DREAM 3

24 2 0
                                    


Dream 3


Ilang araw na ang nakalipas na naging magkaibigan kame ni Gino. Kalat na kalat sa buong campus na may kasama raw si Gino na babae nung first day. Baka ang tinutukoy nila eh ako kasi nung first day magkasama kame ni Gino.


Papuntang room kame ngayon ni Behdai. Habang naglalakad kame sa Hallway lahat ng mga estudyante nakatingin samin. Huh?


"Behdai bakit sila tumitingin satin? May dumi ba tayo sa mukha? Tignan mo nga Behdai." Sinunod ko naman utos ni Behdai pero wala naman e. Pinatignan ko din kay Behdai yung mukha ko pero wala din. Bakit ba sila tumitingin sa amin? May ginawa ba kameng kalokohan sa school? Wala naman diba? Ang weird! Nevermind na lang sila uy.


"Uyy, girls diba siya yung nadapa sa Hallway?" sabi ng babae na nakatingin sa akin.


"Ohw, yes siya nga. Tapos bigla na lang dumating si Gino Thompson yung sikat na Badminton player, bigla nalang siya binuhat. Woaaahhhh! Nakakainggit siya. Baka girlfriend yan ni Gino uh? Swerte naman yung girl may boyfriend siyang Gentleman grabe." Sabi ng isa pang babae na katabi din nung unang nagsalita.


Ano raw? Girlfriend ni Gino? Uh? Anong sinabi nila? GIRLFRIEND? Oh my, keneleg eke! HAHAHA! Sorry guys but di ko pa po Boyfriend si Gino pero sure ako malapit na. HAHAHA! Chos!


"WHAAAAAAAHHHH! PARATING NA SILA GINO THOMPSON AT SI KHALIL RIVERA!"


Bigla nagsi-takbuhan lahat ng mga estudyante papuntang Entrance Gate kasi raw darating na sila Gino at si Khalil? Uh? Sino si Khalil Rivera? Bakit magkasama sila ni Gino?


Paglingon namin ni Behdai bigla na lang kame nasilawan sa araw. Biglang naghiyawan ang mga estudyante pati na rin mga lalake mga bading siguro to sila kaya ganon. HAHAHA! Syeeet! Napatingin tuloy ako kay Gino. Ang gwapo talaga ni Gino kahit kalayuan pero mas sobra siya gwapo sa malapitan try niyo raw. HAHA!


Nakita ko papalapit na papalapit na sa amin si Gino. "Hi Chrizia." Bati sa akin ni Gino with smile syeet! 


"H-hello." syeeet! Nauutal pa ako. Gwapo kasi niya e pati cute ng smile niya. Napatulala tuloy ako sa kanya.


"Ohw. Btw, Chrizia. Judy-ann. This is Khalil my friend."


"Hi Girls!" Bati niya sa amin sabay kindat. Uh? Khalil? Wait?!


"Sa susunod Miss. Tumingin ka naman sa dinadaanan mo. Badtrip! Jan ka na nga!"


Oh! Shit! SIYA?! Siya yung nagtulak sa akin nung first day. WHAT!? Siya ba yung tinutukoy ni Gino na kaibigan niya? Oh my God! Siya nga! Ang nagpahiya at nagtulak sa akin. 


"Behdai naalala mo ba yan lalake na yan? Diba siya yung nagtulak sa akin sa Hallway nung first day?" Bulong ko sa kanya at tumango siya, pati siya rin nagulat sa nakita niya ngayon.

Close Kame sa Panaginip LANG?Where stories live. Discover now