Chapter 40: Heartbroken </3

47 5 0
                                    

Vin's POV

"Liz----"

"Hindi ka aalis. Sino ba yun para sundan mo?"

"Sino sya? Sya yung taong mahal ko.." tumakbo na ako at hinanap si Liz. Argghh ang Epal ni Lexi! Nakakainis.

"Oh Vin bakit ka tumatakbo??" -Eirah

"Hinahanap ko si Liz.. " nagtaka naman yung mukha nya.

"Nalungkot sya? Nasaktan?" tumango lang ako. Akala ko tutulungan nya ako pero isang malupit na sampal ang ginawa nya sa akin.

"Ang sama mo.." At tumakbo na din sya paalis, napahawak ako sa pisngi ko. Natauhan ata ako...

"Vin halika nga dito!" sabay hatak nanaman sa braso ko.

"Ano bang kalokohan yung sinasabi mo Lexi??! Kailan kita naging Fiance? "

"Simula nung bata pa lang ta----"

"Shut up. ..Takte Lexi, ikaw lang ang may gusto nitong Fixed marriage! Tutol ang mga magulang ko diba? Bakit ayaw mo pa din akong tigilan??!!"

"Bakit? Kasi Hindi ako papayag na Hindi ka makasal sa akin! Hawak namin ang kumpanya nyo, remember? Hahaha malas mo lang dahil babagsak ang kumpanya nyo ka---"

"Kapag di ako nagpakasal sayo? Kahit wala kayo, kaya naming itaguyod yung kumpanya namin... " tinanggal ko sa pagkakahawak sa braso ko yung kamay nya.

"Let's see.." At ngumiti pa sya ng nakakaasar. Tumalikod na sya at nagsimulang lumakad.. pero bigla ulit humarap.

"I know her, I will make her life miserable"

Lizah's POV

"Espren..."

"Eirah magpapaliwanag------"

Tumakbo na din sya sa direksyon ko at niyakap ako. Aish tumutulo nanaman yung mga luha ko.

"Espren.. *sob* " -ako

"Hoy babae, wag ka ngang umiyak. *sob*, nahahawa ako eh.." ang higpit ng yakap ni Espren sa akin.

"Hoy ngumiti ka na nga, haha!" napangiti na din ako sa sinabi ng bestfriend ko.

"Kasi Eirah-----" humarap si Espren Kay Alap at piningot yung tenga ni Alap.

"Yung kaibigan mo... Napaka ano nya hah!! Pagsabihan mo yun" -Eirah

"Aww!! Oo na, wag mo na akong kurutin! Hoyyy------OUCH"

"Tsk. Bahala ka" napangiti na lang ulit ako, may something na siguro sa dalawang to. Ayaw lang umamin..

Naramdaman kong may yumakap sa akin patalikod..

"I'm sorry, Loves."

Author's POV

Napaiyak na lamang si Lizah pagkatapos makita kung sino ang nasa likuran nya.. Si Vin, oo sya nga.

Sabay na umalis sila Eirah at Alap na magkahawak ang kamay. Nagkatinginan pa silang dalawa

"Moment nila yan, halikana" aya ni Alap.

Vin's POV

"I'm sorry..." paulit ulit Kong sabi.

"Vin, bitawan mo ako! Dun ka sa Fiance mo, layuan mo ko" pinunasan ko ang luhang pumapatak mula sa mata nya.

"Liz, naniniwala ka dun?" di nya ko sinagot bagkus tumayo lang sya at tumingin sa akin..

"Huwag na huwag mo na akong kakausapin, ayoko ng makita ang pagmumukha mo"

Naiwan akong nakatulala dito. Kakausapin? Ayaw nya na akong makita?

"Liz!!" sigaw ko.

Wala na , iniwan na ako ng taong nagpapasaya sa akin....

Lizah's POV

Pinupunasan ko yung bawat patak ng luhang lumalabas sa mata ko. Ano bang iniiyakan ko? Ano bang nangyayari sa akin??

" Lizah, San ka pupunta?" classmate ko

"Uuwi na. Bukas na lang ulit" lumabas na ako at sumakay ng tricycle. Itutulog ko na lang ang lahat ng to.

***********

"Anak, andyan si Eirah pati yung boyfriend nya" si Espren? May boyfriend?

"Ma, Hindi nya yun boyfriend. Hahaha" bumaba na ako at dinatnan ko si Eirah at Alap na nakaupo sa sala.

"Liz!!!" sigaw nya.

"Oh bakit kayo nandito? Tapos na ba yung pag-design ng Booth?"

"Hindi pa. Bigla ka na lang daw umuwi eh kaya nag-alala kami sayo. Iniwan mo pa ko hah? Haha"

"Espren, ehemm. Bakit kasama si Alap? Yieee"

"Eto ba?" sabay turo kay alap. "Gusto lang daw nya sumama para makatakas sa mga activities" napatawa na lang ako. Hahaha

"Ahmm.. Kamusta?"-Alap

"Hah? O--ok lang" sabay tungo. Naramdaman ko na lang na may umakbay sakin.

"Si Lexi ba? Ang kulit kasi ng babaeng yun, patay na patay yun Kay Vin eh. Hahaha desperada" -Alap

"Fiance sya ni Vin.." bulong ko.

"Wag kang mag-alala, nakwento na samin to ni Vin dati. Hindi pumapayag yung magulang ni Vin kasi nga Alam nila kung sino yung mahal ng anak nila. Ewan ko Kay Lexi, mabait naman sya kaso nung nalaman na fixed marriage sila ni Vin, aba umasta na syang asawa ni Vin"

"May karapatan sya kasi nga---"

"Liz, magtiwala ka Kay Vin noh. " -Eirah

"Oo nga Loves ni Vin, haha. Eto tuloy ko na yung istorya, umalis dati si Lexi papuntang Canada kaya Ayun, akala naming lahat ayaw nya ng ituloy yung Kasal. Pero haiissttt, bumalik pala sya"

"Tama na nga, I'm trying to Move On pero binibigyan nyo nanaman ako ng dahilan para umasa.. " sigaw ko.

"Mahal ka ni Vin..." natulala ako sa sinabi ni Alap.

No, wag kang maniniwala Lizah!! Wag na wag dahil masasaktan ka lang.

"Kalokohan mo alap" sagot ko.

"Oh mag miryenda muna kayo" buti na lang kakain na para maiwasan ko yung topic about Kay Vin at errrr-- sa Fiance nya.

Tahimik kaming kumakain. Yeah, buti tahimik.

"Anak, andyan yung lalaking nagsundo sayo dati"

O________O.. Si Vin???

"Ma, sabihin nyo po na wala ako" napatingin ako Kay Alap at napapailing na lang sya.

"Pero andito ka---"

"Ma, please." tumango na lang si Mama. Sinundan ko sya at bahagyang sumilip sa pinto.

"Andyan po ba si Liz?"-sya

"Naku, wala kasi sya eh. May pupuntahan daw sya, sa mga kaibigan nya ata. Bakit?",

"Gusto ko lang po sanang makausap sya" may tonong malungkot sya.

"Ganun ba? Pasensya ka na hah? Sabihin ko na lang na dumaan ka "

"Sige po, salamat na lang po" parang tiningnan pa nya ng mabuti kung wala ba talaga ako bago umalis.

Hayss, iiwasan muna kita, Vin.

A/N: Huhuhu T___T bakit may Fiance na si Vin? Paano na ang VinZah?? Totoo kaya yung sinabi Ni Alap? Kamusta na ba ang status ng AlRah??

Abangan ;>

-XOXO Leizabelle <3

Take it Or Leave It?Where stories live. Discover now