ng uniform nila para sa akin. Tapos may mga kaklase pa daw akong mga Amerikano! Oh no.. Oo, alam ko napakamapalad ko dahil makakapagaral ako sa school na ang tuition fee ay 47,000 Pesos.

At naku! English speaking zone din ito. "Anna??" Narinig ko si Kuya. "Kain na daw! Tama na ang cellphone sabi nina mama at papa!" Naku, naku. Napakasama naman nito! Nawalan pa ng wifi e kausap ko si Zoey sa messenger.

"Ok kuya. Sabihin mo papunta na ako." Sagot ko. Iniisip ko ang deal namin nina mama at papa: kapag may grades ako na 85 and above, bibilhan nila ako ng iPhone 5! Tapos kapag naman puro line of 9 ang grades ko ay may sariling laptop na ako!! Gagalingan ko talaga.

Nagpunta na ako sa dining table namin. Nakita ko na ang ulam namin ay adobong baboy! My number one favorite yun eh. Pagkatapos kong kumain nagpunta nalang ulit ako sa room ko at tinext sina Chelsey at Zoey sa Starmobile phone ko.

Yun lang ang chapter one! Sana nagustuhan nyo!

My Young LifeWhere stories live. Discover now