naibagsak ko tuloy yung damit na hawak ko.

sino yang lecheng lalaki na yan para yakapin si Sky sa public place?

nakakairita silang tignan na maglandian..

umalis na sila dun at tahimik ko naman silang sinundan.

nagpunta sila sa may cafe at nagorder.

bakit ganyan? ngayon ko lang nakitang sweet si Sky ah.

sino ba yang lalaking yan at ibang iba ang kilos ni Sky sa kanya.

niloloko ba ako ng asawa ko?

gusto ko na silang iwan kasi ayoko na yung nakikita ko pero ayaw naman gumalaw ng mga paa ko.

hinintay ko nalang sila at sinundan san man sila pumunta, siyempre patago lang.

hanggang lumabas sila ng mall at umalis na ay sinusundan ko pa din sila.

nagcommute lang sila kaya medyo nihirapan pa akong sundan sila pero tuluy-tuloy pa din ako.

hanggang marealize ko nalang na papunta kami sa bahay nila Sky.

teka ano to, bakit dadalhin niya yung lalaking yon sa bahay nila?

alam ba ng pamilya ni Sky na may iba siyang lalaki?

at ayos lang to sa kanila?

o baka naman silang lahat niloloko lang ang pamilya namin?

ah ewan!

ang gulo!

dahil sa sobrang gulo ng isip ko, umuwi nalang ako, hindi ko na rin naman sila pwedeng sundan hanggang sa loob ng bahay nila.

bakit ganun, kung tama man ang hinala ko, talaga bang magagawa ni Sky samin to?

---

<Adrienne>

nung pauwi na ko ay hinatid ako na ko ni bhe, andami ko kasing dala, yun mga pasalubong niya sakin ay sandamakmak pala.

gusto nga daw sana niyang pumasok muna dahil gusto niya kilatisin si Troy kaso next time nalang daw kasi may pupuntahan pa siya.

pumasok na ako at dumiretso sa kwarto nang masalubong ko si Troy sa may hagdan.

"bakit hindi ka bumaba sa kotse kanina? sana pumasok ka muna sa bahay." tanong ko

"nakakahiya sa mama mo.." sagot niya habang tuluy-tuloy sa pagbaba ng bigla siyang huminto at tumingin sakin.

"p-pano mo nalaman?"

"na ano? na sinusundan mo kami?" tanong ko

medyo na-shock pa siya pero agad ding umalis at parang galit pa.

umakyat nalang ako at pumasok sa kwarto.

nung nasa may cafe kami, dun ko nalamang sinusundan niya kami.

nakita ko yung suot niya.. tapos hanggang pauwi kami, alam ko kasi ang kotse niya.

hindi na rin naman kami nagtagal ni bhe, nagkwentuhan lang kami saglit, kasama na din yung tungkol sa min ni Troy.

sinabi pa nga niya na hindi pwedeng bumalik siya ng Japan ng hindi niya nakakaharap si Troy.

<Troy>

hanggang kinabukasan ay hindi ko pa din nakakausap si Sky, at wala akong balak kausapin siya.

nagkakasalubong kami sa bahay pero hindi ko siya pinapansin.

pero bakit ganun? hindi din niya ako pinapansin.. 

sabay kaming kumakain pero wala pa ding pansinan.

Arranged Marriage - Dual PurposedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora